Destiny (One Shot)

408 15 2
                                    

<Ven>

"Ateeeee! Kain na daw sabi ni Mama!!" Ugh. Jen naman. Kahit kelan ang ingay. Parang biik na kinakatay.

"Sandali. 5 minutes! " May katext pa kasi ako eh. Istorbo. Hindi to basta basta. Naiintindihan niyo naman ako diba? Diba?!

'Psst. Wait muna, I'll eat my dinner na. Kain ka na rin.'

*send*

Ay? Teka. Yung dulo. Bigla akong nahiya. Cancel! Cancel! Err. But ofcourse, I can't do that. Pero teka ulit, M.U. naman kami kaya okay lang yun. Oo nga.

Tska... Bakit? He likes me too kaya nga M.U. kami. M.U. But the problem is.... Parang ibang iba kami sa text, iba rin kami in person. Ewan ko ba! Di ko maintindihan. Parang sobrang awkward sa personal. Gets niyo ba? Yung pag sa text, tawag o chat, okay na okay. Komportable tapos cool lang. Pero pag in person, awkward. Okay lang ba yun? I mean, nangyayari ba talaga yun o talaga abnormal lang kami. Ay.

Kahit gustong gusto naming kausapin ang isat isa... Lalo na ako. Parang umuurong yung dila ko pag kaharap ko siya eh... Tska-

*toot*

'Sure. I'll also eat mine. Pakabusog ka. Don't worry. Nothing will change kung tataba ka. Don't you ever forget that.'

Kinuha ko bigla yung unan tapos nagsisigaw dun. Nagpagulong gulong sa kama. Para lang maovercome yung kilig. See? See? Ang sweet.

Wait. Introduce ko muna sarilili ko.

My name is Vivien Ortega. 18. 2nd year college. Tourism.

Yung kanina is Patrick Gonzaga. Alam niyo na naman siguro kung sino siya sa buhay ko.

Pag baba ko, siyempre ngiting ngiti ako. Sinong hindi diba?

"Ui! Ngiting ngiti ka diyan! Katext mo na naman yung boypren mong si Patrick!" Sabi ni Mama. Habang tinutusok tusok yung tagiliran ako. She's my Mom, guys.

"Ma ano ba. Hindi pa sila. M. U. pa lang DAW. Pffftt! Di nga sila nagpapansinan sa personal eh! Okay lang yan Ate." Salamat ah? Ang bait ng kapatid ko.

"Ay grabe. Ma oh! Oh eh bakit kayo nung crush mo? Kelan ka ba niya pinansin? Pfffft..." Parang bigla akong nagsisi sa sinabi ko. Naging serious yung mukha ni Jenno. Nakakaoffend nga ata yung sinabi ko. Ih. Joke lang naman yun ih. Pero base sa mukha niya, mukhang nakakaoffend nga.

"Tama na nga yan mga lovelife niyo! Kumain na tayo! Ikaw Jenno! Bawal ka pa mag girlfriend, aral muna. Ate mo lang. Disi-otso na naman. Ikaw, dose ka pa lang."

"Ha? Bakit?" Aba aba! Aral muna Jenno.

"Kase bata ka pa. Tska pano magiging kayo? Eh parang hangin ka lang sakanya.Pfft." At nag walk out siya bigla. Oohh.

"Yan! Ikaw kase eh! Di na nga pwede magjowa.. Inasar mo pa! Tsk! Magsorry ka dun!" Sabi ni Mama at pinagtutulak ako. Nanay ko talaga yan.

Edi syempre dahil mabait akong Ate eh pinuntahan ko na agad siya. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya.

"Ui Jen. Sorry na ako. Nagbibiro lang naman si Ate eh. Bati na tayo."

"Okay lng Ate. Totoo naman eh. Hindi ko lang alam kung bakit di niya ako mapansin. Gwapo naman ako, mabait naman ako sakanya tapos okay naman grades ko. Aish!" Sabi niya habang nakahiga at nakatalikod padin sakin. Hinarap ko nga siya.

Napabuntong hininga nalang ako.

Umiiyak ba naman tong batang to dahil sa babae. Grade 7 palang eh. Nako Jen, wag magmadali.

"Ui Jenno Ortega! Wag ka nga umiyak dahil sa isang babae. Bata bata mo pa, dami mo pang makikilala. Madami ka pang makikita na higit sa kanya. Yung pinapahalagahan ka at yung may pake sayo. Grade 7 ka pa lang. Ang haba pa ng highschool sayo. May college ka pa. Ang haba pa ng journey mo. Ang dami pang mangyayari. Ako nga, hindi ko pa alam kung si Patrick na ba talaga. Kasi kahit 18 na ako at nasa tamang edad. Pwede pa rin naman yun mabago. Kasi hindi ko alam kung sino yung nakatadhana sakin. Pero sa ngayon, siyempre siya yung mahal ko. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kung di umasa na kaming dalawa talaga at siyempre, I'll also do my part. I'll be a good.... Good... Ka-MU. Hahaha! Girlfriend.. Soon." Ngumiti naman siya at niyakap ako. I hugged him back.

Destiny (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon