July 18, 2013 /5:47 PM/
Dito nagsimula ang lahat. Akala ko biro lang to. Akala ko lokohan lang ito. Pero nalaman ko na lahat ng akala ay mali.
TLE (Cooking):
Pumunta ako sa platform. Medyo magulo yung klase kasi walang teacher. Lahat may kanya-kanyang ginagawa. May natutulog, naguusap, naglalaro, nakikinig ng mga kanta. Lalabas dapat ako nung tinawag ako ng kasama mo. Si Dave.
"Claire! Hi daw sabi ni Mark." At nakita ko na pinalo mo siya. Akala ko lokohan lang ito dahil nga natatawa kayo.
Uwian na. Kasama ko si Arianne. Mga 4:30 na ako nakauwi. Medyo malayo yung bahay namin. Dalawang sakay mula sa school. Nung nasa bahay na ako binuksan ko na agad ang account ko. May 1 friend request.Galing sayo. Nung in-accept ko nag-pm ka. Sabi mo "TFTA" at siyempre nag-reply ako. Sabi ko "welcome :))". Dun na nagsimula ang chat natin. Ang topic natin palagi ay puro crush. Tinatanong ko kung sino gusto mo. Sabi mo lang ako. Hindi ako naniwala sayo noon dahil para bang napakadali mo lang itong sabihin.
July na. Dito na nagsimula ang asaran sa atin. Dito nagsimula yung aminan. Akala ko lahat ok na. Akala ko lahat masaya na pero hindi pa pla. Sabi nga nila walang perpektong kasiyahan. Basta may masaya may nalulungkot at may nagagalit.
Galit na pala sa akin ang kaibigan ko. Si Julia. Alam ko kasi na-crush ka niya. Traydor ba ako? Masama ba ako? Nagmahal lang naman ako eh. Alam ko napaka-cliche ang mga kasabihang ito. Pero siguro cliche na ito dahil marami nang nakakaranas nito.
Hindi nag-tagal ay naayos na din itong away. Natanggap na niya ang stage na "FriendZoned."
Masaya na ang lahat.
August. Naging simula ng aking kalungkutan. Bigla kang nagbago. Hindi ka na nag-chat, nag-text, o kahit hi, hello wala. Nagtaka ako. Sabi ko sa sarili ko "May nasabi ba akong mail? Na-turn off kaya siya?" Puro ganyan ang mga tanong ko sa sarili ko.
May hinala rin ako kung bakit ka nagkakaganyan. Nag-PM sa akin ang bestfriend mo si Arthur. Ang sabi daw niya nag-tatampo ka dahil sinasabihan kita ng malandi. Nag-sorry ako sayo nun. Sabi mo "OK lang. :))"
Next week:
Nagbago ka nanaman. Ganun ulit. Naging cold ka na sa akin.
August 8, 2013.
Nakipagpustahan ako sa tadhana. Sabi ko pagdating ng 12:00 A.M., pag wala pa ding chat hindi siya seryoso at lokohan lang ito.
/12:40/ Ay… Matagal pa yan.
/12:50/ May 10 minutes pa…
/12:52/ Ang tagal naman. Kinakabahan na ako ha…
Pag tingin ko sa orasan 12:00 na. Pero sa laptop /12:57/ pa lang.
Sabi ko baka wala na talaga. Pag dating ng /12:5/ sabi mo.
"Mag pupuyat kananaman."
Masaya ako nun. Todo yung ngiti ko. Abot tenga. :))
Simula nun hindi na ako nagpakipot pa. Sinagot kita. Hanggang ngayon hindi ako nagsisisi na sinagot kita. 3 Years na tayo. Sana magtagal pa tayo. I love you.