Chapter of Broken Hearts

7 1 0
                                    

Chapter of Broken Hearts

Bago ako umalis tinanong niya ako.

"Where do broken hearts go?"

Aba! Ang sarap ingudngod sa pader! Sinagot ko naman.

"Malay ko ba? Yung sakin nga diko mahanap yung sa'yo pa kaya"

Ngumiti lang siya saka ako tinignan "Kung mahanap mo yung sakin, pwedeng sa'yo nalang?"

Ano ako heart charity! Taga kupkop ng mga sawing puso?!

"Para maramdaman mo naman kung gaano kasakit ang maiwan at ang malamang may mahal ka ng iba"

Saka siya umiwas ng tingin. Aba! Parang ako ang naging masama ah!

"Pakihanap nga yung sakin, mukhang nagkahiwa-hiwalay eh..."

Tinignan niya lang ako ng may pagtataka. Kaya tumalikod na ako.

"Para maranasan mo din kung pano maghanap...

gaya ng paghanap ko ng lugar sa buhay mo"

#Broken
#Goodbye

ONE-SHOT STORIES❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon