Kabanata 1
**
Pano kung yung lalaking mahal na mahal mo ay niloko ka lang pala?
Nalaman mo na pinaglaruan at pinaikot ka?
Binigay mo naman ang lahat pero syempre maliban sa BATAAN mo *EHEM*.Ginawa ka lang panakip butas para ano? Makalimutan ang haliparot na ex nya?
Nasaktan ka ng sobra at higit sa lahat limang timba ang luhang naipon mo.
Ang tanong mo sa sarili mo ay kung nagkulang kaba o sadyang NAGPAKATANGA ka?
Pero iisang tanong lang ang siguradong gugulo sa isip mo.
Yun ay kung 'magmamahal at magtitiwala kapa ba?'
***"Im sorry Aieho. A-akala ko nakalimutan ko na sya, pero hin—"
*PAAAAK*"PERO HINDI PA PALA?! Naglolokohan ba tayo dito huh Jake?!"
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Mabuti nalang at nasa condo nya kami, walang makakarinig saamin.
"I-im really sorry, Aieho" nakayukong sabi nya
"So, on one year na magkasama tayo, yung haliparot parin na yun ang m-mahal mo?"
Unti unting bumibigay ang boses ko. Nanghihina na ako sa mga naririnig ko.
"B-bakit Jake? Ginawa mo kong tanga! MINAHAL KITA.. binigay ko l-lahat pero kulang pa b-ba?"
"Hindi ka nagkulang—"
"Jake.. mi-minahal mo ba a-ako"
Sa tanong na yan ay sobra akong nanghina. Natatakot din ako sa isasagot nya.
"Im s-sorry"
Agad akong tumakbo palabas ng condo nya.
Umiiyak ako sa loob ng elevator at pinagtitinginan, pero wala akong pakialam. Nang makalabas ako ng building ay malakas na ulan ang sumalubong sakin.
Natawa nalang ako. Dinadamayan ba ako ng ulan o iniinsulto tsk.Umuwi akong basang basa at namumugto ang mata. Di na rin ako kinausap ni Mama dahil alam nyang may problema ako nang mga oras na yun.
Sa loob ng halos dalawang buwan ay wala ako sa sarili. Lagi din akong umiiyak sa loob ng kwarto ko. Laking pasasalamat ko naman kay mama dahil sya ang laging nagco-comfort sakin.
"Hoy! Aieho bilisan mo na nga dyan! Malelate na tayo oh!"
Sigaw ni Mitch na nasa baba at hinihintay ako.
"Oo! Andyan na!"
Agad naman kaming nagpaalam kay mama.
"Mag-iingat kayo ha"
"Opo mama"
Sumakay na kami sa kotse na ibinigay sakin ni papa. May kotse din si Mitch pero gusto nya daw magtipid kaya nakikisabay nalang sakin minsan.
"Mag move-on kana Aieho. Tignan mo nga yang mata mo. Ngayon nalang ata kita nakitang di malala ang kalagayan nyan"
"Mahirap nga kasi Micth"
Napabuntong hininga nalang sya.
Kung alam mo lang Mitch king gaano kahirap mag move-on. Lalo na kung mahal na mahal mo ang taong nangloko sayo.***
Pagdating namin sa campus ay pumunta muna kami sa canteen."Ano sayo?"
Tanong sakin ni Mich
"Carbonara,burger,fries at tubig lang"
"Lang Aeiho?Tss.Ang dami kaya"
Saka sya tumalikod at nagsimulang maglakad papuntang cashier.
Nakita ko naman yung haliparot nyang ex sa kabilang table na nakangiti ng nakakaloko sakin.
Tangina mong haliparot ka. Malaki lang ng onti ang boobs mo sa boobs ko.
Saka ko sya tinarayan ng nbongga.
Di porket nagkabalikan na sila ay papayag akong api-apihin nalang ng babae nya noh! Tsk
TANDAAN:
MAGANDA KA AEIHO... AT PANGET ANG BABAENG MAY MALAKING BOOBS.
~