" Tita nababalak na po sana kaming magpakasal ni Yel ".
Pagtatapat ni Nel, habang mahigpit na nakahawak ang kamay niya sa mga kamay ko.
" Yel iha , ano ang desisyon mo ? Handa ka na bang lumagay sa tahimik ?" Malungkot na tanong ni mommy.Bago ako nakasagot , si daddy ang sumagot para sa akin.
" Ikaw naman mommy, nasa tamang edad na ang anak natin, at hindi naman siguro magsasabi itong si Nel kung hindi pa ito pinahintulatan ng anak mo. Buweno Nel , kailan mo ba balak dalhin dito ang mga parents mo ?" Mahinahon at nakangiting tanong ni daddy.
" Tito next week pa , pag uwi namin ulit ng weekend. Hinihingi ko muna po ang inyong desisyon bago ko sabihin sa kanila." Pagpapaliwanag ni Nel na puno ng saya ang mukha.
Matapos ang pag-uusap na yun , lumabas kami ng bahay ni Nel. Naupo sa may garden. Punung- puno kami ng saya at mga pangarap.
" Sa wakas babe , may pag -asa ng maging solo kita at tiyak ko ng akin ka na at hindi na maagaw pa ng iba hahaha." At inakbayan ako ni Nel.
" Oo naman noh ! Wala naman ng makakaagaw sa akin mula sayo. Basta ipangako mo na hindi mo ako sasaktan ha." Malambing kong sabi habang nakatitig ako sa mga mata niya.
" Babe , I will never hurt you and I will love you till my last breath ." At hinalikan niya ako sa noo.Nagpaalam na si Nel. At ng makarating sa bahay nila , masaya niyang kinausap ang mga parents niya.
" Aba iho kailan na ba ang kasal ? Bukas ? Hahaha." Masayang biro ng daddy niya.
" Dad talaga oo ." Nakangiting dugtong ni mommy.
" Nel agad mo kaming bigyan ng apo ha. At dapat na maibalita yan sa ate mo. Bakasakali maisipang umuwi mula sa Canada. " masayang pag sang - ayon ni dad.
" Sige anak sa Sabado mamamanhikan na tayo kina Yel. Magluluto ako ng mga pagkain na pwedeng dalhin." Sabi naman ni mommy.Medyo maiksi po ang update kasi busy ng konti. Pero promise ! Babawi ako sa next part.