Sa pag-ibig kung sino ang nagmamadali kadalasan sila pa ang nagkakamali. Kapag nagmahal ka hindi mo iniisip kung tama o mali ba ang ginagawa mo. Kahit anong sabihin ng iba kung san ka masaya andun ka.
Hindi mo inisip na pagkatapos ng kasiyahan may kapalit na kalungkutan.
Ang pag ibig daw parang araw, matagal mong hinintay at inasam na makita ang isang panibagong araw na magpaparamdam sayo na may bagong pag-asa---na mahal ka pa nya. Pero ang pag-ibig para ring buwan, darating at darating ang oras na papalitan ng buwan ang araw.
Isang patunay na hindi lahat ng bagay ay permanente. May papalit at may maiiwan.
"Can we talk?" He begged.
Okay na sya. Oo, okay na. Wala ng sakit --- ang alam nya. Pero meron pa pala.
"Look, I still love you.."
Napangiti sya ng malungkot. You cant come into someones life, make them feel special and then leave. Then after all the heartbreaks that you caused, you'll come back to her and beg?
Ganyan ba talaga kababa ang tingin ni Aiden kay Chloe?
"Tatanggapin mo ba ako ulit?"
"Yes,"
Nagulat si Aiden pero agad ding napangiti.
"I still love you. Pero ayoko na.."
She want him but she's tired. Pagod na syang masaktan ulit. Ayaw na nyang maulit ang nakaraan. Sabi nga, ang pakikipagbalikan daw sa EX mo ay parang pagbabasa ng librong nabasa mo na. Alam mo na ang ending nagpapakatanga ka pa.
"Sabi mo sakin noon, mahal mo ko. Pero iniwan mo ko para sa iba. Hindi naman ako ganon katanga para lang ulit ulitin yun."
Saglit syang tumigil para pakawalan ang hikbi nya. Tama ba talaga tong pinagsasabi nya kahit alam nyang tama to?
"Kung may kakayahan lang akong ibalik ang nakaraan, doon ako babalik sa araw na nakilala kita hindi para baguhin ko kundi para maramdaman ko ulit yung saya nung nakilala kita. Kahit saglit lang yun, ang saya pa rin e. Kaso sana, sinabi mo rin sakin na panandalian mo lang pala. Sana iniwan mo na lang muna ako bago ka naghanap ng iba. That time, you broke my heart and the worst part is I let you."
Mahal mo pa sya pero ang sabi ng utak mo tama na.
Napatulala si Aiden habang pilit na iniintindi ang sinabi ni Chloe.
"Pwede pa rin naman tayong magkaibigan. Pero hindi na natin maibabalik ang dati. Ayoko na kasi. Tama na. Pagod na ko. Mahal pa kita pero ayoko na."
Sa mga huling linya na sinabi nya. Gustuhin man nyang humakbang pa ulit pero awat na.
Awat na.
Tumingin sya kay Chloe at walang ano anoy niyakap nya ito. Sa mga huling sinabi nya lang, doon na sya huminto sa linyang yun at di na humakbang pa ulit.
"Sorry," sabi nya habang nakayakap.
Niyakap sya pabalik ni Chloe.
"You know what, Aiden?" Chloe.
"What?"
"Ang saya ko... kasi okay na tayo. May closure na ang paghihiwalay nating dalawa."
Humigpit ang yakap nya kay Chloe. Alam nya sa sarili nyang, huli na ang yakap na to.
"Sana dumating ang araw na maging masaya katulad ng iniisip mo."
"Dumating na, Aiden. Masaya na ko."
Bago umuwi ay nagtaka sila ng makita si Aiden at Chloe na nagtatawanan.
Kahit nagtataka ay nakisama na lang sila sa pag aasaran ng dalawa.
Bago matapos ang araw ay panibagong pagkakaibigan nanaman ang muling nabuo.