Deny Pa... (One-Shot)

2.2K 57 14
                                    

"Crush mo ko noh?" biglang tanong sakin nung bestfriend / crush ko...

"Ako? Magkakacrush sayo? Nagbibiro ka ba?" masungit kong sagot kay David.

"Naman Katty! Bakit naman hindi?!? Sa gwapo kong to? Deny ka pa eh. Aminin mo na kasi!"

"Che! Wala akong aaminin sayo noh!" pero deep inside i'm... DOING THE HARLEM SHAKE sa sobrang kilig, yieee! :>

"Sabi mo eh" sabay labas niya ng classroom.

Nung nakalabas na sya...

"Weh? Hindi daw! Yieee kinikilig ka naman. Deny deny ka pa eh!" sabay sabay na sabi ng mga classmates ko... Ano to scripted?

Paano nila nalaman?

--FLASHBACK--

Naglalaro kami ngayon ng "Truth or Dare"

Inikot na nila yung bottle...

Huwag sa'kin, Wag sa'kin... Sabay cross fingers sa'king likod...

"Katty, truth or dare?" kapag minamalas nga naman...

"Uhmmm... Truth." Why truth? kasi mararahas yung mga kaklase ko pagdating sa mga dares at kapag hindi mo nagawa yung dare, may mga parusa...

"A-anong t-tanong?" kinakabahan kong tanong sa kanila. Di naman kasi talaga ako kasali dito eh pinilit lang ako at no choice ako kasi nagsisimula na yung game at bawal na mag back-out -_-

"Tinatanong pa ba 'yan Katty? Malamang sinong crush mo?" *tug-tug tug-tug* (a/n: heartbeat po 'yan haha) grabe ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba huwaahhhhh!

"W-wala, w-wala a-akong c-crush" pero nakatitig pa rin sila sa'kin...

After 5 seconds....

"Ano sasabihin mo ba o hindi? Kasi 'pag hindi ipapakita ko sa buong school ang picture mo, at alam mo na kung anong picture yun." nakasmirk na sabi ng isa ko pang classmate na kasali sa truth or dare...

Napaisip ako dun... Yung picture kasi na yun. Yung picture ko habang natutulog na may tulo laway. Napasarap kasi yung tulog ko nun eh...

"Okay, okay, fine. Basta don't tell anyone hah? Si ano..."

"Sino?" sabay na sabay na tanong sa'kin ng mga kaklase ko...

"Si... David" nakatungo kong sagot... Yan tuloy napaamin ako ng wala sa oras...

Napuno ng hiyawan yung classroom. Puro ayiieee... kilig to the bones... sabi ko na nga ba eh... may chemistry talaga kayong dalawa...

Biglang bumukas yung pinto. Napatingin kaming lahat sa pinto at andun si... David

Napatingin naman lahat ng classmates ko sa'kin at binigyan ko silang lahat ng 'manahimik-kayo-look'

"Sinong may chemistry?" biglang tanong ni David

"Tinutukoy namin kayong dalawa ni Ka -" pero bago pa matapos magsalita yung kaklase ko tinakpan ko yung bibig niya at ako na yung sumagot.

"chemistry? anong chemistry? chemistry book? eto oh." pakita ko sa kanya ng chemistry book ko.

"Weh? May narinig ako eh. Ano ba kasi yun abot sa hallway yung mga ayieee niyo eh, nakakacurious"

"Wala, wala yun, siguro kinikilig lang sila sa KathNiel" mabilis kong sagot sa kanya, syempre baka maunahan pa ako ng mga madadaldal kong kaklase...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deny Pa... (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon