Ours

2.2K 72 11
                                    

Ara, anong oras na!!" Aligagang sigaw ni Mika sa loob ng kwarto namin na kinagising ng katawang lupa ko

"Oy baks malelate na tayo e ang himbing himbing pa ng tulog mo dyan, maligo ka na at mahirap ng makasakay papunta sa ortigas" sigaw ni Mika habang ako naman ay dali daling tumakbo sa banyo para makaligo na

How I hate mondays! Galing kasi kami ni Mika sa kasal ni Kim at Almond sa may Calatagan, Batangas. Kung hindi lang talaga busy ngayon sa opisina ay aabsent ako at dun muna mamamalagi.

"Baks, dalhin nalang kaya natin si Zuki?" suhestiyon ko sa kanya bago kami lumabas ng bahay

"Ano ka ba baks sa mahal ngayon ng gasolina, wag na uy tsaka na pag nag roll back ng sampung piso tsaka sa traffic papunta dun e makikisingit pa tayo" sabi nya at dali dali ng tumakbo papunta sa terminal ng fx

habang nakasakay kami ni Mika sa fx ay lagi kong tinitignan ang aking orasan sa tuwing mahihinto ito sa traffic.

7:45 na naku nasa Boni palang kami, paniguradong masisigawan nanaman ako ni boss nito

sinalampak ko nalang ang headset ko sa tenga ko at sumandal kay Miks

saktong 8:28 kami nakababa ni Mika sa tapat ng building kaya tinakbo na namin ang elevator dahil dalawang minuto nalang ay malelate na kami at mababawasan ang sahod namin.

laking pasalamat namin na walang nakapila sa elevator at nakasakay kaagad kami

magkaiba kami ng floor ni Mika dahil magkaiba ang kompanya na pinagtratrabauhan namin and lucky for her na mauuna ang floor nya dahil nasa 26th floor yung saakin habang nasa 24th naman yung kanya

"Una na ako, lash you baks!!!" sigaw ni Mika habang dali dali na syang umalis sa elevator

"Lash you too" sigaw ko pabalik at pinindot ang close button

saktong pagbukas ng elevator ay 8:30 na at naka pameywang ang aking boss sa tapat ng elevator

"Come to my office Ms.Galang" he said with gritted teeth and then marched to his office

Anak ng lapu lapu nga naman, Oo, sana hindi na nya ako masyadong sermonan tutal on time naman ako

sumunod nalang ako and through the walk I prepare my ears para sa sermon na matatanggap ko galing kay boss

...

"Our company is facing a financial crisis and as the company's financial analyst I'm counting on you to do your job very well, Ms.Galang. You know how critical our company's situation now, kaya lahat ng empleyado ay expected to come before hand! Ano ba yan Ara, where is your dedication and devotion to your work? I want the report on my hands on or before 4:00, Do I make myself clear Ms.Galang?" Masakit man ang mga natatanggap kong salita mula sa boss ko at kating kati akong sagutin sya ay hindi ko ginawa, dahil ayoko ng pahabain ang pagtingin sa kanya at mauuwi lang sa gulo dahil parehas mainit ang ulo namin

"Yes sir, pasensya na po kanina"  Yan na lang ang mga nasabi ko

"Dismiss" tamad akong naglakad papunta sa office ko

humingi lang ako ng isang tasang kape sa secretary ko at sinimulan ang paper works at magpalamon sa mga numero

mabilis ang naging takbo ng oras at laking pasalamat ko na bago matapos ang office hours ay nakatapos na ako ng madaming accounts kaya hindi ko na kailangang mag over time

Pagkatapos kong itipa ang huling document sa huli kong account ay napasandal ako, more like lumagapak ako sa swivel chair ko at narealize na hindi pa pala ako kumain simula kaninang umaga

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin