KK 4: Ang simula ng lahat Part 3

1.9K 44 19
                                    

The next one ☺👇👇

POV na ni Aeri (Aryann) gagamitin ko dito. Naloloka ako pag Third Person eh XD

Kk. Read na! 😘
---
Aeri's POV

Nagising ako kinabukasan mga 5:30 AM. Haay thank you! Di nako malelate nito.

Agad ko namang ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ay bumaba na ako. Naabutan ko sina Mommy't Daddy sa hapag na busy sa kani kanilang Laptop habang kumakain. May nakakabit pang bluetooth phone sa tenga ni Mommy so that she can answer all calls na darating.

Haay! Yan na naman sila! Business na naman. Tsss.

Umupo na ako at kumain at di nalang sila pinansin.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Siya namang biglang dating ni Ate na kakagising lang ata. Panggabi kasi ang pasok ng sisterette ko.

"Goodmorning Ate. Pasok nako!" masiglang bati at paalam ko sa kanya.

"Okay bunso. Mag-iingat ka!" tugon niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Pati na din si Yaya ay hinalikan ko.

Di ko na pinansin sina Mommy kasi busy nga.

----

Papunta nakong school nang maalala kong pupunta pala ako sa Supermarket.

"Kuya Brent naalala ko palang pupunta ako ng Supermarket, pwede daan muna tayo doon sandali? May bibilhin lang sana ako" ani ko kay Kuya Brent. Haaayy! Ang gwapo niya talaga! Nakalimutan ko na tuloy na umiyak nga pala ang lola niyo kahapon.

"Ha? Ah sige Sir. Pero baka malate kayo?" alala niyang pagpayag.

"No. I can handle my time. Early pa naman po eh" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Osige Sir!" nakangiti rin niyang pag sang-ayon sakin. Shheet! Hang gwapo!

"Kuya naman! Wag na Sir itawag mo sakin, feeling ko tuloy sa sarili ko di ako babae HAHAHA! Pwede po bang Aryann o Aeri nalang" nakapout at natatawa kong sabi kay Kuya Brent.

"Haha okay po Sir Aeri!" natatawa ding sagot ni Kuya. Nagpout nalang ako sa tinuran ni Kuya. Hays napakamabiro talaga.

Habang papunta sa Supermarket ay naisip ko na naman ang aking plano upang mapaghigantihan si Clint. Mag damag ko itong plinano at sigurado akong di ako papalpak dito.

"Aeri, nandito na po tayo" napatingin naman ako sa kanya nang mag salita siya.

"Ah sandali lang Kuya Brent, may bibilhin lang ako, sandali lang talaga" sabi ko at agad baba sa kotse.

Pag pasok ko sa Supermarket ay pumunta agad ako sa Paint section. I buy a black face paint. Erasable naman ito kaya no need to worry yung Ugok. Bumalik agad ako sa kotse pagkatapos kong magbayad.

"Aeri, ano pong gagawin niyo jan sa pintura?" agad na tanong ni Kuya Brent pagkabalik ko sa kotse.

"Project namin to sa TLE Kuya, pinapabili kasi ako ni Sir. Let's go na, Kuya. Mukhang malapit nakong malate" me.

Agad naman kaming lumarga papuntang school.

Para hindi boring ang biyahe eh naisipa kong mag tanong tanong kay Kuya Brent.

"Kuya, taga san ka nga pala?" tanong ko sa kanya.

Natuon ang atensiyon niya sakin. From the road to the rear view mirror ang peg ng Lolo niyo! XD

"Ah, taga Baguio talaga ako Aeri. Pumunta lang ako dito sa Davao para magtrabaho" kwento ni Kuya Brent sakin.

"Ganun ba Kuya. Ang layo naman ata ng pinanggalingan niyo"

Kailangan Kita (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon