Letters to Romeo

3 0 0
                                    

Para sa lalaking pinapalaya ko na,

Uy, hello! Kamusta ka na? Masaya ka na ba? Kayo.. Masaya ba? Balita ko, monthsary nyo na sa makalawa ah? Sana, mag tagal pa kayo..

Hah, parang kailan lang, tayo yung araw araw na nagkakamustahan.. Tayo yung masaya.. Tayo yung nagma-monthsary. Pero ngayon? Iba na eh, ibang iba na. Kasi, wala na tayo...

Kapag minamahal mo raw ang isang tao, hindi kasiguraduhan na mamahalin ka rin nila pabalik, gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo.

Truth hurts talaga, oo. Isang malaking sampal yan sakin. Lagi nyang ipinaalala na may realidad akong dapat balikan, pagkalabas ko sa mundo ng pantasya. Perks of being a Writer. Buti nalang talaga passion ko din ang pagsusulat. Para kahit papaano, nakakaalis ako ng panandalian sa realidad, dahil nakakagawa ako ng sarili kong mundo sa pagsusulat. Yung kahit sobrang cliché na mga plot na; pag mahal ni girl si boy, di maglalaon, mamahalin na rin ni boy si girl sa huli, at tadaa, sila rin sa huli. Buti dun, nakakagawa ako ng mga sarili kong tauhan, at kahit dun nararanasan kong sumaya.

Oh well, towel. Hindi ko to sinulat para isa-isahin ang Perks of being a Writer. Andito ako para magdrama. Haha.

May mga tao lang talagang hindi talaga para sa atin, kahit na anong pilit man nating mapa-saatin. Lumaban ako, kahit alam kong dehado ako. Kasi naman, tadhana na ang kalaban ko eh. Kakayanin ko ba? Natural, hindi. Tadhana yan eh. Sino ba ako.. Isang tangang patuloy na naniniwala sa hiwaga ng pag-ibig. (Sorry medyo bitter)

Yung moments na bibigyan mo na sya ng one last hug. Ang sakit, sobrang sakit. Ipagpalagay natin sa mga stories.., kapag mga ganyang scenes nako-kornihan kayo, aminin. Kahit ako noon sobrang naa-asiwa ako sa mga ganyan, ang korni korni, tae. But little did I know, I myself would experience that, too. And I guarantee you guys, kapag naranasan or dumating man kayo sa puntong ganun, makakalimutan nyong super korni nun dahil mangingibabaw na yung sakit. Wala eh, ganun talaga.. Yinakap kita noon for the last time, kahit ang gusto ko naman talaga eh kumapit nalang kahit panghabangbuhay. Pero kailangan ko talagang tanggapin na lahat ng bagay, may hangganan. Kahit sa laro, may game over. Parang tayo, hanggang ditto nalang.

Dati rati kapag binibigkas ko yung pangalan mo, awtomatikong may ngiting gumuguhit na sa mga labi ko. Bawat sambit ko sa pangalan mo, lagging may kilig vibes na kadugtong yun. Lantud lang, hehe. Dati kung ipangalandakan ko sa iba noon sa lahat, na akin ka.. Akin ka lang.. Ang sarap kasi sa feeling. Nganga nalang yung mga babaeng nagkakandarapa sayo kasi andito na ako. Pero ngayon? Hindi ko manlang magawang ngumiti at sabihin ang pangalan mo ng sabay.

As much as I love you, I have to bid goodbye. Kasi, alam ko, na mas sasaya ka kung pakakawalan na kita.

Sorry, kung napaiyak man kita. I'm so sorry. I'm very sorry if tears fell from your eyes. Your eyes, yang mga singkit mong mata na deserve na maningkit pa, dahil sa kaka-ngiti, sa sobrang saya. Pero lagi mong tatandaan, sa bawat luha na pumapatak sa mga mata mo, at sa sakit na nararamdaman mo, parang kage bunshin technique yung balik sakin, times two times two.

Missing you isn't the hardest part. Knowing I once had you, is what breaks my heart. Dahil alam ko, na yung 'once' nay un, ay hindi na mauulit pa.

I'll never forget the times we once shared.. And I'll always remember the times you once cared. Yung mga typical moments ng mga mag boyfriend/girlfriend.. Minsan, I mean kadalasan nagiging extra-ordinary pag tayo yung gumagawa.

Gaya ng paghahatiran portion.. Naalala ko pa nung ihahatid mo ako sa canteen, prenteng prente ka pang ihatid ako nun. Tas pagka-alam alam ko, nung kaharap mo na yung Guidance Counselor, nag cutting ka pa pala, maihatid lang ako... Yung pag aantay mo sakin sa labas ng room tuwing uwian, nagko-cause pa ng commotion dahil sa walang humpay na asaran... Lalong lalo na pag sinumpong tayo ng katamaran. Pag andyan na yung boring na teachers sa Chemistry at Algebra, sabay ba tayong mag o-over the bakod makatakas lang para magliwaliw.

Ang bad influence much natin. Haha sorry naman, ganyan kami magmahalan noon...

Pati kung paano ka mag-care noon. Inaalaska ka tuloy ng mga monggoloid mong katropa, hehe biro lang. Paano naman kasi, ultimo basang basang likod ko after P.E., pamalit ko ng damit, inaalala mo pa. Hiyang hiya ako sa fans club mong mga die hard na may shoot to kill order na ko dahil nagmumukha ka ng baby sitter ko. Hahaha.

Pero ngayon, ngayong tapos na ang lahat. Lahat, as in lahat, at pag sinabi kong 'lahat', included 'tayo'. Now it's over,.. We're over. Oras na siguro para mag-move on. (Malamang >___<)

Hindi madaling makita ka na tumatalikod na, pero kailangan kong tanggapin ang sakit.

Ang pwede ko nalang gawin ngayon ay umiyak, umiyak all you want, crying spree every day. Kasi alam ko, na hindi na katulad ng dati ang lahat.

Alam kong sa pagtatapos natin, lalo pa tayong paglalayuin ng word na distansya. Distansya, gaano man kalayo, hinding hindi nun mababago yung mga nararamdaman ko para sayo.

Kahit talikuran mo man ako sa muli nating pagkikita, iintindihin ko.

Isang araw, kakayanin rin kitang tingnan ng mata sa mata. Nang hindi nakikita sa iyong mga mata ang mga dating pagluha, na hindi mo na rin nararamdaman yung mga sakit na naidulot ko sayo.

I hope in time, everything will be alright if we'll see each other, once again.

Happiness? Masyado na atang malayo iyon para sa ating dalawa. Pero kung maging malapit man, alam kong magiging mahirap rin para sa atin na marating iyon.

Pwede ko ba 'tong sabihin ulit sayo? Ngayon na lang. Last ko na 'to, promise..

Oy Mahal, maraaaaaming salamat!! Sobrang salamat. Super thankful ako kay God, dahil dumating ka sa buhay ko. Ano ba yan shet naiiyak nanaman ako. Basta super salamat sa lahat lahat. Salamat sa pagmamahal mo, sa paguunawa sakin.. Napaka-thankful ko dahil nagging parte ka ng buhay ko. Hanggang ditto nalang mahal ko, mahal na mahal pa rin kita. Hanggang sa muli, paalam!

Nagmamahal, ang babaeng sobrang mahal ka na pinapalaya ka na..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon