THIRTY NINTH

162 10 0
                                    

[a/n: GUYYSSS!!! next update graduation na.. lapit na ending.. find out ang dapat malaman alamin natin together.. so support support.. may nagbabasa pa ba? still alive? kaway kaway.. so read na..]


C R I Z T E L Y N ' S P O V

"Grade 6, this is the last day of baccalaureate mass practice. Tomorrow is your baccalaureate mass. Don't forget to bring offers. The mass will start at 9am. Wag maging late ah. Then next week, Friday, Graduation niyo na. Mas lalong wag maging late together with your parents or guardians. Next week apat na araw na lang ang practice niyo sa graduation. Any questions?"

"Wala na po." Sabay-sabay naming sagot kay Ms. Pelaes

"Okay. Pumila na kayo para makapunta na tayo sa churche together with the other graduating students." Utos ni Ms. Pelaes na agad naming sinunod

Nag-practice lang kami nang nag-practice. Hanggang sa mag-recess.

Mag-isa lang akong nag-re-recess. Habang kumakain ay pinagmamasdan ko ang mga kilos ng mga kaklase ko.

Malapit na ang graduation. Simula nung may natanggap kami text message na naglalaman ng mga salitang 'Ready for the big day?' ay wala na muling nagparamdam na kahit ano. Wala na tuloy kaming ideya sa kung anong mangyayari sa graduation.

Yung code, yung VIRXZ. Na-solve ko pero hindi ako sigurado. Dahil nung na-solve ko ito, isang pangalan ang lumabas na hindi naman pamilyar sa akin.

Tumayo na ako at lumabas na ng canteen pagkatapos kong kumain. Paglabas ko'y nakabungguan ko pa si Dennis na tumatakbo.

"Sorry." Sabay naming hingi ng paumanhin at tinuloy niya agad ang pagtakbo niya

May nakita akong ballpen na sa pagkakaalam ko ay nahulog ni Dennis ito kanina.

Pamilyar ang ballpen na ito sa akin. Binuksan ko ito. Hindi nga ako nagkamali. Kaparehas nito ang ballpen na napulot ko dati nung retreat na patalim ang loob. Sa katunayan ay palagi kong dala ang ballpen na iyon sakali man ay magamit ko pang self defense. Posible kayang si Dennis ang killer? Pero, akala ko ba babae ang killer?

C L A U D I A ' S P O V

Pagkatapos naming mag-recess pumunta naman kami sa covered court para makapag-practice sa graduation naman.

Nag-CR muna ako na malapit lang naman sa covered court na katabi lang ng classroom namin.

Pumasok na ako sa isang cubicle.

Nang makarinig ako ng lagabog ay dali-dali akong lumabas. Nakita kong nakasara ang mismong pinto ng CR. Marahil ay ito ang narinig ko kaninang lagabog. Lagi naman kasing bukas ang pintuan ng CR. Pag bukas ko ay laking gulat ko ng makita yung batang lalaki na laging nagpaparamdam sa akin. Sinabi ko na ngang tutulungan ko siya eh, ano pa bang kailangan niya?

Ngumiti ito sa akin samantalang ako ay nanlalaki pa rin ang mata at hindi pa nakakabawi sa pagkagulat kanina. Bigla nalang akong natauhan ng may kumaway sa harapan ko at si Rhian ito.

"Huy!" sabi nito sabay kaway at sinabing "Para kang nakakita ng multo." Natatawa nitong sabi

Kung alam mo lang ang nakita ko.

"Excuse." Sabi muli ni Rhian at umurong ako para makapasok siya at makalabas ako

"Rhian, ikaw ba nagsara nung pinto?" tanong ko nang maalala ang nangyari kani-kanina lang

"Huh? Kakarating ko lang. Binuksan ko nga kanina kaso naka-lock kaya kakatok na sana ako at saktong pagbukas mo naman." Sagot niya

"Ahh ganun ba? Sige una na ako." Sabi ko at lumabas niya samantalang siya naman ay pumasok na sa isang cubicle

Naglakad na ako papunta sa covered court at pumila na.

Lumingon ako sa pinang galingan ko at nakita ko nanaman siya, yung batang lalaking laging nagpapakita sa akin, yung batang lalaking nanghihingi ng tulong sa akin yung batang lalaking gusto ko man tulungan ay di ko alam kung paano, yung batang lalaking nagngangalang Eric.

S O M E O N E ' S P O V

Malapit na. Malapit na malapit na. Hindi ko mapigilang matuwa sa darating na Graduation. Hindi ko na maantay ang mga reaksiyon nila. Ito na ang pinakaaantay ko. Malapit na kaming magpatayan.

============================

Sino nga ba talaga si Eric?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

Upcoming events: Graduation Day ➜➜➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

03-04-16

©CrishaneAen❞

The Classroom of a 6th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon