PROLOGUE
Napaka cliché ng mga story na kapag umiiyak yung bidang babae o kaya yung bidang lalaki ay biglang uulan na para bang nakikisama ang langit sa nararamdaman nila. Na parang umaayon ang panahon sa nararamdaman nila. Pero sa totoong buhay hindi naman ganun.
Tulad na lang ngayon. Naglalakad ako habang umiiyak at hinihiling na tulad sa nababasa ko sa libro at napapanood ko sa mga movies ay umuulan at hindi nakikita ng ibang tao na umiiyak ako. Na sana ay maikubli ng tubig na nagmumula sa kalangitan ang mga tubig na umaagos mula sa aking mga mata at maikubli rin yung sakit na nararamdaman ko kaso hindi eh. Hindi ganon yung nangyayari. Sa sobrang sakit na nga ng nararamdaman ko hindi ko na halos maisip kung makakaya ko pa bang magpatuloy. Na kung kaya ko pa bang harapin ang bukas. Ewan bahala na. Siguro nga ngayon iniisip na ng mga tao na nadadaanan ko na...
"may isang babae na nagngangalang Angela na parang tanga/baliw na umiiyak habang naglalakad sa isang park."
Sino ba naman kasing tao ang iiyak habang nasa park sila diba? Hello? park nga eh so ibig sabihin dapat masaya ka kasi palaruan yon. Shunga lang?.....
Umupo ako sa bakanteng swing na nakita ko nangangawit na kasi ako lumakad habang nagdadrama eh.
Pero wala akong pakialam kung ano mang isipin nila! Eh sa broken yung tao eh. Huhuhu! Edi gumaya sila inggit lang sila!....
"Bakit ba ang malas ko? Masama ba akong tao? Nagmahal lang naman ako ah pero bakit ganito kasakit? Deserve ko naman ang mahalin pero bakit ganun? Bakit??... Ipinakita at ipinaramdam ko naman sa kanya na mahal ko sya ah. Pero ba't di pa din naging sapat sa kanya yun. Huhuhuhu...".
Nagulat na lang ako ng may biglang magsalita sa tabi ko sa kabila ng pagdradrama ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita sya ng hindi man lang tumitingin sakin kaya kalahati lang ng mukha nya yung nakikita ko.
"Alam mo miss may kasabihan na hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya pero di pa rin sya lumilingon sakin. "Ibig sabihin ang masaktan ay parte ng pagmamahal. Siguro ngayon nasasaktan ka pero in God's Perfect Time maghihilom din yung sugat sa puso mo na iniwan ng taong nanakit sayo at hindi mo na rin mararamdaman yung lahat ng sakit."
Ba't ganun hindi ko naman sya kilala pero naniniwala agad ako sa mga sinasabi nya sa akin na para bang yung pinaparating nya ay "magtiwala ka lng sakin dahil magiging ayos din ang lahat." "Kaya wag ka nang umiyak. Isipin mo na lang na hindi lang ikaw at mas marami pang tao dyan sa paligid mo ang nasasaktan at higit pa ang sakit na nararamdaman kaysa sayo. Just continue your everyday life and prepare yourself on what's coming next. It's not the end of the world or rather your world. So stay positive and just focus on the reasons why are you still here in this world even though you're hurting too much that you'll think that it's the end."
Tumingin sya sakin pagkatapos nyang magsalita at saka ngumiti sabay abot ng isang navy blue na panyo. Inabot ko naman yun at kasabay ng pag-abot ko ng panyo nya ay sya namang tayo niya sa swing na inuupuan nya.
"See you when I see you Miss Angela." Yun lang ang huling sinabi nya at nakatulala lang akong pinagmamasdan sya na naglalakad na palayo. "Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa mga sinabi nya na nakapagpagaan ng loob ko. Hays.... At teka kilala nya ako??"..............
BINABASA MO ANG
A Journey to You
Teen FictionThis is her story. The story that will lead her to him. Can you join her to this journey in order to reach him? But the question is can she really reach him?? Or the so called destiny will not agree to her story....