It's My life

29 0 2
                                    

Hi.. Ako si Will, ako ang gwapo ninyong tagapagsalay at ito ang kwento ko. Simulan natin ang kwento sa aking kabataan. 

(Flashback) Gusto ninyo ba talagang simulan ko ang kwento sa simula..? 

(More Flashback) Noong bata ako unang kung paaralan ay isang catholic school at ito ay malapit sa isang simbahan. Anim na hakbang ang pagitan nang paaralan ko at ang simbahan.

Normal lang naman ako na bata. Malikut, mapaglaro, may nakakaway. Nagkakaroon din ako nang mga subject awards. Mga Kaibigan, di naman sa pag mamayabang pero nag First Honor din ako pero ito ang huling First Honor na naalala ko sa aking kabataan.

Pag dating ko nang Grades 5-6 nagsimula nang mag laho ang mga subject awards ko. Nag tataka kayo kung bakit? Hanggang sa kasalukuyan bihira lang ako magbuklat nang aking mga reviewer at notes kahit exam pa ito.

Ito ang isang ugali na gusto kung mabago pero 'di ko magawa. Nag graduate ako at nakarating na ako ng highschool.

Highschool life Ibang paaralan ibang syudad.. medyo fun.. pag nagkukulitan. Pero mahirap pag ang grado mo ay bumagsak.

Mas mahirap bumawi kaysa noong gradeschool... Maraming nag bago sa pag-aaralan.. isang malaking expect the unexpected para saaking ang highschool life.

Alam ninyo pinaka ayaw ko sa lahat? "ang getting to know each other" part, na kung saan ikaw ay magpapakilala sa buong klase at i-share ang talent mo. Pero nagbago ang lahat nang yun nung malaman ko ang pangalan niya.. tanong nyo kung sino siya? Siya lng naman ang pinaka-cute na girl sa klase namin itago na natin sa pangalang Anna..

at BOOM  na-realize ko crush ko siya. pero may isa pa itago natin sa pangalang Helen.. dahil maliit ako  noon at hangang ngayon, para siyang ate at sa height niya tinitingala ko siya. dalawa ang naging crush ko noon pero kung tama ang naalala ko mas nauna kung naging friend si Helen

Gusto ko sila makilala nang lubusan.. kaya anung ginawa ko? Wala. Boplaks. nahihiya ako.. hahaha! ang daling sabihin hirap gawin no?

Highschool then ay naging paborito ko.

Pero maraming masamang impluwensya ang naghihintay saakin ang iba dun ay nilamon ako at di na muli nakabalik sa dati kung sarili..

mga kaibigan hindi ito bisyo..

nahilig lamang ako makisali sa mga pag iingay sa klase pero.. bihira lang dahil hindi pa ko bihasa sa mga kalokohang pang highschool level.

Inaantok na ba kayo? Hindi ko na problema yun. Hahaha! Biro lang.

2nd year, if i'm not mistaken di ko naging kaklase si Anna at kaklase ko si Helen

kaya mas naging close pa kami...

Sumasama na rin ako pag nag aalok sila papunta sa mall, hindi na ko yung loner palagi. Para alam ninyo mga kaibigan kung bakit bihira lng ako sumama...

... nag-aadjust pa ako sa lugar hindi ako marunong mag commute at tumawid nang highway na may nagliliparang sasakyan... Oh diba? Baduy man, gwapo naman! Hahaha! 

After 2156484687 years

Yehey Junior na ko! 3rd year may mga bagong kaklase, meron din ako naging besprend, siya si KUNG FU PANDA. Alam niyo ba kung bakit ganon? Di ko rin alam eh. Haha, joke lang, marahil kung pamilyar kayo kay kung fu panda kasing laki at lambot nya ito. hahah!

Inaantok na naman ba kayo? Teka, malapit na.

Pero heto na ang twist napansin ko at sinabi niya na crush niya daw si Helen.. Bilang isang kaibigang maasahan ipinakilala ko si Helen kay kung fu panda at ayun tumakas siya. -___- Ang galing nya rin ano? 

Kung tama ang naalala ko nasa mall kami nang mangyari ang pangyayaring ito..

Dahil mabait akong kaibigan, binibigyan ko na nang tips si kung fu panda kung ano ang mga bagay bagay niyang kailangang malaman..

Ay teka, off-topic na ata tayo. Bakit napunta sakanya ang kwento? Akin to diba -__-

Balik tayo sa akin.

May bad news ako mga kaibigan, inalok ko si Anna noon mag lunch kasama ang friends for life niya sa karinderya ng isa ko pang kaklase itago na natin sa pangalan bodybuilder..

Pero naisip ko lang, may pag-asa kaya ako kung puro librelibre lang ang effort ko para kay Anna? Hayst.

Kaya ayun sumuko ako, tumingin sa iba, Nakilala ko si Lane naging kaibigan ko siya, hanggang sa nalaman ko na lamang na gusto ko na siya.Pero inisip ko na si Anna ang KAPANAYAM ko...

Waw ang LALIM.. 

Nag effort ako, as in. To the max, Text. Usap. Deal. Binigyan ko siya ng regalo sa Christmas, bulaklak sa Valentines, regalo sa birthday. Kain. Kain. Pauli-ulit lang ang nangyari.

Pero talo na naman ako. Kung pwede lang bawiin yung teddy bear, yung asul na bulaklak, matagal ko ng ginawa. Kaso, wag na lang ulit. Ayos na rin yun no. Bahala siya sa buhay nya. Natapos ang school year na walang nangyari. Lagi akong talo.  

 "Naay! Bakit?" Sabay kanta " Ganyan Talaga ang buhay.." -Batang bata ka pa by APO hiking society.

*umulan bigla*

"Pati ba naman si weather sasabay? Buhay. -.-" 

--------------------------------^^^^^^^--------------------------------^^^^----------------------------------

~~MarkoBolivar

It's My lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon