Sa lahat naman ng bumabasa nito ay wag niyong isipin na dito ako nagrerebelde. Kinukwento ko lang kung ano ang naexperience ko.
Ako nga pala si Daniel Valaguer (di tunay na pangalan), ang bunso sa pamilya, 14 years old, 3rd year student at ang taong laging kinukumpara sa kuya kong si Jason Valaguer (di tunay na pangalan).Alam ko na kakaiba ang storya ko at alam ko na marami sa atin ang nakakaranas ng ganitong mga sitwasyon. Kaya sana sa pagbabasa nyo sa storya ng buhay ko eh makarelate sana kayo.
.
.
.
Isang umaga, pasukan ng mga bagong saltak sa Highschool Level. Ako na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil highschool na ako simula ngayong araw na ito. Sa sobrang excitement kong pumasok ay napaka aga kong gumising. Halos madilim pa ang kalangitan noon. Ayoko pa sanang lumabas ng kwarto ko. Nang bigla kong naamoy ang lutong hotdog ng nanay ko si Helen Valaguer (di tunay na pangalan). Kaya dalidali akong bumangon at pumunta sa kusina. Pag karating ko doon ay naamoy ko agad ang nilulutong hotdog. Naamoy ko rin ang mga pandesal at kape na nakahanda na sa mesa. Meron narin akong naririnig na mga matatandang naghuhuntahan at nagwawalis sa tapat.
Nanay: Enrique!! Gisingin mo na ang kuya mo! Kakain na!
Ako: Sige po (punta sa kwarto ni Kuya)
Ako:Kuya! Gising na! Kakain na daw! (sabay katok sa pinto)
Nanay:Kalabitin mo yung paa para magising
Ako:E di ba po may kaliti si kuya sa paa?
Nanay:Wala yan.
Ako:Sigi po (Kinalabit ang paa ni Kuya)
Nang magising si Kuya ay parang kabayong bigla nalang akong sinipa!
Ako:Aray!
Nanay:Yan napapala mo , kinaliti mo kase eh
Ako:Nay! Diba..(sabi mo ok lang?)
Di ko na naituloy ang gusto kong sabihin dahil sa umalis na silang dalawa at sa gulat ko na rin sa nangyari. Medyo na poker face pa nga ako sa mga nangyari. Biruin mo ganda ng gising ko eh! ..
Nang tapos na kaming gumayak ni Kuya ay umalis na kami kasama ang Tita Godyang ko (di tunay na pangalan) kasama ang anak nya, apat kong pinsan , lola , tito at ninang ko.At Habang naglalakad kami ay dumura ako sa daan
Ako:Pweee! (dumura)
Kuya:Ano ba! Kung nasa Maynila ka , mahuhuli ka!
Tito:Oo ,lalo na kung nasa Singapore ka!
Ninang:Dugyot!
Tita Godyang:Ikaw! Di mo ba alam ha! Di dumudura sa daanan
Mga Pinsan: Yaan nyo na, ganyan talaga yan , Dugyot!
Oo, aminado ako na mali nga yung ginawa ko. Kaya hinayaan ko nalang sila na pagsalitaan ako. Pero ang nakakalungkot ay bakit nung ako , lahat sila nagalit samatalang nung si Kuya eh wala ni isang kumibo.
Kuya:(nasa sasakyan) Pweee! (Dumura sa labas)
Ako:Kuya?!
Kuya:Oh? (tapon ng piraso ng papel)
Ako:(tumingin sa mga tito't tita ko , mga pinsan ko at sa ninang ko) ...
Diba yan naman talaga ang problema ng dalawa o higit pang magkakapatid, minsan kasi may "Favoritism" na nagaganap. Kaya nga yung iba diba nagrerebelde, dahil ang nasa isip nila ay walang nagmamahal sa kanila, na puro si ganito nalang. My Goodness! andami ng nagsusuicide sa mga ganyang incidents. At patuloy pang dumadami. Yung iba naman nagdrudrugs na. Yung iba napariwara na ang buhay.
(After 3 months ay exam nanamin)..
