HCHM 24

6.1K 113 4
                                    

 ***

KANINA pa si Twinkle palakad-lakad sa loob ng hotel room. Hindi kasi siya mapakali. Pupunta ba siya sa party? Hindi kasi siya maka-move on sa sinabi ni Singkit. Siya? Liligawan ng lalaking iyon? Duh. Ang pangit ko para sa kanya. 

Pero, sa tingin niya nagbibiro lang ang kumag na iyon. Pero.... Ugh! Bakit kasi napaka-sincere niya nang sinabi niyang seryoso siya?! 

Hindi pa siya naliligo. 7pm na. Dapat daw 7:30 ay naroon na. Naupo siya sa kama niya. A-attend ba ako? Tsk. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Linkek kasi na singkit 'yan, e! 

Napatayo siya nang mag-ring ang cellphone niya. Napatingin siya sa bed-side table kung saan nakapatong iyon. Si Justine na naman siguro 'yan. Ugh. Huminga muna siya ng malalim bago naglakad at kinuha ang cellphone niya. Si Justine ang tumatawag. Sabi na e! 

Sinagot niya iyon. "Hello?" 

"Ready ka na ba, Twinky?" Halata sa boses nito na excited ito. Hayy. Sasama ba siya? Batid niyang malulungkot ang kumag na ito, e. Or should she say na magtatampo na naman ito sa kanya? Nagtampo na nga ba sa akin ito? 

"Ano... Liligo pa lang ako, e." 

"Ha? Sige, okay lang 'yan. Mag-text ka na lang sa'kin kapag tapos ka na, ha? Hintayin kita sa labas ng Function hall. Or sunduin na kaya kita?" 

"Hintayin mo na lang ako sa labas ng function hall. Mabilis lang naman ako," 

"Sige." 

And she ended the call. Bumuntong hininga siya. Pupunta ba talaga ako? Sabagay, ano naman ang masama dun? Last day na naman dito sa boracay. Hindi nga lang ako masaya. Hmp! 

Nang matapos siyang maligo ay hinagilap na niya ang summer red dress niya at iyong binili sa kanya ni Singkit. Hindi niya isusuot iyong Tahiti necklace dahil alam niyang hindi bagay iyon sa isusuot niya. Remembrance na lang 'yon. Hahahaha! 

Nang matapos siyang magbihis ay buhok naman ang inayos niya. She decided to do the messy bun. She slightly put a lip gloss on her lips. Para naman maging maganda ako kahit ngayon gabi na 'to di ba? 

Nag-suot na din siya ng hikaw. Pearl lang iyon. Para naman hindi siya mukhang plane. Nang matapos siya ay tiningnan niya ang sarili sa whole mirror. Napangiti siya. Hindi naman pala siya pangit, e. Cute lang. Hihihi. 

"Okay na ito." Sabi niya sa sarili. Kinuha niya iyong cellphone na nakalagay sa kama niya. Huminga muna siya ng malalim bago siya lumabas ng hotel room. 

Nagulat pa siya nang bigla din lumabas si Pula ng hotel room ng mga ito. Ngumiti siya rito ngunit hindi man lang siya nito pinansin. Tumigil ito sa harap niya. 

"Who's with you tonight?" Tanong nito, with his serious face. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon