Si Daniel Sandiego at si Shanel Villarania ay matagal ng magkasintahan. Mahal na mahal nila ang isa’t-isa na halos wala ng makakapaghiwalay sa kanila.
Parehas silang nasa Ikatlong taon ng Sekondarya, dahil sa pareho naman ang schedule nila ng klase ay malaya silang nagkakasama lalong lalo na tuwing oras ng recess, halos lumilipas ang oras na sila lang dalawa ang magkasama, parang wala ng ibang tao sa paligid nila dahil sa sobrang lambing nila sa isa’t isa kahit pa nasa paaralan sila . Silang dalawa ay makaiba ng seksyon, si Shanel ay nasa seksyon 1 samantalang nasa seksyon 4 naman si Daniel. Pero kahit ganun, hindi ito hadlang sa kanilang dalawa, sa halip, ginagawa nilang inspirasyon ang isa’t-isa. Hangga’t maari hindi rin nila pinapabayaang bumaba ang mga grado nila. Nang dahil din kay Shanel natutong magbago at magsikap si Daniel upang ng sa ganun ay may patutunguhan ang kanyang pangarap para sa kanilang dalawa ni Shanel. Isang gabi, pagkatapos gumawa ng takdang aralin ni Shanel ay hindi siya makatulog kaya inalala nalang muna niya lahat ng mga nangyari sa kanila ni Daniel noong araw na iyon. Maya-maya’y naisipan nito na gumawa ng isang Diary notebook nilang dalawa ng sa ganun ay lagi niyang maisusulat, mababasa at maaalala ang mga masasayang pangyayari tuwing magkasama sila ni Daniel. Dahil nga sa diary ito ,lahat lahat ng napagdaanan ng relasyon nila ni Daniel ay nakasulat dito pati na rin ang minsang di niya mawaring pagkakamaling nagawa niya kay Daniel, iyon ay ang niloko niya ito. Hindi niya sinasadyang magawa iyon kay Daniel, bukod tangi din na siya lamang ang nakakaalam ng ginawa niyang iyon. Noong mga panahon kasing iyon, nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ni Daniel. Kahit sino naman sigurong magkasintahan kahit gaano pa kaayos ang relasyon ay dumadaan din sa problema. Noong mga panahong iyon, isang linggo ng magkaaway sila Daniel at Shanel, eksakto din namang may ipinakilalang lalaki yung kaibigan ni Shanel sa kanya. Daryl Martinez ang pangalan nito at isang 4th year student. Pagkakilala ng dalawa ay naging mag textmate na agad sila, at dahil din sa mga sweet words ni daryl ay agad nahulog si Shanel dito at noong dumating yung oras na niligawan siya ni Daryl ay agad niya itong sinagot kahit pa hindi naman talaga sila naghihiwalay pa ni Daniel. Sinagot ni Shanel si Daryl at hindi man lang niya inaalala kung magagalit ba si Daniel kung sakali mang malaman ito. Habang nagpapakasaya si Shanel sa ginagawa niyang kalokohan, si Daniel naman ay nagiisip ng maaring gawin upang magkabati na sila ni Shanel dahil sobra na niya itong namimiss at di niya kaya kung sakali mang mawala ito sa kanya. Kinabukasan, araw ng monthsarry nila, gumawa ng surpresa si Daniel para kay Shanel. Oras ng recess kinuntsaba niya ang mga kaklase ni Shanel upang haranahin ito at humingi na rin ng tawad. Lahat ng plano ay naisagawa ng maayos, dahil sa naging maayos ang presentasyon ng lahat nagkapatawaran na din ang dalawa at bumalik na ulit sila sa dati. Nang matapos ang recess ay kanya kanya na silang bumalik sa kani-kanilang silid-aralan. Maya-maya’y napaisip bigla si Shanel tungkol sa kasalanang nagawa niya kay Daniel dahil kung tutuusin ay mas malala pa rin ang nagawa niya kaysa sa nagawang kasalanan ni Daniel. Dito na siya nakonsensya.Kaya kinagabihan, pagkauwi na pagkauwi niya sa kanilang bahay ay agad niyang kinausap sa telepono si Daryl. Tinawagan niya si Daryl at agad namang may sumagot dito .
“Hello?” sabi ni Shanel
“Hello, oh Shanel napatawag ka! Bakit may sasabihin kaba?” tanung ni Daryl
“oo sana eh”.
“Anu iyon?”
“Daryl makikipaghiwalay na ako , hindi ko na kaya pang magsinungaling sayo” pagsusumamo ni Shanel
“hah? Hindi kita maintindihan Shanel! Anu bang nangyayari sayo? Anung pagsisinungaling ang sinasabi mo?” natatarantang sabi ni Daryl.
“Daryl aaminin ko na, may boyfriend na talaga ako at mahal na mahal ko siya at di rin kaya ng konsensiya ko na pagsabayin kayong dalawa, sana mapatawad mo ako sa ginawa ko sayo, sana din maintindihan mo ako, kung magagalit ka man sakin ayos lang karapat dapat naman talaga eh” sabi ni Shanel.