Chapter 32

5 1 0
                                    

11/11

[PLAY THE MUSIC ON THE MULTIMEDIA BOX]

[11:11 by Austin Mahone]

Antok na antok na pumasok si Xavier sa loob classroom. Papikit pakit pa syang naupo sa upuan nya ngunit ng makita si Tracy na palapit sa kanya ay bigla syang napatayo at napatakbo palabas ng classroom.

Nagtaka naman si Brayden na kamasid pala sa kanya pagpasok pa lang ng room.

"Ang weird," komento ni Tracy.

Ngumiwi lang si Brayden at bumalik na sa dati nyang ginagawa.

Nang halos makompleto na ang classroom ay para nanaman itong dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo.

Nagmamadaling umakyat si Isha sa classroom para isigaw kung anong araw ngayon.

"Guys!! 11/11 ngayon!" Masaya nitong sabi.

"And so? Hindi ka pa rin nya mahal," pang aasar ni Kate.

"Let's make a wish! Yiieee, excited na ko!" Saad naman ni Anika.

"11/11? Ano namang makukuha nyo dyan?" Topher.

"Tyong, magw-wish ka dun! Tsk. Tsk. Wala kasing orasan sa bundok e!" Mark.

Dumaan ang oras at halos minu-minuto sila kung tumingin sa orasan para lang makita kung 11:11 na ba ng tanghali.

10:00 am

"11:11 na!!" Biglang sigaw ni Kane.

Dali dali namang nagwish ang iba ngunit sumigaw si Ayana dahilan para pagsisipain nila si Kane.

"Gaqu alas dyes pa lang!" Jared.

"Joke lang, hehehehe"

10:30 am

Tik tok tik tok

Tanging tunog lang ng orasan at ang boses ng math teacher nila ang naririnig nila. Wala ni isa man ang nag ingay dahil halos nag aantay ng oras pagpatak ng 11:11 ng tanghali. November 11 kasi ngayon at para sa kanila ay ito ang araw para matulad ang wish nila.

10:50 am

"Goodbye class,"

"Byeee Siiirrr" sabay sabay nilang sabi.

"Hirap talaga ang algebra," saad ni Alec. Napalingon naman sa kanya si Kiara na katabi nya.

"Basic," pagmamayang nito.

"Bakit laging x and y ang variable?"

"Bakit ano bang gusto mo? a and b?" Sarkastikong suhestyon nya.

"Hindi." Ngumiti si Alec. "U and I?"

Napatingin sa kanya si Kiara. Natatawang tumakbo si Alec palabas ng classroom ng bigla syang habulin ni Kiara para mapalo ng librong napulot nya lang.

~

Pagkatapos maghulog ng pera sa Vending Machine at makuha ang isang juice ay nakita nya si Hailey na maraming dala. Dali dali nyang inubos ang juice at saka ito nilapitan.

"Tulungan na kita," pagpiprisinta nya kaya walang dala dalawang isip na binigay ni Hailey ang iba sa kanya.

"Pansin ko lang ha, bakit ang sobra mong matulungin?"

"Boy scout ako simula grade school," nagmamalaki nitong saad kaya napatango na lang si Hailey.

Ng makarating sa stock room ay agad ding naghiwalay ang daan nila. Ayaw pang bumalik ni Alec sa classroom dahil siguradong hahabulin nanaman sya ng hampas ni Kiara.

11:05 am

Sa paglalakad nya ay nakita sya si Ayana sa may Vending Machine kaya nilapitan nya ito.

"Cutting oy," pangloloko nya dito

"Ikaw din," sagot nya.

Akma na silang maglalakad paalis ng bigla na lang silang makarinig ng pamilyar na whistle.

Patay.

"Mr. Yu and Ms. Varin! Cutting kayo! Detention now!"

~

11:10 am

Magkatalikuran ang ulo nila habang nakahiga ito sa mesa.

Pareho silang nag iisip kung ano ba ang idadahilan sa Apology Letter na pinapaggawa sa kanila.

Habang nag iisip ay biglang napangiti si Ayana. Hindi pa 11:11 pero natupad na ang wish nya. Ang makasama si Alec sa isang lugar na silang dalawa lang.

Hindi nyo rin naman sya masisisi dahil tumigil sya sa paniniwalang makakaramdam sya ng mala-fairytale na lovestory pero nang dumating si Alec---naniwala ulit sya. Pinaniwala sya ni Alec na maaring katulad sa love story magkagustuhan din sila.

11:11 am

Kasabay ng pagpatak ng 11:11 ay ang pagharap nila sa isa't isa. Halata ang gulat sa reaksyon nilang dalawa ngunit ikinatuwa ito ni Ayana.

Hindi nya makalimutan ang kislap sa mga mata ni Alec habang magkaharap sila.

~

11:11 am

"11:11 na!!" Sigaw ni Kane.

Bigla syang tinaasan ng middle finger ni Blake. Wala ng naniniwala sa kanya dahil kanina pa ito ng loloko pero ngayon ay hindi na.

"Promise guys 11:11 na!" Pamimilit ni Kane pero walang naniwala sa kanya.

"Bahala nga kayo dyan!" Asar na saad nito.

11:12 am

"Kingina 11:12 na!! Kane Brayan!!" Inis na sigaw ni Isha.

Nagkagulo sa panghihinayang ang lahat dahil lumampas ng isang minuto ang pag-aantay nila. At isa lang ang may kasalanan nito---

"Aquinoo!!"

~

"Sayang talaga yung 11:11 huhuhu!" Panghihinayang ni Kiara habang naglalakad sila ni Topher paakyat ng faculty room.

"Meron pa naman mamayang gabi e! At tsaka halos araw araw naman kung magwish kayo sa 11:11 wag ka ng maghinayang!" Topher.

"Pero kahit na sayang pa rin!"

Pumasok sila ng faculty at nilagay ang mga notebook na ipinasa nila kanina.

Kinuha ni Topher ang announcement para sa klase nila. Ididikit nya ito sa blackboard para alam ng lahat na mags-shoot sila ng isang short film para sa project nila.

Habang pababa ng hagdan ay biglang nakarecieve ng text si Kiara galing sa kapatid kaya saglit nya itong tiningnan.

"Sino yan?" Tanong ni Topher.

"Si Kuya--AH!"

Napaupo si Kiara dahil sa maling paghakbang nya sa hagdan. Halos maiyak sya sa sakit ng paa nya.

"Dadalhin kita sa clinic!" Nag aalalang saad ni Topher at saka hirap na hirap na binuhat si Kiara.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon