Okay lang ako.

119 3 1
                                    

Okay lang ako. Mga salitang punong-puno ng kasinungalingan. Punong-puno ng sakit at kirot sa dibdib ko. Masakit kasi ung maiwan lalo na yung alam mong napipilitan lang siya para sayo. Yung tipong sa sobrang pagkadesperada mo "naawa na siya sayo" Pero bakit ko nga ba siya pinilit ulit para "mahalin" ko? Bakit nga ba? 

"Uy okay ka lang?" 

"Okay lang ako." 

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" 

"Wala 'to. Wag mo kong alalahanin. Okay lang talaga ko." Umiwas na siya ng tingin sakin. May tinitingnan siyang iba. Makikita mo sa mga mata niya ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pero kahit nasa isang relasyon na kami ay hindi ko pa rin magawang sabihin. Napipilitan lang kasi siya. 

Masakit 'yon oo. Masakit ung maramdaman mo na kasama mo nga siya pero ung puso niya nasan? KASAMA NG IBA. 

Okay lang naman ako eh. Kahit ganito yung relasyon namin. Ako lang ung nagmamahal. Di ba lahat naman tayong mga babae naghahangad ng isang mala-fairytale na love story? Di naman masama mangarap. Pero ang problema sakin eh sobra akong nangarap. 

Paulit-ulit kong sinasabi ang isang kasinungalingang mga salita. Ang "Okay lang ako." 

Umiiyak na pala ko. Di ko namamalayan unti-unti ko ng nailalabas 'tong sakit na nararamdaman ko. 

"Lena. Bakit ka umiiyak?" 

"Mahal mo ba ko Alex?" Kahit alam ko namang hindi eh naglakas ako ng loob na tanungin siya. 

"Sy-syempre o-oo! Ano ba namang klaseng tanong yan. Ha-ha-ha!" Yan Lena kasalanan mo yan eh. bakit ka magtatanong ng bagay na ikasasakit lang ng puso mo? 

"Alam mo Alex. Konting tiis na lang ha. Konting sakit na lang ang mararanasan mo." 

"Anong ibig sabihin mo?" 

"Wala!" Napilitan ko na lang na ngiti. 

"O sige. Aalis na ko ah. Baka hinahanap na ko ni Mama." Pahakbang na ko ng di ko mapigilang lumingon. Nakatingin na naman siya sa babaeng kanina niya pa tinitingnan. 

---

"Lena! Nandyan ka na pala!" Si Mama. Yan nanaman ang walang katapusang sermon. 

"Ma. Okay lang ako."  

"Lena. Alam kong di ka okay. Anak kita diba. Simula palang nung sanggol ka eh kilala na kita. Ano bang problema anak? Nag-away nanaman ba kayo ni Alex?" 

"Hindi Ma. Masama lang po pakiramdam ko." 

"Anak nag-pacheckup ka na ba?" 

Hindi pa nga pala ko nagpapacheck-up. Sa sobrang busy ko sa pagpipilit na mag-date kami ni Alex. Nakalimutan ko na. Mas lalong titindi 'tong sakit ko eh. 

"Ah ma. Di ko na po kailangan magpacheck-up kasi okay lang ako. Tingnan niyo 'o ang lakas lakas ko." 

Umakyat na ko sa kwarto at patuloy na umiyak. Di ko na kaya eh. Sa sobrang paulit-ulit ko na sinasabi na okay lang ako ay parang mas lalong tumitindi yung lungkot sa puso ko. 

*toot-toot* 

Nagulat na lang ako na may biglang nagtext sakin. Si Alex. 

From: +639**********

Babe! Sorry di ako makakapunta sa date natin bukas. May importante kasi akong gagawin eh. Nagtext ako kay tita na sabihin sayo 'to incase na hindi mo mabasa. :) 

To: +639*************

Okay lang babe. I love you. 

Di na siya nagreply. Nung una pa lang alam ko nang napipilitan lang siya. Alam kong gusto niya lang "makatulong" sa akin para naman mabawas-bawas 'tong sakit sa dibdib ko. Pero bakit ganoon parang mas lalo lang ako nasaktan? Mas lalo lang akong lumulungkot ngayong alam kong sinasakal ko siya sa isang relasyong di naman niya gusto. Gusto ko sabihin sa kanya na "Alam ko namang napipilitan ka lang na mahalin ako. Pero di naman masama na maging selfish. Di naman masama na maghangad ka ng kahit konting kaligayahan diba? Tinulungan naman din naman kita na makamove-on kay Ana diba? Tinulungan kita na makalimutan mo siya. Kahit sobrang mahal mo siya at mahal kita. "

Okay lang ako. Okay na ko. Okay na ko na mawala ka. Okay na ko na pakawalan ka. Di ko na kasi kaya eh. Di ko na kaya na masaktan ka at masaktan ang sarili ko. At ngayon papakawalan nakita. Para naman bago ko mawala ay makakaramdam ako ng gaan sa loob ko. 

I dialled his number. Mga tatlong ring bago niya masagot. 

"Hello?"

"Hello Alex?"

"Ayyy sorry Lena. Mamaya ka na lang tumawag. Busy ako eh." 

"I'm breaking up with you. Pinapakawalan na kita sa kasinungalingang ito." 

Di na siya sumagot at binababa niya na ang phone. Mas lalo nang gumaan ang loob ko. Okay na ko. 

Minsan ang "okay lang" ay hindi ibig sabihin ay okay ka lang. Marami itong ibig sabihin. Minsan sinasabi mong okay ka lang pero deep inside nasasaktan ka na. Ikaw rin naman may kasalanan nun eh. Sinasabi mong "okay ka lang" para hindi masyadong mag-alala. Pero ang gusto mo talaga ay yung mag-alala sila. Kaya nga isa itong malaking kasinungalingan. Okay ka lang? Nasasaktan ka na. Wag kang magsabing okay ka lang. Ikaw gumagawa ng mga bagay na hindi mo ikakabuti. Bakit mo sasabihing okay ka lang kung hindi naman talaga? bakit ka magtatanong kung alam mo naman na masasaktan ka? Yan yung mga natutunan ko nung mga oras na nakasama ko siya. Mahal ko si Alex bilang bestfriend at "boyfriend". Nagpapasalamat ako sa kanya kasi tiniis niya lahat ng sakit sa dibdib niya. Kahit minahal niya ako bilang kaibigan at kahit onting pagmamahal bilang girlfriend. Ngayong mamamatay na ko. Okay na ko. Panatag na loob ko. Pero sasabihin ko sa inyo. Hindi ako okay. Ayoko nang magsinungaling kasi ang isang kasinungalingan ay may kadugtong pang ibang kasinungalingan. Pero hindi isang kasinungaling na sasabihin kong mahal ko siya at may mahal siya iba. Hanggang sa muli. Okay lang ako. 

PS. Credits to the owner of the photo :) 

Okay lang ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon