Chapter 2

22.9K 458 13
                                    

******

Elise's P.O.V

Sa wakas na tapos din namin ang 3 subject sa araw na 'to, inaya ko agad
si Ivon sa canteen para makakain.

Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko, kape lang ang ininom
'ko kanina.

"Ivon bilisan mo naman mag lakad, i'm so hungry,"

Nawawala na ang poise ko sa paglalakad, gusto ko na kasing marating ang canteen.

"Gutom lang te? Pwede naman kasi kumain sa umaga,"

Hindi ko sya kinibo sa halip hinila
ko na agad sya sa counter para makapili na kami ng food.

Kumuha ako ng 1 carbonara, 1 ham sandwich at pineapple juice, ganon
na din ang kinuha nya.

After namin magbayad, binitbit na namin ni Ivon ang tray, tumingin-tingin kami sa paligid upang mag hanap ng mauupuan.

"Elise, Ivon over here"

Halos sabay kami napalingon ni
Ivon sa dereksyon ng tumawag,
nakita kong si Thea yung sumigaw.

Nakangiti kaming naglakad palapit
sa table nila, napansin ko din na kumpleto na ang barkada.

Nandon na si Joy, Bernadeth,
Richard, Timothy and Thea, kami
na lang pala ang kulang.

"Hi guy's." Bati agad ni Ivon.

"Dito ka na Elise."

Aya sakin ni Tim sabay hila sa
bangko, para makaupo ako sa tabi
nya.

Ngumiti lang ako sa kanya, tapos sinimulan ko ng kainin yung pagkain ko.

Sa tingin ko kasi mauubusan na
'ko ng energy kapag hindi ko pa nilantakan 'yon.

Si Tim ang isa sa pinakamasugid
kong manliligaw at nakailang beses
ko na ring bastidin.

Pero ito parin sya at hindi nag
sasawa kahit na wala syang dating sakin.

Hindi ako nag kulang ng pagpapa
alala sa kanya na ibaling na lang sa
iba yung pagmamahal na inuulol
nya para sakin.

Pero mapilit talaga sya at umaasa
na matututunan ko din daw syang mahalin.

Pakiramdam ko kasi, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibalik
sa kanya.

Natatakot ako na baka hindi kami
mag work tapos ano? mauuwi lang
sa wala ang na buong friendship
namin.

Para sakin kasi hindi naman basta-basta matuturuan ang puso kung
kanino nya gustong tumibok.

At dahil sa pag iisip kong 'yon, bigla-bigla na lang na lumabas ang image
ni Abby sa isip ko.

******

Timothy John De Asis, matangkad gwapo at gentleman, sikat sya sa
buong University. Dahil sa pagiging basketball varsity player nito.

Hindi sya katulad ng ibang lalake
na mahilig sa mga babae, marami ngang nagsasabi na bagay na bagay daw kami.

Isang hindi playgirl at isang hindi playboy, swak daw sa isat-isa kung kami ang magkakatuluyan.

Love or Lust (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon