CYRIL'S POV
"Okay class since wala tayong lessons ngayon maglalaro tayo ng spin-the-bottle para hindi naman boring dito"
Lahat na ng kaklase ko ay nag simula ng mag form ng circle s gitna ng classroom. Si sir yung unang nag ikot ng bote. Huminto ito sa tapat ni Erik ang aking napakagwapo, napakabait at napakatalino lahat na siguro ng napaka nasa kanya na pati nga NAPAKAHANGIn, medyo mayabang kasi tong crush ko.
"Oh, Erik. Truth or Dare?" tanong ni sir.
"Truth" sabi niya.
"Sino crush mo dito sa classroom?" tanong ulit ni sir.
Lumingon sa akin si Erik at ngumiti na parang nkakaloko bigla akong kinabahan at mukhang may binabalak siyang masama. Kahit crush ko to malakas ako nitong pagtripan.
"Si Cyril po." sabi niya. Sabi ko na nga bang may masamang binabalak eh. Kainis naman oo.
Agad naman kaming tinukso ng aming kamagaral. Walng hiya tala itong lalaking ito may pa wink-wink pang nalalaman. Naiinis na ako pero hindi ko din mapigilang kiligin. Eh ikaw ba naman malaman mong crush ka ng crush mo.
Sinimulan na ni Erik ikutin ang bote, pag saakin to tumapat siguradong katapusan ko na. At......at......at... mukhang swineswerte ako at SA AKIN TUMAPAT.
"Truth or Dare" naman oo di ko alam isasagot ko >_____<
"Ummmm........Dare?"
"Yakapin mo ako within 30 seconds" sabi niya na abot tenga ang ngiti.
Lumingon ako kay sir para mag-object siya kasi masyadong PDA pero nag ka mali ako ng akala.
"Sige na Cyril pagbigyan mo na yang may crush sayo." tukso ni sir.
Kaya yinakap ko nalang si Erik at aba lumalabas ang pagkabakla nitong titser namin mas malakas apa ang sigaw kaysa sa ibang babae at over pang kiligin.
Binatukan ko naman si Erik dahil sa mga pinag gagawa niya.
" Sabi ko yakap wala akong sinabing batukan mo ako." sabi niya na nagpagpapcute pa. Shet naman wag ganyan pare natutunaw ako alam ko nang cute ka
"Eh gu-gusto k-o." paputol putol kong sabi.
"Ayiee nagLLQ na sila agad." tukso ulit ni sir.
Aish, kung di ko lang to teacher malamang nabatukan ko narin. Pero infairness kakakilig ah!
Pagkatapos ng laro nakarecieve ako ng text mula kay Erik.
Erik: Ui, labs ang cute mo pagpikon.
ERIK'S POV
"Pare totoo bang crush mo si Cyril?" tanong ng kaibigan ko.
"HAHAHAHAHA! pare naman alam mong siya lang napapagtripan ko. Hindi noh!" sagot ko na panrang may kaba sa boses.
Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Cyril.
To Cyril: Labs anong ginagawa mo?
From Cyril: Gumagawa ng assignment, bakit?"
To Cyril: Wala lang miss lang kita :) <3
Napa ngiti ako sa sinabi ko. Nang biglang magsalita kaibigan ko. "talaga lang pare ha?"
"Oo naman" at napakmot ako sa ulo.
KINABUKASAN. . .
Pinapunta ko si Cyril sa garden ng school namin. Gusto ko na sanang aminin na. . ERASE! ERASE! Hindi ko pwding aminin masasktan lang siya.
"Cyril, ba't ang tahimik mo ngayon" -ako
"Ah, wala" -siya
"Di mo ba nagustuhan ang binili ko? Ano ba gusto mo?" -ako
"Wala. ok na ito"-siya. Aba at puro wala ang sinasagot mapagtripan nga.
"Anong wala? wag mong sabihin nawawala kana sa sarili mo" Umarte pa ako na parang natatakot sa kanya.
"hahaha!" tawa niyang FAKE. "Erik may tanong ako sayo" dugtong niya.
"Anu yun?" Lumingon ako sa kanya at nag katinginan kami mata sa mata. Ang ganda talaga niya.
"Ay wala, wag nalang."
"Ano nga" pangungulit ko.
"Wala kalimutan mo nalang yung" aalis na sana siya kaya lang pinigilan ko siya, hinawakan ko ang kamay niya at napa-upo siya.
Tinitigan ko siya hanggang sa bumigay din siya.
"Simula kasi nang naglaro tayo ng spin-the-bottle labs na tawag mo saakin. Crush mo ba ako?" tanong niya habang tinititigan ang sapatos niya.
Nabigla ako sa tanong niya. gustong gusto kong sabihin na oo pero hindi pwdi. Tumawa ako ng malakas ung parang nakaka.insulto.
"Hahahaha! Ikaw crush ko? Asa!"
"So hindi? Mabuti naman kung ganun" sabi niya at tinignan ako.
Hinawakan ko ang tiyan ko at nagkukunwaring pipipigilan ang tawa. Shet naman mukha akong tanga at ang sakit ng ginagawa ko sa kanya.
"Hahahaha!I Ikaw? hahahah. Hindi no" sabi ko ulit.
Tumungo ulit siya at parang may binangit ngunit hindi ko narinig.
"Alam ko. wag kang magalala wala akong gusto sayo. Curious lang" sabi niya nag may ngiti. Grabe ang sakit naman ng sabi niya.
"Sige alis na ako at baka hinahanap na ako sa amin" dugtong pa niya.
Tumalikod siya at parang nakakita ako ng luhang tumulo. Hahawakan ko na sana siya kaso tumakbo siya.
Tumingin ako sa mga ulap at pinikit ang aking mga mata. "Cyril kung alam mo lang hindi lang kita crush kasi matagal na kitang mahal. Hindi ko to maamin kasi aalis na kami at sa Europe na kami titira hindi kita pwding iwan na alam mong mahal kita kasi alam kong maghihintay ka at di ko kayang maging akin ka kung alam ko rin naman na iiwan kita. Patawad Cyril di ko maamin sayo ang nararamdaman ko. Ngunit umaasa ako na balang araw masasabi ko rin sayo ang mga salitang 'MAHAL KITA CYRIL' "
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pilit kong pinipigilan dahil ito narin ang huling araw na makikita ko siya.