CHAPTER ONE

4 0 0
                                    

Nakakaasar Kathy!!! Alam mo 'yon? Minsan na nga lang ako magpapabangs tapos ganyan pa maririnig ko. Ganda ganda ko naman di ba?! Sabi nga ni mama mukha aking koreana tapos ganoon lang sasabihin ng mga bwisit na 'yon?!

"Bakit ba? Ano ba sabi nila sayo?"

"Akalain mo ba naman, pagkakita nila sakin kanina pagpasok ko sa room, sabi agad sakin nila Marvin nakakasulasok daw 'yung mukha ko! Nakakainis di ba?!"

"Ano ba kasi naisip mo, may nalalaman ka pang bangs bangs diyan?!"

"Para kamukha ko si Sunny."

"Sino 'yun?"

"Wag mo ng itanong Kathy, di mo alam 'yon."

"Tama naman sila Marvin, hahahahaha."

"Ay ewan ko sayo, dun ka na nga. Dapat talaga hindi na lang ako nagpabangs eh."

"Alam mo Jaira, ipatanggal mo na lang yan kung ayaw mo. Hahahaha"

"Hala? Gagi ka? Baliw amp."

Umalis na sa kinauupan niya si Jaira, inis na inis dahil di niya akalain na mabubully siya sa klase nila dahil lang sa bangs niya. Naisip niya na dapat talaga hindi na lang siya nagpauto doon sa baklang naggugupit. Bagay daw sa kanya ang bangs, lalo na kapag full bangs, lalo daw siyang magmumukhang koreana.

"Ewan ewan ewan! Nakakairita sila!" Pumasok na siya sa room nila dahil malapit na matapos ang break time, iniwan niya na sa canteen si Kathy dahil isa pa talaga 'yon kapag napagtripan din mang-inis.

"Alis diyan." Sabi niya kay Nick na nakaupo na naman sa upuan niya dahil malamang nakikipagkwentuhan na naman about sa DoTA na kinakaadikan din ng katabi niya.

"Sungit nito." Tinignan lang siya ni Nick pero di pa rin ito umaalis sa kinauupan niya.

"Talaga masungit ako! Umalis ka na nga diyan, sasampalin kita!" Banta niya dito, inalog alog niya na 'yung silya niya para umalis na ito.

"Ano ba!? Ang kulit nito. Kita mong nag-uusap pa kami ni Asin eh." Sagot nito sa kanya.

"Sabi ng umalis ka diyan sa upuan ko! Uupo na ko, bwisit ka!" Tinumba niya yung upuan patagilid para malaglag ang kaklase niya. " 'Yan, buti nga sayo!" Sabay upo niya sa inuupuan niya.

"Aray! Bangs-girl akala mo naman bagay sa kanya hahahaha!" Asar ni Nick sa kanya habang paalis ito at pupunta na sa unang row kung nasaan ang upuan nito.

"Manahimik ka. Magbangs ka din kung gusto mo!" sigaw niya sa mapang-asar na kaklase niya. Lahat na lang napapansin sa kanya.

"Bakit na ang sungit mo ngayon?" tanong sa kanya ng katabi niya. Si Asin.

Hindi niya alam kung bakit Asin ang tawag nila dito, since naging kaklase niya na ito ay Asin na talaga ang tawag sa kanya. Pero Mark talaga ang pangalan nito.

"Oh bakit? Ano problema mo sakin?" Tanong niya dito, inis na inis na siya ngayong araw. Lahat na lang ng kumakausap sa kanya ang puro pang-iinis ang sinasabi. Kaya kung dadagdag pa ito ay baka di niya na alam kung ano ang magagawa niya.

"Ang ingay-ingay mo, kanina ka pa. Para kang biik na kinakatay." wow talaga! Ngayon naman kinukumpara niya 'to sa biik. Ano pa ba ang maririnig niya sa araw na 'to?!

"Biik? Ako? Biik ako ganon? Ang payat payat ko tapos tatawagin mo akong biik?! Mas mukha ka pa ngang biik nung elementary ka eh. Akala mo hindi ko nakita sa class picture niyo na dinala ni Joy?!" Ayan, tuloy tuloy na naman ang bibig niya, imbes na gusto niya na tumahimik, talaga naman pinagbagsakan na siya ng langit at lupa sa araw na 'to.

"Uyyyyy alam niya. Bakit tinititigan mo ako sa class picture namin non? Hahaha" pang-aasar nito sa kanya.

Natauhan si Jaira sa mga sinabi niya. Oo, totoo na tinititigan niya ito noong dinala ni Joy 'yung class picture nila at mamatay-matay pa siya sa tawa habang nakatingin sa lalaki. Bakit niya tinitignan? Kailangan pa bang tanungin? Oo, crush niya to since first year sila. Hindi niya alam kung ano nakita niya sa lalaki para maging crush ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet 'n SaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon