Chapter 6: Investigations and Alliances
"It's a success, Pum," nakangiting bati ni Chwe sa taong pumasok ng headquarters nila.
"Because of me. You're welcome, by the way," smug na sagot nito habang dire-diretsong naupo sa sofa kaharap ni Chwe pagkatapos i-hang ang coat sa coat hanger.
"Sleep, Naw. I know you're exhausted," sabi naman ni Chwe at saka umisog sa dulo ng sofa para makahiga ang kasama. Nahiga nga si Naw at pinatong ang paa sa lap ni Chwe.
"Exhausted?" tanong ni Pum kay Chwe. Nakapikit na kasi si Naw kaya ayaw na niyang istorbohin ito.
"Yup. Afterall, he has the weakest stamina out of all of us. Para buhayin kasi yung mga zombies na yun, kailangan niya ring gamitin ang energy reserves niya," sagot ni Chwe habang pinapanood ang pagtulog nito.
Bigla namang bumukas ulit ang pinto at doon pumasok ang isang lalaking seryoso ang mukha. Tinapunan lang nito ng tingin sina Pum, Chwe, at Naw na natutulog, bago nagsalita. "To say that the king is furious is an underestimation. He is seething in rage right now. Why did you kill all those knights? It's not part of the plan!" Pataas ng pataas ang boses nito habang tumatagal.
"They didn't, War," answered Pum in a calm tone while clenching his jaw.
Sumang-ayon naman si Chwe. "Yeah. They were like that when we arrived."
10:00 pm...
Medyo naiinis na si Pum sa kakarelakmo ng dalawa. Malapit na niyang pagbabatukan ang mga 'to. "Fine. Lose those and they'll know your identities. It'll earn you a one way ticket to jail."
"K," sagot ni Chwe at sinuot na ang hood. Ganun rin ang kasama niya.
"You two," tawag ni Pum sa dalawang kasama niya. Seryoso na ito. "Naw is already waiting for us. I'll tell the plan when we meet him."
Nang matapos nga ang hallway na nilalakaran nila ay natanaw na nila si Naw na nakahood na rin. Agad itong nilapitan ng tatlo at in a hushed tone ay nagsimula ng i-execute ni Pum ang plano.
"You three will be the main unit for this plan. Just incapacitate the other knights, but don't do any serious damages. Drain that one particular knight as ordered. I scanned the perimeter earlier and I think you should go for the entrance. Are we clear?"
Tumango ang tatlo. Naglalakad na ngayon ang apat papuntang entrance at nakita nila mula sa malayo na wala na si Kai doon, kaya mas napadali ang gagawin nila. Nang mas napalapit sila sa entrance para umatake na sana sa mga knights ay natigilan sila.
May tatlong taong nakatayo doon na nakasuot ng full black outfit. Nakamask rin ang mga ito na tanging mata lang ang kita kaya hindi nila makita ang hitsura ng mga ito. Sabay-sabay na naglabas ng katana ang tatlo at pinag-aatake ang mga nandoon.
Tumakbo agad si Pum para i-distract ang tatlo, pero halos napatay na ng mga ito ang knights na nandoon. "You're—"
Naputol ang sasabihin pa sana niya noong umiling ang isang nakalaban niya. Tinawag nito ang atensyon ng mga kasama at bigla nalang nagteleport ang tatlo paalis.
Agad na lumapit sina Chwe kay Pum. Chineck naman agad ni Naw ang lagay ng lahat ng knights na nakahandusay na ngayon sa sahig. "They're dead. Except for this one," announce niya.
"I think they killed everyone because these knights know something. This particular target..." Nagsquat si Chwe at hinawakan ng mahigpit ang mukha ng knight. "...spilled to those knights what he knows."
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Mystery / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...