Chapter 35

8 2 0
                                    

Naging mabilis ang paglipas ng araw. May mga problemang dumaan pero agad ding nasolusyonan.

Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi nila nakakalimutan ang isa't isa.

"Oh napatawag ka?" Bagot na bagot na tanong ni Kiara kay Alec ng tumawag ito sa kanya paskong pasko.

"Anong pinaka sad na subject?"

"Ano?" Walang gana nyang tanong.

"Edi Math! Dami nyang problems e! Hahaha," pero napangiti sya.

Gabi gabi na lang ito tumatawag sa kanya simula ng magbakasyon at talagang hindi sya tinitigilan.

"Ewan ko sayo! Matutulog na ko!"

"Hahaha, Merry Christmas Sweetheart...ay este sweetdreams pala." At saka nito pinatay ang tawag.

Hindi matanggal ang ngiti nya habang pabalik ng kwarto.

Samantalang magkasama naman si Anika at Blake. Nasa park sila at parehong nakaupo sa swing. She's staring at the sky while he's staring at her.

Ganun lang sila habang magkasama pero ramdam mo ang saya at lungkot ng bawat isa.

"Aba, Chloe bago bago din new year na!" Pang aasar sa kanya ni Aiden sa telepono.

"Lul, noong birthday ko sabi nyo wag akong magbago pero ngayong new year magbago na? Ano ba talaga? Haha,"

Sa paglipas ng araw ay bumalik sila sa dati. Noong mga panahong magkaibigan pa lang sila---noong hindi pa nasisira.

Pero syempre kung ang iba ay masaya ang pasko at bagong taon hindi maiiwasang ang iba sa kanila ay malungkot. Para bang normal na araw lang sa kanila ito.

~

Unang araw ng pasukan para sa bagong taon. Katulad ng araw araw na nangyayari ay nagkwentuhan sila na para bang sampung taon silang hindi nagkita kita.

"Musta new year teh?" Bungad na tanong ni Brayden kay Kiara.

"Ayun puro pangungulit ni Alec ang nakuha ko!" Kiara.

"Nung christmas?"

"Puro pangungulit nya rin!" Kiara.

Natigil bigla si Kiara ng makitang nakatitig lang sa kanya si Brayden habang nakangiti ng nakakaloko.

"Alam mo minsan, malalaman mo na lang bukambibig mo na pala sya."

"Ewan ko sayo che!" Saad nito sabay alis.

"Kingina yung regalo ng ninong ko tatlong piraso ng brief! At ang malupit pa, superman ang design!" Reklamo ni Kane sa mga kaklase.

"Bakit ba gusto mo Hello kitty? Bwahahaha!" Jaxon.

"Buti nga kayo e! Yung sakin biglang nagkaamnesia! Pucha butas wallet ko nung pasko!" Xavier.

"Yung akin kingina pinagtaguan ako!" Topher.

"Yung akin naman di ako kilala, langya." Mark.

"Pero mga dre, samin talaga ang malupit! Nalito saming dalawa ni Jared kahit pareho naman nya kaming inaanak! Ang ending, kay Bianca nya binigay." Usal ni Blake.

Napairap si Isha ng marinig ang kwentuhan ng mga lalake.

"Buti nga sainyo ganun lang e! Ako kahit ninang at ninong ko pinaasa ako!" Isha.

"Bakit ano ba binigay sayo?" Kate.

"Iphone. Kahon ng Iphone na may lamang tigpipisong candy!"

"HAHAHAHA yung sakin naknangpucha sakin pa nanghingi ng pamasko," Candy.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon