"For Pete sake Charlie!" napatingin kami pareho sa paligid nang lumakas ang boses ni Lei, "He's twenty-five years old and you are just sixteen!" mahina niyang dagdag.
Sinabi ko kasi sa kanya na crush ko si Sir Scott, yung professor ko sa Chemistry at College Algebra na hot kaya heto ang reaction niya. Galit na galit. Kesyo daw pati ba naman teacher pinaginteresan ko.
Eh wala naman sigurong masama kung makipag sabayan ako sa mga first year na nagsisipagtilian din tuwing dumadaan sa harap nila si Sir.
Eh sa gwapo si sir e. Ang masculine niya, hindi tulad ni sir Ace pogi nga mukha namang paminta sa lamya at payat.
"Ano ka ba Lei! It's not like papatulan ako ni sir no, I'm just saying na crush ko siya at normal sa isang teenager ang magkaroon ng crush. Ewan ko nga sayo eh, may hormones ka ba talaga?" pang-aasar ko sa kanya.
Napairap siya. Pano wala na ngang boyfriend wala pang crush. Buti ako, kahit walang boyfriend 'di naman nawawalan ng crush.
"Hindi ko kailangan ng hormones." sagot niya.
"Ano ka plants? Eh yung animals nga may hormones tapos ikaw wala? Walang kilig, as in pag umiihi ka wala man lang tingling?"
"Ewan ko sayo Charlie! Hindi ko alam kung san ka pinaglihi ni tita Laura."
Patuloy ko siyang inasar nang magtilian yung mga babae dito sa cafeteria. Nang makita kung sino ang tinitilian nila ay nakitili rin ako.
"Charlie shut up! Nakakahiya ka." inis na saway sakin ni Lei.
Tinuro ko sa kanya yung lalaking naka jersey shirt na maroon na nasa pila.
"Siya si kuya Jasper, Lei. Yung sinasabi nilang goaler ng football team sa school. Yung fourth year na Computer Engineering."
Nag-iba ang aura niya. Salubong ang kilay niya ngayon habang nakaingin sa lalaking tinuro ko.
"Hindi siya pogi Cha. Malaki lang ang katawan niya at maputi pero di siya pogi." kontra niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala ba talaga siyang alam sa salitang pogi? Para niya na ring sinabihang pangit yung hollywood model na si Ryan Guzman. Kamukha kaya siya ni kuya Jasper.
"Whatever. Basta yung pinapaturo ko sayo ha, kailangan kong magpa impress kay sir Scott." nakangiti kong paalala sa kanya.
"Jusko converting Cha. For sure pinag-aralan niyo lang yun last year. Hindi ka lang talaga nakikinig." sermon niya.
Hinayaan ko lang siyang sermonan ako tungkol sa pinaggagawa ko nung highschool. Kumain lang ako habang iniisip si sir Scott.
**