Cloe's POV
"Cloe! I need your aticle now! Think of a better idea! Or else you'll never think about this promotion!"
"Yes Sir! I'll do my best!"
psh kakaupo ko pa lang nga dito sa desk ko nakaabang na pala si sir sa likod ko. Psh buhay nga naman.
"You better be!"
Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na article. Paano na ituuu!!!!
"Oh bes! What happened? Ang aga-aga ang haggard mo?"
"Rachel!! Huhuhu isipan mo nga ako ng magandang topic para sa article."
"Girl, uhhmmm libre mo ako ng lunch for my brilliant ideas." Naka-ngiting sagot ni Rachel ang aking officemate and bestfriend.
"Fine. Basta tulungan mo ako." Wala na akong magagawa kaya na pa oo na lang ako. Kailangan ko na talaga ng topic.
Bakit ba kasi ganito na ang nangyayari? Well, I have no choice kasi ito ang pinili ko. Kailangang panindigan ko na ito. I choose to be a writer. Akala ko ganun lang kasimple magsulat ka lang na gusto mo. Nakakita kasi ako ng freedom sa pagsusulat. I can be the person I dreamed to be. I can be where I want to be. Ako ang bahala ng flow. I just want to be free.
"Cloe! Lunch na! Tara na!" Sigaw ni Rachel akala mo wala kami sa office.
"Ano lunch na???!!! Wala pa rin akong nasusulat ni isang sentence."
Binagsak ko ang ulo ko sa may desk ko patay na talaga ako.
"C, laters na yan let's go eat na, I'm really gutom na. Let's sa Samgyup House sa harap." sabi ni Kathleen.
"Yeah, K. Sunod na lang ako."
Ano ba ang isusulat ko ngayon?
Tinitingan ko magblink ang cursor sa desktop ko baka biglang may ipakita na idea. Pero after 10 minutes wala pa din.
"Kain na nga ako baka may makita ako idea dun."
"Wait!" Tumakbo ako papunta sa elevator. Pinigilan nung lalaki na taga ibang department na sumara yung elevator.
"Psh." Sabay roll ng eyes ng babaeng naka fitted dress at naka full make up at sobrang tapang ng amoy ng pabango niya. Akala mo naman exclusive itong elevator para sa kanya.
"Excuse me lang ho ahh" ano bang araw ngayon at parang marami ang mainit ang dugo sa akin.
May biglang nagring na phone
"Yes honey, wait me na lang nasa elevator na ako. Andiyan na sana ako kaso may nagpahintay pa" sabay tingin sa akin.
What the. Sasagot na sana ako kaso pagtingin ko na sa sa Ground Floor Lobby na kami. Biglang tumakbo si ate girl. Natapakan pa ung paa ko ng high heels niya.
Nasa labas na ako ng building at tatawid na sana ng may biglang huminto na shiny black 2020 Maserati Levante. At may bumaba na lalaking nakasuit ang formal niya tingnan.
"Honey!" Takbo ni sossy ate girl
Ngumiti lang yung lalaki sa kanya at napatingin sa akin at sigurado ako nakita niya ako nag roll eyes kasi tahaling tapat may cringey scene na nangyayari dito. Makalunch na nga.
BINABASA MO ANG
Project Daisy
RandomYellow and White each petal of a flower has a meaning let's search for the answers our codename is daisy /Daragon FanFiction/