Introduction

201 4 1
                                    

"Hayyy!Nakakapagod talaga mag-shopping.Jusko!" Sabi ko habang nakasakay sa escalator at may hawak-hawak na mga paper bags.Bumili kasi ako ng mga damit ko.Paulit-ulit ko na kasing sinusuot yung iba kong mga damit.Nakakahiya sa mga fans ko.Atsaka nakakahiya kaya yung Paulit-ulit.KAGAYA NG EX MO,PAULIT-ULIT MONG INIISIP,EH SIYA?INIISIP KA BA?


Jusko!Pagkatapos ko lang talagang kumain si Greenwhich talagang uuwi na ako.Paano ba naman kasi?Puro mag-jowa at mga may mag-lovelife lang ang mga nakakasalubong ko sa bawat lugar na pinupuntahan ko.Kagaya kanina,muntik na akong mapaaway sa isang syota DAW ng anak ng Mayor.Kumakain kasi sila ng Ice Cream sa Ice Cream Parlor kanina.Nagsusubuan pa ng Ice Cream ang mga loko.Nakakaimbyerna!Sa sobrang asar ko,bumulong ako na sana mahulog yung Ice Cream niya.Ayun!Nagalit!Buti na lang at palaban ako.


Ang sakit sa mata ng mga views and sceneries dito!Mga mag-boyfriend and girlfriend na nag-lalambingan sa kaliwa,sa kanan,sa harapan sa likod at sa lahat ng panig ng mall na ito!Sus!Maghihiwalay rin kayo sa Mamayang alas-dos ng hapon dahil mahuhuli mo si boy na may kasamang ibang sisiw.Mag-break sana kayo ngayon na!


At eto pa.............ngayong nandito na ako sa 4th Floor,mas rumami pa ang mga loko.May mga nagda-date sa iba't-ibang fastfood and Restaurants!Walanghiya!Sapak ba want niyo?Mga hinayupak kayo ah!Nako talaga!


"Matusok sana kayo ng Barbeque stick!" Sigaw ko sa mag-jowang kumakain sa loob ng Mang Inasal.Sinamaan naman ako ng tingin nung babae at akmang susugod na sana nang bigla siyang pigilan ng boyfriend niya.Mag-away sana kayo!


"Mabuhusan sana kayo ng Gravy!" Sigaw ko sa mag-jowang kumakain sa KFC.Paano ba naman kasi?Nagsusubuan pa ng chicken habang magka-holding hands.MATAPYAS SANA YANG MGA KAMAY NIYO!


"Mahulog sana kayo sa ilog!" Sigaw ko sa mag-syotant nagda-date habang magkahawak ang kamay sa Riverside.Nako!If I know low class lang si Boy kaya niya dyan dinala si Girl.Makain sana kayo ng crocodile.Ayy!Wag naman sana!Kasi si Girl,butiki.Si Boy naman,alligator.Reptiles silang tatlo.


Napairap na lang ako at naglakad na papuntang Greenwhich.Sana naman walang mga hayup na nagda-date sa favorite restaurant ko kundi ako na talaga mismo ang magpapasara ng Mall na to!Kasi naman mga hija,Marso na ngayon oh!Tapos may mga karatula pang nakalagay na HAPPY HEARTS DAY! Kakainis!


Pagkarating ko sa Greenwhich,nagulat ako sa nakita ko.


O_o


Arghhhh!Kahit saan ba ng pupuntahan ko may mag-syotang nagda-date at naglalambingan?!Paano ba naman kasi?!May mag-jowang nagsusubuan ng Carbonara at Pizza.Haist!


Sa sobrang inis ko ay pumasok ako sa loob at sinigawan sila


"Mabulunan sana kayo!Tandaan niyo,hindi kayo magtatagal!Maghihiwakay rin kayo mamayang ala-una!" Sigaw ko at padabog na lumabas ng restaurant.


Ako si Alexandria Demetria Sy o mas kilala sa tawag na "Reyna ng Mga Bitter" at ito ang storya ng buhay ko


________

THANKS A LOT TO ATE shayeu for the Book cover <3

Reyna ng Mga Bitter [Bitter ka rin ba kagaya niya?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon