The end is only the beginning. If we thought that this will be the last part, well it is only the start. Sige Joke lang. Tatagalugin ko na lang. HAHAHAHAHA :D
Namatay si Achilles, dahil natamaan siya ng pana sa sakong niya. Doon na ba magtatapos ang kwento? O magpapatuloy pa dahil may magpapatuloy pa nito?
Si Helen ang asawa ni Menelaus, tunay na ang ganda niya ay nakakabighani. Hindi alam ng lahat na may relasyon si Achilles at si Helen at ang patagong relasyon nila na yun ay nagbunga. Naglakbay sa malayong lugar si Helen at nagpaka layo layo sa sarili niyang bayan dahil patay na ang ama ng dinadala niya, nakatagpo siya ng bayan na maari niyang tirahan hanggang sa makapanganak siya.
Dumaan ang ilang linggo, ilang buwan hanggang sa lumabas na ang anak ni Achilles. Isinunod ni Helen ang pangalan ng lalaki niyang anak sa tatay nito, "Achilles" din ang pangalan ng bata.
Pinalaki ni Helen na maayos ang kanilang anak ni Achilles madami silang pagkakatulad ng kanyang ama. Sa paglayo ni Helen sa sarili niyang bayan noon ay hinanap pa din siya ng kanyang asawa na si Menalaus, at pati na din ni Agamemnon. Nais nilang patayin ang anak ni Helen at Achilles.
Sa paglaki ni Achilles ay naging isa din siyang mahusay na mandirigma, siya ang namuno sa maliit na bayan na tinirahan nilang mag ina, magaling siyang pumana, mag espeda, at madami pang iba. Pinamunuan niya ang bayan na iyon. Hanggang sa isang araw ay natagpuan sila ng asawa ng kanyang ina at ng kapatid nitong si Agamemnon.
Tinipon niya ang mga mandirigma niya. Doon nagsimula ang gyera sa pagitan ng bayan nila at mga tauhan ni Agamemnon, hindi na ganoon kalakas sila Agamemnon dala na din ng katandaan nito, ngunit napatay ni Menelaus si Helen dahil sa sobrang galit dahil sa pagtataksil nito.
At doon nagtapos ang labanan. Hindi pa din siguro pagtatapos dahil ayun ang naging ugat ng sobrang pagka galit ni Achilles, ang pagkamatay ng kanyang ina. Nagsanay pa siyang mabuti, maski ang mga kababayan niya ay sinanay niya din sa pakikidigma dahil balak niyang gumanti sa pumatay sa kanyang ina.
Nang mga panahon na hasang hasa na si Achilles at ang mga iba pa niyang mandirigma ay nag plano na silang lusubin ang kanilang kalaban. Sa paglalakbay niya patungo sa kalaban ay nakatagpo sila ng isang Ginoo, ng makita niya ang Ginoong iyon ay bakas na bakas ang pagka gulat sa kanyang mukha.
Bakit? Paano? At sino? Nabuo ng paulit ulit ang mga tanong na iyon sa isipan ni Achilles. Bakit ang mukha ng lalaking kaharap niya ay ang mukha din niya? Paano nangyari iyon? At sino nga ba ang Ginoong kaharap niya "Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Achilles." sambit ng Ginoo kay Achilles. Nagtaka lalo si Achilles sa kanyang narinig.
"Ang mukha ko'y mukha mo din, at ang pangalan mo'y pangalan ko din. Anak ako ang iyong ama. Ako si Achilles." Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang mga narinig dahil ang buong akala niya at ang buong akala ng lahat ay patay na Si Achilles na kanyang ama.
Lahat ng akala ng mga tao ay mali. Dahil hindi talaga napatay si Achilles noon.
Sumama siya sa paghihiganti sa asawa ni Helen, nagkaroong muli ng digmaan. Tumagal ang digmaan ng 2 araw. At nagawang matalo ng mag ama at ng mga kasama nila ang magkapatid na si Menelaus At Agamemnon napatay nila ito sa pana at saksak ng espada.
Nagawa man ng mag ama na mag tagumpay ay namatay pa din si Achilles dahil sa sakit. Isang karamdamang walang lunas. Kaya ang anak niyang si Achilles ang siya na lamang nagpatuloy na mabuhay.
Lumipas ang maraming taon, nagka asawa si Achilles, nagka anak. At napunta na sa bagong henerasyon ang panahon ng kanyang anak. Mauunlad na ang bayan sa panahon na iyon at Presidente na ang tawag sa namumuno sa bayan, Naging presidente ang anak niya.
Lumaganap ang kabaklaan sa bayan nila na siyang ikinagalit ng husto ng Presidente. Pinapapatay niya lahat ng baklang naglalantad sa bayan na pinamumunuan niya.
Hanggang sa Dumating si Vice Ganda at Boy Abunda at kinalaban ang Presidente. Naghimagsik ng kabaklaan ang dalawang ito at pinaglaban nila ang kanilang karapatan sa pagiging Bakla.
TAPOS ANG KWENTO.