TARA NA

173 7 5
                                    

Time Check:

2:59 A.M

Bigla na naman akong nagising sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagtulog. Mahihirapan na naman akong matulog ulit dahil mag i'imagine na naman ako na may nakatingin sa aking multo kahit wala naman.

Nag-isip-isip ako ng kung ano-ano pa. At pagkatapos ng ilang oras, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"TARA NA!"

"SUMAMA KA NA SA AKIN"

"SAMAHAN MO AKO, TARA NA"

Isang batang umiiyak ng dugo,

may malaking laslas sa leeg, gumagapang dahil sa putol ang isang paa nito, lumuluwa ang kaliwang mata at iniaabotsa akin ang kanyang duguang kamay at pinapakiusapan akong sumama sa kanya.

Palapit ng palapit sa akin ang bata at paulit-ulit na sinasambit ang mga salitang iyon

"TARA NA ..SUMAMA KA NA SAKIN...."

"SAMAHAN MO AKO SA IMPYERNO! .."

Habang ito ay umiiyak pa rin ng dugo at gumagapang.

Hindi ako makagalaw sa sobrang takot. Nasa isang sulok lamang ako at umiiyak. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Malapit na akong mahawakan ng bata ..

Umiiyak pa rin ng dugo..

Papalapit na siya ...

AYAN NA SIYA! ...

*Bee do.. bee do.. bee do.. bee do

bee do .. bee doo ..!*

Tumunog yung alarm sa cellphone ko.

Isang Bangungot lang pala.

Time check:

6:59 A.M

Oh diba? Ang ganda ng alarm tone ko?

MINION SIREN. hahaha

Thanks po sa pagbabasa :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TARA NATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon