Promise 10-Tragedy (Part 2)

2 0 0
                                    

[Mikasa Point Of View]

Hinatid ako ni domenic pauwi ang sabi niya nakita daw sa cctv yung mga lalaki pero nakacap sila kaya di sila makita pero papaimbistigahan niya daw ang lugar na iyon baka sakaling may mga finger prints daw at bukas pupunta daw kami sa police para ipaliwanag ko yung nangyari at yung mga itsura nila. hindi ko sila kilala pero yung lalaki na may hawak kay miku kahawig niya yung lalaki na laging pumupunta sa bahay namin nina nanay pero hindi namin siya nakakausap at kahawig talaga niya yung mata nun ano nag ulet pangalan niya Mr Orimara oo tama yun yung pangalan pero kung siya nga yun bakit niya naman dudukutin si miku ano bang kasalanan namin sakanya o ni nanay, mabait naman si nanay sakanya ahh akala nga namin ni miku noon na manliligaw ni nanay yun pero naging boss niya pala dati.

napatigil ako sa pagiisip ng may magdoorbell kaya naglakad ako dun baka si domenic toh sabi niya kasi babalik daw siya may kukunin lang sa bahay niya. pero nakita ko si nanay na alalang alala.

"Nay anong ginagawa nyu rito?" tanong ko at siya sinusuri pa ako na ewan. "Nay may problema ba?" tanong ko

"Mikasa kailangan na nating umalis dito at magpakalayo layo baka lalo kang mapahamak." sabi niya at nagsimula ng magempake ng damit ko nasa kwarto kasi kami

"Nay hindi ko maintindihan? at hindi tayo pede umalis ng wala si miku kinuha siya nay! sorry po." sabi ko habang napa tungo wala man lang akong nagawa pra mailigtas siya

"Anak wala kang kasalanan ako ang may kasalanan, kung hindi ko kayo hinayaan na dito magaral hindi kayo sana mapapahamak." nagulat ako sa sinabi niya pero paano niya nalaman? at ano siya ang may kasalanan?

"Nay anong kinalaman nyu sa nangyari? at paano nyu nalaman na mapapahamak kami?" tanong ko, naguguluhana ako wala na akong maintindihan

"Mikasa anak wala na tayong panahon para magtanungan at sagutan kailangan na nating umalis." sabi niya at tinuloy ang pageempake niya

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi nakikita si miku." mariing sabi ko

"Anak mapapahamak ka kapag hindi pa tayo umalis." pangungumbinsi niya

"At paano si miku? hahayaan na lang natin siya?" ako

"Wala tayong magagawa mikasa kahit lumaban tayo hindi natin siya makukuha mas lalo lang lala ang lahat." sabi niya naguluhan ako sa sinabi niya, meron ba siyang tinatago samin?

"Bakit alam nyu ba kung nasaan siya?" tanong ko pero hindi siya sumagot at umiyak lang. "Nay iexplain nyu nga saakin anong kinalaman nyu rito? paano nyu nalaman? sino kaba talaga?!" galit na tanong ko dahil naguguluhan na ako

"Nanay nyu ako mikasa, at sorry dahil wala akong magawa dahil saakin napahamak siya dahil sa kagagahan ko napahamak si miku at nalayo sa pamilya niya at dahil saakin kaya namatay ang mama niya." paliwanag niya habang umiiyak at mas lalo akong naguguluhan napaiyak na din ako at napaluhod ano ba ang nangyayari?

"Anoo??!! wala akong maintindihan."sabi ko habang umiiyak

"Dati akong nagtatrabaho sa pamilya ni miku at umalis ako duon ng makilala ko ang tatay mo." sabi niya "Nakilala ko si Mr Orimara at sabi niya saakin na kapag tinulungan ko siya bibigyan niya ako ng pera at nangangailangan ang tatay mo nun kaya nabulag ako sa pera at tinulungan siya, nuon pa lang alam ko ng nangbababae ang tatay ni miku kaya inakit ko ang tatay niya at nakita kami ng mama ni miku at siya'y nagalit at nakipaghiwalay sa tatay ni miku at yung taxi na sinakyan niya sinadiya yun na tanggalan ng preno at ako ang may kasalanan kung hindi dahil saakin wala sanang ganito, patawarin mo ako anak patawarin mo ako nagsisisi ako kaya napagdesisyonan kong pagaralin ko kayo dito at kapag handa na ako dadalhin ko na si miku sa tunay niyang pamilya minahal ko din si miku na tunay kong anak pero nakokonsensya ako sa tuwing nakikita ko siya." pagpapaliwanag niya at iyak lang siya ng iyak at ganun narin ak0 dahil sa nabibigla na ako sa mga pangyayari

Pinky Promise To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon