ENTERING COLLEGE

5 0 1
                                    

First day of being a college student. New environment, new teachers, new classmates and new friends. Well sabi nila kapag college kailangan mo nang maging seryoso sa pag-aaral para makapasa ka sa course mo. Review doon review diyaan, para lang mapasa mo lahat ng exam.

Papasok na ako sa school, busy lahat ng students papunta sa kani-kanilang klase. May iba na nagmamadali dahil siguradong late na sila. Yung iba naman ay nagkwekwentuhan kasama ang mga dati nilang kaklase nila noong highschool. Reunion lang ang peg.

Papasok na ako sa classroom at nakaupo na lahat ng mga kaklase ko. Napansin kong nakatingin sila lahat sa akin kaya yumuko ako at naglakad at tumingin kung may bakanteng upuan. MAy bakanteng upuan saharap at doon na ako umupo. Pagkaupo ko dumating na ang aming guro.

BIglang naghiyawan ang mga babae sa classroom dahil sa teacher namin. HAlos mabingi na ko sa lakas ng hiyawan nila. Siguro may rason naman silang magtilian dahil sa may itsura naman ang guro namin, para siyang artista. NAkauniform si sir, ang mga mata niya ay kulay asul at ang mga labi niya ay mapula at kissable. Halata na naggygym si SIR dahil sa hubog ng kanyang katawan. Ay jusko!kung ano ano na namn iniisip ko. BAck to normal mode. Binati namin si Sir ng GOOD MORNING at sinabi naman niyang magsiupo na kami at umupo naman na kaming lahta.

" OKay class ako ang magiging guro niyo sa sociology. Ako nga pala si Mr, Steve Harrison at ako ang iyong makakasama sa dalawang semester . Kung may mga katanungan, please ask", sabi ni Sir habang sinusulat ang kanyang pangaln sa white board. Agad namang tinaas ng isa kong babaeng classmate ang kanyang kamy sabay tanong" Sir, single ka po ba?", habang iniipit ang buhok sa likod ng kanyang tenga. Kaylalandi ng mga classmate ko. Sarap paguuntugin.

Syempre sumagot si Sir." Uhmmm, why are you asking?. Do you want to be my girlfriend?. Pabirong sabi ni Sir at nagsmirk lang siya. Flirt pala si sir. Turn-off na ako. Yung classmates ko naman na nagtatanong, kilig na kilig halos kaypula na ng labi ni Anne Curtis ang pisngi nito.Grabe siyang makablush oh!. "Serious answer?. Yes I am single". At tulad ng inaasahan nagtilian na naman ang mga babae maliban lang sa akin. Kulang na lang mahimatay silang lahat.

"Okay tama na yan students dahil may gagawin tayo. Dahil hindi pa tayo magkakakilala pero ilan siguro sa inyo ay dati ng highschool classmates. Pero para sa akin. At sa iba pang walang kakilala. I want you to introduce yourself in front of the class. Okay?" Mahabang sabi ni sir at sabay ngiti at may dimple pala siya infairness. Sa isip ko para akong kinikilig pero hindi pinahahalata sa mga kilos ko.
"Okay, sir!", sambit naming lahat sa kanya.

Ito ang pinakaayaw ko sa lahat tuwing darating ang pasokan, dahil kailangan pang magpakilala, eh ayaw ko pa namang nagsasalita sa harapan ng maraming tao. Mahiyain ako, buong buhay ko libro lang ang kinakausap ko. Siguro noong highschool yung mga kaibigan ko, pero iba na kasi ngayong college. Karamihan kasi sa mga kaibigan ko ay nag-aaral ng nursing habang ako ay accpuntancy ang kinuha. Kaya hindi kami nagkasamasama. At ang mahirap pa, sa ibang school sila nagenroll.

Buti na lang ay may mga nakaupo pa sa kanan ko dahil ayaw kong mauna sa pagiintroduce ng aking sarili. Pero mas maganda sana kung hindi na lang. Nagsimula ng magpakilala ang lahat, at habang palapit ng palapit ay parang. Gusto ko nang kunin ang bag ko at mabilis na maglakad ng palabas ng classroom pero hindi pwede, ayaw kung magcut class at hindi ko payun kailan nagagawa. Kahit na ayaw kong gawin ginagawa ko nalang basta dito sa school.

Dalawang tao na lang at ako na ang susunod na magpapakilala, at patuloy ang bilis ng pagtibok ng aking puso at nangingibig at basang basa na ang mga kamay ko. Tapos na iyong isa at nagsasalita na ang katabi ko sa upuan sa harap. Paulit ulit kong iniisip yung mga sasabihin ko upang imemorize ko na lang at sabihin sa harap at hindi na magiisip pa kung anong sasabihin ko. Tapos na yung katabi at ako na.

Tumayo ako at tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginawa at tiningnan ako. Nakatingin sila sa akin at parang sa mga tingin nila ay hinuhusgaan na nila ako. Binalewala ko na lang sila ay nilakasan ang loob ko. " Ako nga pala si Angela Bartolome,I'm 17. I Love to read books,draw or paint and a little bit of singing." Napahiyaw sila lahat ng "SAMPLE, SAMPLE, SAMPLE.......",nagulat ako. Ang tanga ko kasi ba't ko pa sinabi yung singing e sa pagpapakilala hiyang hiya na ako eh ano pa kaya kung kumanta pa ako. Kaya tinapos ko na lang ang pagpapakilala ko at umupo na. Yun ang pinakatangang ginawa ko sa buong buhay ko. Pero okay lang tapos na naman. Sunod sunod na ang pagiintroduce hanggang sa matapos na ang lahat.

Matapos ang pagpapakilala, ay dinismiss na kami ni sir Steve at sinabihan na lang na magbasa tungkol sa sociology. Nagpaalam na si sir at lumabas na kaming lahat. Sa paglabas ko sa classroom, may mga nagbubulungan. Alam ko na ako naying pinaguusapan kasi hindi ko sila pinagbigyan at umupo na lang ako kaagad at wala man lang sinabi. Siguro iniisip nila na masungit ako at KJ. Ang tanga ko kasi ba't ko pa sinabi yung "singing". Hay! bahala na. Hindi dapat masira araw ko ng dahil lang dun. Pumunta na ko sa mga susunod kong klase- accounting at filipino. Pare-pareho lang ang ginawa namin sa ibang mga subject. Nagpakilala at kelangan magbasa para sa subject namin.
Isa ring nakakapagod na araw ito. Buti na lang natapos ng maaga, 2 hours sa accounting at 1 hr. And 30 minutes sa filipino. Kahit na yun lang ang ginawa namin sa school parang tumakbo ko ng napakalayo sapagpapakilala lang dahil nga hindi ako sanay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That KIND of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon