MY BEAUTIFUL MONSTER

7 0 0
                                    

 "Si Barbie? I don't know kung bakit saksakan ng kulit yan. Hindi maubusan ng energy. Napaka hyper. Sarap lagyan ng straight jacket sa sobrang likot. Mysterious at sobrang WEIRD niya... Kahit maliliit na bagay napapansin. Ang lawak ng imagination, baliw. Pero ba't ganun? Sobrang talino niya kahit di siya nagseseryoso sa pag-aaral. Okay, sige... Maganda siya.. At talented. Masyadong pinagpala. Yun nga lang, may sayad. Tss." ---- Lance

"Kung meron mang pinaka KJ na tao sa buong mundo, si Lance na siguro yon. Ay nako, ang boring boring kasama, walang ginawa kundi mag-aral. ARAL. ARAL. ARAL!!!!! Wala siyang pakielam sa mga tao sa paligid niya. Tss. Ewan ko ba kung ba't ganyan yan! Suplado much... Hmpfffthhh... Ang sarap asarin, pikon kasi!! Pero infairness, super fafablelicious ang lolo mo. Wahahaha." ---- Barbie

PROLOGUE

Minsan, sa sobrang pag-aalala natin sa mga bagay bagay ay nakakalimutan na natin ang magsaya.

Nagiging sarado ng isip natin sa mga bagay na akala natin ay walang kwenta ngunit iyon pala ang makakapagpaunawa sa atin kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay sa likod ng masikip na mundong ginagalawan natin.

...na sa kabila ng bagyong nagdaan o darating palang ay makukuha pa rin nating ngumiti at magpasalamat sa mga pagkakataon na ipinagkaloob sa atin.

Chapter 1: Friends?

-Lance's POV

STUDY. I NEED TO STUDY. The exams are getting nearer.

Hindi ako pwedeng bumagsak.

*kriiiiing!!!*

Nag-ring na ang bell. Tapos na ang class namin. Pero dito muna ako sa classroom, magmumuni-muni saglit... Kakapagod kasi yung last subject namin, P.E.. Pinag-push up kami nung P.E. teacher namin. Sheesh.

(Tingin sa katabing armchair)

Hindi nanaman pumasok ang seatmate ko. Yung babaeng ano... Si...

 Sino nga ba yun??

Si Ba.. Ba.. Ba??--- ah ewan. Basta sa "Ba" nag-uumpisa yon.

Limot ko na ang pangalan niya. Basta ang alam ko, mahaba at straight and buhok niya. At meron siyang mala-pusang mata. Maputi siya. At... Maliit.

Well, hindi naman sobrang liit.. Siguro nasa bandang 5 flat lang siya. Pero siguro tatangkad pa naman yon. Nasa 3rd year High School palang naman kami eh.

Palagi nalang absent yon. Mag-tatatlong linggo na. I just heard, nasuspend siya for a week, but after that, hindi na talaga siya pumasok...

Sabi din nila, nasuspend siya dahil meron siyang ginulpi na isang freshman sa may likod ng canteen, mas malaki sa kanya yung lalaki, pero ang kagulat-gulat doon ay walang kalaban laban yung lalaki at tumakbong umiiyak sa principal's office. Duguan ang mukha niya. Pagbalik nila sa likod ng canteen, andun pa din siya, nakatayo lang. Sabi ng principal suspended daw siya ng isang linggo. At kapag inulit pa niya yun... Ma-kikick out na siya sa school at hindi na siya makakapagtransfer pa sa iba. Naka 3rd offense na daw kasi siya sa pag violate ng school rules. 

Grabe lang, babaeng nanggugulpi ng bata? Meron pala non. Amasona. Tch. Tsk. Mabuti pa siguro na hindi na siya pumasok at baka pati ko ay pagdiskitahan pa non. Nako madami pa akong pangarap no...

 Teka... BAKIT KO BA SIYA KINUKWENTO? Di'ba dapat buhay ko ang kinukwento ko?! 

Isa pa, di ko naman talaga siya kilala. Pati wala akong pakialam sa kanya. Basta ako, mag-aaral nalang. Magtatapos pa ako. Gusto kong maging successful, tulad ni Dad. Businessman siya na nagtatrabaho sa ibang bansa.

MY BEAUTIFUL MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon