Promise 9- The Tragedy

0 0 0
                                    

[Mikasa Point Of View.]

"Aahhhhhhh!!!" sigaw ko ohemgee nakakalerks yung panaginip ko pero teka panaginip nga ba yun?

"Oh gising kana pala." sabi ng lalaki na nanggaling sa pinto at nilibot ko ang paningin ko nasa clinic ako teka so totoo yun omegesh. mikuuuu!!!!

tumayo ako pero ang sakit ng ulo at mga hita ko kaya muntik na akong bumagsak sa sahig kung hindi lang ako sinalo ni weyt sino siya?

"Okay ka lang ba? sabi ng nurse malala daw yung pagkauntog mo, teka ano nga ba nangyari sayo? mikasa." kilala niya ako?

"Nakita ko sa ID mo." sabi niya, ahhh, pero teka di ako pede magpaligoy ligoy kailangan ako ni miku

"Weyt kailangan ko ng umalis okay?" sabi ko habang hawak niya padin ako

"Bakit?" siya

"Yung kapatid ko kinuha siya ng mga lalaki tapos pinatulog nila ako kaya hindi ko sila nahabol, please kung sino kaman tulungan mo ako hindi ko siya pwedeng iwan, kapatid ko siya baka mapahamak siya." at alam ko may luha na sa mata ko, hindi ko man tunay na kapatid si miku tinuring ko na siyang ganun mahal ko siya at lumaki kami ng magkasama sa kahit anong bagay kaya hindi ko hahayaan na mawala at mapahamak siya.

"Sigee tutulungan kita pero kailangan mong magpahinga dito ako na ang bahala." sabi niya at tumango na lang ako dahil hindi ko naman talaga kaya pa.

pagkaalis niya pumasok naman yung nurse na nakangiti

"Ahm nurse pede kabang matanong?" tanong ko at ngumiti lang siya at tumango

"Sino nga pala yung lalaking yun at paano niya ako nakita?" tanong ko

"Ahh siya si domenic isa ang pamilya niya sa may ari ng school na ito at sabi niya habang naglalakad daw siya dahil papunta daw siya sa building nila ng makita ka niya." pagpapaliwanag ni nurse

"Ganun po ba napakabait niya po." sabi ko

"Mabait naman talaga ang batang yun pero madalas masungit." sabi ni nurse na natawa

[Miku/Rin Point Of View.]

Nagising ako at nakita ko na wala ako sa school oo nga pala may dumukot sakin peroo ano bang gusto nila wala naman kaming pera hah! at dyusko ibenta kaya nila ang laman ko wag naman po sana lord ayoko pa mamatay huhuhuhu. at may naaninag akong lalaki na naglalakad palapit sakin at infairness gwapo siya what the heckkk!!!

"Ano bang kailangan mo sakin?!! wala akong pera!!" sigaw ko

"Hindi naman pera ang kailangan namin sayo sweetheart." what?!!! yuck sweetheart daw? ewww in his dreams di ako pumapatol sa gangster or criminal.

pero teka hindi pera? rerapin ba nila ako?!!! noooooo!!!!!! hindi ako makakapayag!!!!!! Lord help me please!!!!

"Anong gusto nyu sakin? ano toh trip trip lang?!! gago ka ba?!!!!" sigaw ko at ngumisi lang ang gago

"Well siguro?" sabi niya sabay kindat arrrr!!!!

"Pwede ba pakawalan nyu na ako wala kayong mapapala saakin." sabi ko at lumapit naman ang mukha niya pero hindi ako nagpatinag at siningkitan siya ng mata at nakangisi parin siya

"Meron kaming balak sayo, simple lang gagawin kitang hostage para mapatay ang kapatid mo." sabi niya whattt??? kapatid?????

"Ano bang pinagsasabi mo?!!! wala akong kapatid!!!!" sigaw ko

"Hmm tama nga sila wala ka paring maalala, poor little girl pero wag ka magalala kay boss kana kaya pag napatay na namin ang kapatid mo hindi ka namin papakawalan." sabi niya. ano sakanila?? never ako naging sakanila!! he is an asshole. "Hindi mo nagets sige ieexplain ko sayo, si ding na nagalaga sayo inutusan ko siyang kuhanin ka at ilayo at yung aksidente sinandiya ko yun dahil ang tatay mo ang may kasalanan ng lahat at ngayon pati kapatid mo! at si mikasa hindi totoo na pamangkin niya si mikasa tunay na anak niya ito pero hindi niya din pinaalam kay mikasa tungkol dito at siya din ang sumisira ng plano akala niya hindi ko alam na kaya ka niya pinapunta dito para makasama mo na ang pamilya mo pero sorry siya dahil hindi na mangyayari yun." sabi niya. napaiyak ako sinungaling siya!! ano ba ang kailangan nila samin?!!

"Hindi nagsisinungaling ka lang!!!! mabait si nanay ding at kahit kelan hindi niya iyon magagawa!!!!" sigaw ko habang umiiyak

"But she just did, lahat mababayaran ng pera tandaan mo yan sweetheart." sabi niya at naglakad na siya palayo

"Hindiii!! nagkakamali ka hindi siya ganung tao!!!! mahal niya ako at si mikasa!!!!!" sigaw ko habang umiiyak

Naguguluhan na ako wala na akong maintindihan kahit isa, sino nga ba ako? ano ba ang kasalanan ko at nagdurusa ako ng ganito. mahal nga ba ako ni nanay? alam kaya ito ni mikasa? makakaalis pa kaya ako dito? ang daming tanong sa isip ko pero wala akong maisip na solusyon at sagot.

Lord,

Tulungan mo po ako naging mabuti naman akong bata sainyo at masunurin marami akong pagkakamali at sana po mapatawad nyu po ako lord alisin nyu po ako dito ayoko na po rito tulungan nyu po ako na makawala dito, lord nagmamakaawa po ako sainyo tulungan nyu po ako.

tulungan nyu ako.

tulungan nyu ako.

tulungan nyu ako.

..

Okay short muna hehe yan lang naisip ko ee pero dont worry hindi pa siya matatapos hmmm malapit na pero wag kayo magalala mahal ko kayo kaya basta hahahahaha abangan nyu na lang po ang mga updates ko okii? fighting!! Go Mirai !!! Tulungan mo si miku!

Pinky Promise To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon