On My Way

158 6 3
                                    

Stomp.stomp.stomp.

Grrr, nakakainis. Hindi ko nabili yung favorite book ko :( Kulang pala pera ko. Maglalakad nalang muna ko pauwi simula ngayon para makaipon ako. Tama! Ganun nalang. Aja! 

Stomp.stomp.stomp. 

Teka? Bakit parang may kasabay ako maglakad? Tsk, baka parehas lang kami ng pupuntahan. 

Stomp. stomp. stomp. 

Okay? Simula sa bookstore hanggang ngayon sa park eh may sumusunod pa rin sakin, medyo malayo-layo na rin nalalakad ko. Creepy. 

Stomp. stomp. stomp. 

Lingon sa baba. Omg, lalaki. Isa siyang lalaki. Waaaaah! Baka rapist toh. Wag naman po sana T_T

Stomp.stomp.stomp

Kung kausapin ko na kaya? Tama! It's now or never. Teka, nasaan na ba yung mga armas ko? 

Stomp. stomp. stomp. 

Hoooo, nikakabahan na ko. Pepper spray? Check! Tinidor? Check! Toothpick? Check! Okay, all set. Get ready. 

Stomp.stom.stomp.

Di ko ata kaya, baka mapahiya pa ko. Ah ganto, pag sa village namin eh sinusundan pa rin ako nito, haharapin ko na siya. 

Stomp. stomp. stomp. 

Waaaaah. ETO NA! Inhale. Exhale. 

"Sinusundan mo ba ko? Hah? Hah?" sabay tutok ko sa kanya nung tinidor ko, nasa likod naman yung pepper spray ko. Luuuuh, parang ka-edad ko lang toh eh. Pero malay mo rapist toh, we can't say. 

"HOY MAGSALITA KA?!" tapos tinusok ko siya ng toothpich dun sa may pisngi niya. Nakatitig lang kasi eh, actually naka-shades siya tapos naka-earphones pa . Weird O.o 

"Ouch? What the hell is your problem?!" Uh-oh, mukhang galit si kuya. 

"IKAW PO. Kanina mo pa ko sinusundan eh?!" tapos tumingkayad ako upang tusukin ulit siya ng toothpick kaso nahawakan niya ako. At dahil nga nakatingkayad lang ako ay na-out-of balance ako. 

*BLINK.BLINK*

O___O Lubdub. Lubdub. YADA! 

"Ouch. Nakakadalawa ka na ah!" sabi niya sabay tayo at pagpag ng pantalon niya. Eeeh? estudyante din pala siya kagaya ko pero iba school niya eh. 

"Tse!" Napakasama ko >:) Natulak ko na nga siya't lahat eh, tinatarayan ko pa. Paano ba naman kasi super lapit nung mukha niya sakin kanina tapos napakalapit nung katawan namin. 

"Bakit mo kasi ako sinusundan? Siguro eh kikidnapin mo ko? O kaya naman hoholdapin? Sorry kuya pero wala akong pera. At kung may balak kang gawin sakin milagro eh humanda ka na, blackbelter ata toh." taas-noo kong sabi habang naka-porma na parang makikipag boxing. 

"Sa itsura kong 'toh? Paghihinalaan mo ako?" sabi niya sabay lapit sakin. Atomatiko naman akong napapikit at muntik ko pa siyang masampal. 

"Oops miss. Pngatlo na yan. Isa pang saktan mo ko, hahalikan kita diyan." tapos nag-chuckle siya. Natahimik naman ako. Bwisit. Pinilit ko nalang yung toothpick ko na nahulog, sayang kasi. Pagkatapos tinalikuran ko na siya pero bago yun inirapan ko muna. Kaso tinawanan lang ako. 

Stomp.stomp.stomp. 

"Bakit ba sunod ka ng sunod hah?! Stalker ba kita?"

"Eh bakit ang feeler mo? Dito rin ako nakatira noh, excuse me." Ouch :3. Amfeeler ko nga. Inirapan ko nalang siya ulit ako naglakad na. Grabe, nakakahiya naman tuloy ako. 

On My WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon