Mahigit isang linggo na akong nagbabakasyon rito sa bahay nila kent and mahigit four days na akong naninilbihan sa kanya
Mahirap? Oo mahirap maging utusan letse. San kaba naman nakakita ng bilyonaryang katulong diba? How dare you kent? Pagod na pagod na ko takte!
Naglalaba na naman kasi ako ngayon, ganun parin naman yung steps ko. Bwiset kasi yung kent na yun eh. Isang Araw isang basket ng labahan.
Talagang pinapahiraman ang kagandahan kong 'to chos!
"Pakidagdag na to salamat" Sabay ngiti ng nakakaasar. Taena nang-aasar ba sya ha? Ang dami na nga nyang labahan eh
Pagkuha ko nung damit nya bigla akong nahilo. Ang sakit ng ulo ko. Siguro dahil nalipasan lang ako ng kain
"Uhm master pwede bang mamaya nalang ako maglaba? Matutulog lang po ako"
"Wow ha! May gana pang matulog" bulong nya pero narinig ko naman
"At bakit?" Nakataas kilay pa sya
"Masakit po kasi ulo ko eh" bulong naman nya
"Sige just assure na tatapusin mo yan lahat or else alam mo na" maglalakad na sana ako pero muli sya nagsalita. "1 hour lang ha!"
"Ano? Masyado pa atang mabilis yun ha"
"Yan na nga yung pinakamatagal na tulog para sakin tapos aarte ka pa"
"2 hours?"
"No! kung ayaw mo di wag. Wag ka nang matulog"
"Sabi ko nga hindi"
"Buo na desisyon ko! Maarte ka kasi"
"Hala walang ganun! Kung utusan mo na nga ko wala ng kapahingaan eh tapos kahit ngayon lang bawal?" Naiiyak na ko pero hindi ko pinapahalata sa kanya baka asarin pa kong iyaken
"Ang panget panget mo na nga iiyak ka pa" hala nabasa nya ata yung nasa isip ko. bigla syang tumawa ng mahina. Napasimangot nalang ako kasi masakit na talaga yung ulo ko. Umalis na rin sya saka nagbabye-bye sign
Pinagpatuloy ko nalang yung paglalaba ko. Pag-di ko naman kasi sya sinunod yari na ko
Feeling ko nanghihina ako. Ang bigat-bigat kasi ng katawan ko eh
Ang sakit talaga takte...
Tapos na kong maglaba. Kakatapos ko lang din at salamat. Wala na munang gagawin. Natapos ko naman na lahat kaya makahiga muna dito sa sofa
"I said wag kang humiga" bigla akong napaahon mula sa pagkakahiga ko
Pero pagtayo ko biglang nanlabo yung mga mata ko pero pinipilit ko paring maglakad. Gumegewang na parang lasing na nga ako eh
"Bakit ka namumutla ha? Anong meron?"
"I told you masakit ulo ko kaya please wag mo muna ako utusan"
Bigla syang lumapit sakin tsaka kinapa yung leeg ko kung mainit ba
"Meron kang lagnat. Dun ka muna sa kwarto mo magpahinga ka na dun" masaya na sana ako kasi makakapagpahinga na ako pero di man lang nya ko tutulungan umakyat papunta sa kwarto? Ang gentleman mo
*blag*
Bigla nalang akong natumba. Nanghina kasi mga tuhod ko eh tapos lalo nanglabo mga paningin ko
Unti unti akong napapapikit pero bago ako makapikit nakita ko si kent tumatakbo papunta sakin hanggang sa makapikit na talaga ako
----
Unti unti ko minulat yung mga mata ko and i saw kent na natutulog sa tabi ko. Bakit nakahiga ako sa kama? Tsaka nasa ospital ba ko?
"Kent. Kent" inalog alog ko si kent kaya napabangon sya na parang gulat na gulat
BINABASA MO ANG
A PRETTY NERD
Fiksi RemajaKung beautyqueen dati ang mother mo, Dating supermodel ang father mo, Model ngayon ang ate mo, Anong ieexpect ng bunsong katulad mo? 'Pag ba Nerd na Panget ka at pwede ka nang ipangbato sa Ms.ImpaktongNerd 2017, maipagmamalaki mo pa ba ang sarili mo...