"ayan na siya girl!"
"Haaaay naku Cleo sabi ng maghanap ka na lang ng ibang kababaliwan kasi marami kang kaagaw diyan kay Marky!" - sabi ng bestfriend kong si Anne
"Girl naman eh! Di talaga kita narinig na sinuportahan mo ko kay Marky! Kaibigan ba talaga kita?"
"Girl naman kasi, gwapo nga siya at talented pero napaka-chickboy naman!" -- Anne
"eh anong magagawa ko? Sa kanya ako tinamaan eh."
Nga pala bago pa kami mag-away dito ng very supportive kong bestfriend eh ako nga pala si Cleo Alexi Rosales at yung pinagtatalunan naman namin ay si Marky Jude Gonzales ang super duper crush ko since first year. Nasa 3rd year highschool na kasi kami ni Anne at 4thyear naman si Marky. Sino ba naman kasi ang di magkakagusto kay Marky? Gwapo na eh cute na cute pa mag-smile, dagdag mo pang ang galing niyang sumayaw at meron pa, ang galing magbasketball!
'Kinikilig na naman ako pag-naiisip ko siya! haaaaaay! Pansinin mo naman ako!'
Nga pala ayaw ni Anne sa kanya kasi nga sa araw-araw na pamumuhay namin sa school eh iba-iba yung kasama niyang babae. Pero di pa rin ako na-tu-turn off sa kanya. True love na kaya to?
Nandito kami ngayon ni Anne nakatambay sa isang bench sa school at kahit na malayo si Marky ay nahahagip siya ng mga mata ko. Dito na parati kami natambay na bench kasi madalas siyang dumadaan dito.
"Gusto mo bang itali kita girl? Para ka ng uod diyan na galaw ng galaw." -- Anne
"Sorry naman kasi girl! Malapit na kasi siya dito oh! tingnan mo."
"Malapit na nga siya kaya bumalik ka na sa katinuan mo diyan!" - Anne
At ayun nga, nagkunwari akong nagtetext nung dumaan siya kaya pigil-pigil ko naman ang sarili ko na kiligin. Sakto ring pagdaan niya eh nagtetext siya.
'Sino naman kaya ka-text niya?nakaka-selos!'
"Teka girl! Nakita mo? Pareho pala kami ng cellphone ni Marky!"
"Oh ano naman ngayon?" -- Anne
"Destiny yung tawag dun.." -- sabi ko na kinikilig
"Agad-agad? Haaaaay naku girl! Dito kana muna ha, bibili lang ako ng merienda natin kasi gutom lang yan!" - Anne
Umalis na si Anne papuntang canteen. Naiwan akong mag-isa dito kaya naglagay na lang ako ng earphone at nakinig ng music.
Paglingon ko sa right side ko eh bigla na namang dumagundong yung dibdib ko.
'Si Marky naglalakad papunta dito? Hindi naman siguro, baka sa kabilang bench siya uupo? pero kasi full na rin dun eh? Tinanggal ko na yung earphone sa cellphone at tinago sa bag ko.'
"May kasama ka ba dito miss?"
"H-Ha? Ahh.. w-wala Marky!"
"Kilala mo ko?" - Marky
'Ngumiti siya! Ang gwapoooooo! siomaiiiiiii!'
"H-Ha? Ahhh.. oo! K-Kasi ano.. ahm.. crush ka kasi ng kaibigan ko!"
"Ganun ba? okay." - Marky
'Haaaaaay grabe! Ano bang nangyayari sakin? Lagot ako nito kay Anne. Bigla na lang siyang tumahimik at nagtetext na naman siya.'
Kinuha ko rin yung phone ko at nagkunwaring may etetext pero kasi nanginginig yung mga kamay ko.Tiningnan ko siya.
'Pareho nga talaga kami ng cellphone! Siomaaiiii! Kiliiiiig!'