The Rebel Bride (one shot)

28.3K 565 89
                                    

The Rebel Bride

Written by: LittleRedYasha

Romance/ Non- Teen Fiction

All Rights Reserved © 2013

Rated SPG. Not suitable for minors. You must be open-minded kung gusto niyong basahin ang kwentong ito.

Still, enjoy the story.

-LittleRedYasha

***

The Rebel Bride by LittleRedYasha

One Shot

"Marie, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!"

F*ck! Tapos niyong mukha niyo. Tinalikuran ko sila dahil hindi ko na sila matagalan.

Fixed marriage para daw magtino ako? Sino ba ang niloko nila? Huh, asa pa sila!

My name is Marie, I am a nineteen year-old problem child ng pamilya ko. Mayaman kami, oo. Nakukuha ko lahat ng gusto ko ang kaso kulang naman ako sa atensyon ng mga magulang ko. Papaano, puro na lang lagi sila negosyo. Hindi nila ako napapansin. Kaya ayun, nagrerebelde ako.

Sumakay ako sa kotse ko. Sinasabi pa nilang imi-meet ko daw ang groom-to-be ko sa isang family dinner tonight para makilala namin nang lubusan ang isa't-isa. Manigas sila!

Pupunta ako sa bar. Magha-hangout magdamag at magpapakalasing. Akala ba nila kaya nila akong kontrolin?

Naupo ako sa isang sulok nang makarating ako. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako ma-contact ng kahit na sino. Um-order ako ng ilang bote ng beer hanggang sa pakiramdam ko ay tinatamaan na ako.

Sige pa rin ako sa pag-inom hanggang sa may tumabi sa akin. Hindi ko sana siya papansinin kaso lang napakabango ng amoy niya kaya hindi ko naiwasang mapatingin.

"Lady, lasing ka na yata," pansin niya.

"Pakialam mo?" pasita kong sagot at pinasadahan ko siya ng tingin.

Infairness naman gwapo siya. Well-built at sa tingin ko naman matangkad siya.

"I'm Brenan and you are?"

"Marie,"

"How old are you, Marie?"

"Nineteen. Ikaw tingin ko.. .twenty-eight ka na,"

"Sobra ka naman. Twenty-five pa lang ako,"

Um-order din siya at nagkwentuhan kaming dalawa. Naikwento ko sa kanya ang dahilan ng paglalasing ko. Nakakatawa, the fact na kakakilala ko pa lang sa kanya.

"Alam mo dapat nakauwi ka na sa inyo. Delikado ka sa sitwasyon mo,"

"Okay lang. Wala namang nag-aalala sa 'kin,eh. Sakit nga ako sa ulo ng mga magulang ko,"

"Halika na, ako na lang ang maghahatid sa'yo," prisinta niya.

"Psh. Wag na, wala talaga akong planong umuwi. Gusto kong magwala ngayon!"

"Kung ganoon, sasamahan na lang kita dito,"

"Talaga? Okay lang sa'yo?"

"Oo naman,"

At isang nakakalokong idea ang naisip ko.

"How about we go to your place?" I said seductively.

Saglit siyang napakunot-noo.

"No way,"

"Please?"

Ngumisi siya.

Malapit lang daw ang condo niya mula sa bar. Tama nga siya kaya mabilis namin iyong narating. Pagkasara niya ng pinto, I immediately clung to him and kissed him torridly.

The Rebel Bride (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon