Chapter 34: Mystery Man
Unti unti ko ng nakakasanayan ang pagkakaroon ng kasambahay. At sa totoo lang ay masaya naman ako lalo pa at naging abala na si Alex sa pagtatrabaho. I mean yung araw araw na siyang nagpupunta sa opisina niya.
Sinabi niya sakin na before the day we got married, he seek professional help. Para yun doon sa trauma niya, ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan nito na naging resulta ng pagkamatay ni Mariel. Totoo ang hinala ko na mas pinipili niyang manatili nalang sa bahay dahil mas ramdam niya ang safety niya doon.
Ang hindi ko lang gusto nitong mga nakaraang araw ay ang madalas na pagpunta dito sa bahay ni Maja. Ayon dito dahil lang daw kay Aki kaya ito naroroon pero kapag naroon ito hindi naman ito nakikipaglaro kay Aki bagkus ay halatang nilalandi nito ang asawa ko.
Asawa ko.
Oo asawa ko na nga si Alex, at alam yun ng babaeng yun, pero bakit lantaran niya pa ring nilalandi si Alex? Ang sarap niyang sabunutan sa totoo lang.
Buti nalang at linggo ngayon, alam ng Maja na yun na nagpupunta kami sa bahay nila Alex kapag ganoong araw. At least hindi ako maiinis sa pagmumukha niya ngayon.
Oo ipinakilala na ako ni Alex sa pamilya at talaga namang wala nang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Kaya lang ay hindi ko pa siya naipakikilala sa mga magulang ko. Busy pa si Alex para magliwaliw sa ibang bansa at ganun din naman ang parents ko para bumalik dito sa pinas although nasabi ko naman na sa kanila na ikinasal na ako.
Kakagaling lang namin sa kina Alex at ngayon ay nandito na kami sa bahay. As usual nakatulog na naman si Aki sa biyahe namin kaya nauna nang pumasok si Alex karga ang natutulog na si Aki.
Papasok na din sana ako sa loob ng mapansin ko ang lalaki sa may gate na nakatayo at nakatingin sa bahay namin. I don't know if nakikita niya ako dito, hindi kasi siya tumitinag kahit na nga ba lantaran ko na din siyang pinagmamasdan. Hindi pa naman ganoon kadilim para hindi niya ako makita.
Habang pinagmamasdan ko siya napansin kong may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Parang katulad yun kapag nasa paligid lang si Maja. At nararamdaman ko din ang takot na yun.
Lalapitan ko na sana siya para magtanong ng tumingin siya sa direksyon ko. Ngumiti ito at saka naglakad palayo.
'Ano yun?'
Napaigtad ako ng biglang lumitaw si Alex at tinawag ako.
"Hon? What are you still doing there?" Tanong ni Alex mula sa pinto.
"Wala naman." Sagot ko lang at saka naglakad na papasok.
-
-
-Kinabukasan ay maagang umalis si Alex. Madalas daw kasing maglagalag ang anak ng may ari kaya siya ang sumasalo sa trabaho nun. Sabi ko nga sa kanya wag nila hayaang laging ipapasa sa kanya ang trabaho at baka magkasakit pa pero hindi naman daw mabigat ang trabaho nito.
Anyway, dahil nga maaga siya ngayon, ay kami lang dalawa ni Aki ang pupunta ng school dahil hindi niya kami maihahatid. Wala namang kaso dahil may driver naman na kami.
Inihahatid ko ng tingin si Alex mula sa gate ng makita ko sa di kalayuan ang lalaki na nakita ko kagabi. Nakatingin na naman siya sa bahay namin. May kakaiba sa way niya ng pagtingin pero hindi ko lang matukoy kung ano.
Mukhang nakita niya na ako kasi sa akin na siya nakatingin ngayon. And again, like last night, nginitian niya lang ako bago tumalikod.
Sino ba yun? Hindi ko naman siya kilala. Hindi kaya masamang tao yun? Sa totoo lang maraming tanong na ang naglalaro sa isipan ko ng mga sandaling ito pero wala namang mangyayari kung patuloy ko yung itatanong sa sarili ko dahil wala naman akong makukuhang sagot.
Hindi naman siguro threat ang lalaking yun. Base sa nakikita ko, mukhang hindi naman siya yung taong gagawa ng masama. He was a good-looking guy. Halos magkasingtangkad pa nga sila ni Alex.
Nagkibit balikat nalang ako at saka pumasok sa loob. Dumiretso na ako sa kusina ng marinig kong may nag uusap doon. Naabutan ko si Manang Trining at ang bihis na si Aki. Nakaupo na si Aki at kumakain na habang panaka nakang kinakausap si Manang.
"Manang, bakit ang tagal ni Mommy?" Narinig kong tanong ni Aki.
At nakakamangha naman talaga ang batang ito. Sa iksi ng panahon ay marunong na kaagad itong magtagalog.
Napatingin sa direksyon ko si Manang na nakangiti kaya naman ay sumunod din ng tingin si Aki.
"Mommy! Diyan ka lang pala. Umalis na daw si Daddy?" Tanong nito.
Lumapit na ako ng tuluyan sa kanya.
"Oo, may aasikasuhin pa daw sa office eh. Hayaan mo ang sabi niya naman ay maaga siyang uuwi."
"Okay. Did you already eat Mommy?" Tanong pa nito.
Tumango ako. "Oo. Sige kumain ka na dyan okay? Magbibihis lang si Mommy. Then if you're already done, aalis na tayo." Binalingan ko si Manang. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya Manang."
"Haay naku, sige na magbihis ka na doon at ako na ang bahala sa madaldal na ito." Natatawang sabi nito.
"Manang, I'm not madaldal po." Singit pa ni Aki.
Natawa na din ako. Medyo sablay din ang pagtatagalog ni Aki, nagiging conyo na kasi ang paraan nito ng pagsasalita.
Iniwan ko na silang dalawa at saka umakyat na. Nagtungo na ako sa kwarto namin ni Alex nang mapansin kong bukas ang pinto sa sliding door papuntang balkonahe. Agad akong nagpunta doon para icheck kung bakit bukas yun.
"Ayy Ma'am! Ginulat niyo naman po ako." Anang isa sa mga katiwala na si Rhea. Magkaedad lang kami halos at pamangkin siya ni Manang Trining.
"Ikaw lang pala yan Rhea. Ano bang ginagawa mo dyan?" Nagtatakang tanong ko.
Wala naman kasing meron sa balkonahe para linisan o gawin kaya.
"Ah kasi nililinis ko lang po yang sliding door kanina ng may mahagip ang mga mata ko na isang poging nilalang kaya lumabas ako para masilayan siya. And guess what Ma'am?" Pag iingles pa nito, "Nakatingin po siya sa akin! Oh my gosh! Feeling ko po crush niya ako." Kinikilig pang dugtong nito.
Napakunot noo ako. Poging nilalang daw? Sino ang tinutukoy nito? Yun kayang lalaking nakita ko kanina?
"Asan dyan?" Tanong ko at nilapitan siya.
"Naku Ma'am ha? May Sir na po kayo." Pagbibiro pa nito.
Bahagya ko siyang tinawanan. "Alam ko, titingnan ko lang kung talaga bang pogi yang sinasabi mong crush mo."
"Ay Ma'am talagang pogi yun. Mas pogi pa kay Sir. Pero siyempre dahil si Sir ang mahal mo, siya pa rin ang pinakapogi para sayo."
"Siyempre. O asan na ba ang tinutukoy mo?"
"Nakaalis na Ma'am eh." Nanghihinayang na sabi nito at nakatanaw pa sa malayo.
"Sino ba yun?" Tanong ko.
"Actually Ma'am, hindi ko po alam eh. Pero nakikita ko na po siya nung nakaraan pa at palaging nakatingin sa bahay natin, hindi ko po alam kung kapitbahay po ba natin siya o bisita lang ng isa sa mga kapitbahay natin eh."
Lalong nadagdagan ang pagtataka ko. Bakit niya naman tinitingnan ang bahay namin?
Tinapik ko sa balikat si Rhea. "Sige na. Tama na ang pag sasightseeing mo dyan. Isara mo nalang itong pinto pagka alis mo." Sabi ko sa kanya at saka muling pumasok.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven