Hehe.. wala akong magawa eh! Gawa gawa ko lang iyan!!
XD
Pakibasa na Lng .. wag KJ!!
hehe .. JK. LOL..
_____________
Prologue:
Lahat tayo ay naranasan na ang magkacrush at mainlove.
Yung tipong ngiti niya pa lang buo na araw mo.
Sa simpleng HI lang niya halos maglupasay ka na sa kilig.
Siya yung laging hinahanap hanap ng mga mata mo.
'Pag nag-uusap kayo feeling mo habangbuhay na yung conversation niyo.
Gagawin mo lahat mapansin ka lang niya.
Pero ang tanong ?
Naranasan mo na din bang masaktan?
Nasaktan ka kasi akala mo mahal ka din niya.
Kasi nag assume ka.
Kasi akala mo ikaw yung gusto niya.
Naranasan ko na ang lahat ng 'yan sa bestfriend ko.
Sa bestfriend ko na minahal ko ng sobra sobra.
At nang dahil sa pagmamahal na 'yon nasaktan din ako ng sobra sobra.
Masakit pala talaga Mainlove...
___________
"Uyy Bespren!!" tawag niya
"Zup!!" walang gana kong sabi
"May problema ba bespren? Sino umaway sa'yo??ha? Sino?" binatukan ko naman siya.
"Aray naman bespren! Para saan naman yun! Ikaw bespren ah? Sadista ka!!"
"Gagi! Ang Oa mo naman kasi! waLang umaway sakin
no! At problema?? Ako? magkaproblema? Oh C'mon!!"
sunod sunod kong sabi
"Yun naman pala eh! Kelangan pang mambatok?"
"Hindi naman! Namiss ko lang na binabatukan ka eh!
Ayy.. Bakit ka nga pala nandito?"
"Ayy.. buti pinaalala mo bespren!!Kaya ako nandito kasi.." tinataas taas niya pa yung kilay niya.
Problema nito?
"Kasi ano?? eto naman .. Hilig hilig mambitin!"
"Kasi may sasabihin ako sayo!"
"Ano namang sasabihin mo?"
tanong ko ..
"May gusto akong babae"
nakangiti pang sabi niya.
Bigla naman akong nawalan ng gana dun sa sinabi niya.Bakit ba kasi kung kani kanino pa siya tumitingin ,eh nandito naman ako?
Haay.. nakalimutan ko .. bestfriend lang pala ako.
ako nga pala si Joanne De Los Santos. 16, Senior. Matalino,mabait,maganda,mahilig magbasa at mahal na mahal ko ang bestfriend kong si Khean Mendoza.
Haay .. Oo .. mahal ko siya ,mahal ko si Khean.Si Khean na bestfriend ko,na kahit kailan ay hindi ako magugustuhan,kasi bestfriend lang ako. Haay..
"Uyy.. bespren! tulala ka na diyan!"
"A-ah? O-o .. Sino ba yang babaeng yan? at nang makaliskisan!" sabi ko na lang pero sa loob loob ko .. sobrang sakit na.