Pangako

4 0 0
                                    

Pano kapag nainlove ka sa taong may binitawang matatamis na salita? o sa madaling salita ay mga pangako.

tatanggapin mo parin ba siya? o bibitaw kana sa kanya?

ako si Louelle John Laput, ang taong umasa at pinaasa.

ang taong naging tanga sa isang pangako?

JohnPOV

Unang araw ng pasukan ngayon kaya wala pa masyadong pumapasok na guro.

naisipan ng mga kaibigan ko na tumambay nalang sa labas para magpahangin.

habang nag uusap kami eh may dumaan ng isang grupo ng mga babae.
pero may nahagip ang mata ko.

Isang magandang dilag.
napaka simple lang niya, kahit may samalin siya mapapansin mo parin ang kagandahan ng mga mata niya, ang mapupula niyang labi.
Siguro tinamaan ako ng sinasabi nilang love at first sight.

Nagdaan ang mga araw, palagi akong tumatambay sa corridor namin baka sakaling dumaan siya ulit.
Pero nagkamali ako kasi di ko na siya nakita.

Lumipas ang mga araw,linggo at buwan ay sinabi ko sa sarili kong baka hindi talaga kami para sa isa't isa.

Naglalakad ako papunta sa mga boys scout dahil ako ang nag hahandle sa kanila.

Pero habang naglalakad ako ay nakita ko ulit ang babaeng matagal ko nang hinahanap.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Tinamaan na nga siguro ako sa kanya.

Nag-uusap sila ng Alumna sa scout.

Pagkatapos nilang mag usap ay umalis na yung babae kaya nilapitan ko si jules at tinanong siya kung kaano-ano niya yung babae.

"ah siya? scout yun! gusto ko nga yun eh kasi ang bait" pagkasabi niyang scout yung babae eh nabuhayan ako ng loob "baka may pag asa pa" sabi ko sa sarili ko.
Hiningi ko ang number at pangalan nung babae sakanya.

"Uuy bakit? gusto mo no? wee" pang aasar naman ni jules.

"a-ah e-eh h-hindi noh! m-may camp kasi bukas baka gusto niyang sumali!" pagdedepensa ko.

"okay2 easy haha" psh -.-

Nung nakuha ko na yung number niya sinave ko agad sa phone ko, thea pala ang name niya, bagay sa kanya kasi katulad silang maganda.

Tinext ko agad si thea pero sa pormal na pamamaraan.

"hi thea, ako nga pala si louelle john laput ang Unit President ng boys scout :)" send! at di nagtagal nag reply agad siya

"Ow hi UP! ano pong kailangan mo?"

"sasali kaba ng camping? kung sasali ka ito ang mga dadalhin, sumali kanalang kasi bonding narin to sa mga scouts" pagdadahilan ko para sumali siya.

"Ahmm sige po susubukan ko hehe" yes! may chance nako!

At dumating ang araw ng camp at nandun nga siya! pero nahihiya parin akong pansinin siya.

"hi UP!" sigaw niya na ikinabigla ko.

"a-ahmm hello thea!" sabay smile ko sa kanya.

Di nag tagal ay nag simula na ang camping
Naisipan ng mga kasamahan ko na maglaro para daw malibang ang ibang tao.
Habang busy ang ibang tao ay nag hanap ako ng tsyempo para kausapin si thea

Hinila ko si thea at dinala sa walang taong lugar.

"Ahmm thea may gusto sana akong sabihin sayo." panimula ko kahit sobrang kaba ko na.

"Thea, gusto kita, gustong gusto kita simula palang nung nakita kita sa may corridor sinabi ko sa sarili ko na hahanapin kita at di ako nabigo at nakita kita, di ako aasang magugustuhan mo rin ako pero hayaan mo akong bantayan ka, iingatan kita thea pangako ko sayo yan" inamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

Napangiti lang siya sa sinabi ko at umalis.

Di ko alam kung may pag-asa ba ako dun. tsk

Bumalik nalang ako sa camp.

habang naglalaro ay may napiling kakaibang laro ang kasamahan namin.

"Ang larong ito ay, pipili kayo ng letra at sasabihin niyo ang pangalan ng taong gusto niyo sa pamamagitan ng letrang mapili nyo." sabi niya na at tumingin sakin. hala "Pero bago ang lahat, simulan natin sa UP ng scout, give him around of applause!"

tsk mukhang napagtripan pa ako.
Nakasimangot kong kinuha yung letrang D.

"hoo excited nko! bakit letrang D ang pinili mo Mr.UP?"

"D for Dorothea" pagkasabi ko nun ay napuno ng sigawan ang stage.
"kyaaaaah! kinikilig akoo!"
"ayiee umiibig si mr.UP!" at iba pang mga sigawan.

Sinulyapan ko si thea at nakita kong namula siya.

Pagkatapos ng camp namin ay kanya-kanya na kami sa pag uwi.

Dumaan ang mga araw at buwan ay maayos naman ang pagkakaibigan (pagkaka-ibigan) haha sira na ata ako.

Pero dumating ang araw na naging cold nayung samahan namin.
Di na masyado kaming nag sasama.
Madalas ko siyang nakikita na may kausap at kasabay na ibang lalaki kaya di ko maiwasang masaktan.

Tuwing pinapansin ko siya ay di niya ko pinapansin.

Di ko alam ang gagawin ko kaya kahit minor de edad pa ako ay sinubukan ko paring uminom. Baka mawala ang sakit dito sa puso ko.

Umiinom ako ng biglang may tumawag, kasamahan ko sa scout.
"John! si thea! naholdap!" Pagkarinig ko nun ay dali-dali akong tumakbo pabalik ng school.

Hintayin moko thea! please!
Di ko maiwasang maiyak habang iniisip ang pagsasamahan naming dalawa.

Nakita ko agad si thea sa taas ng building kaya dun ako tumakbo.

"Thea!" sigaw ko habang umiiyak.

"John! please! wag kanang maki-alam dito! please baka madamay ka!" umiiyak na sigaw ni thea, hindi! hindi ko siya pwedeng iwan!

"Thea please! Papakasalan pa kita diba?! hihintayin pa kita sa harap ng altar! Tutulungan pa kita sa paglilihi mo diba?! hihintayin pa natin ang first baby natin! kaya please wag kang sumuko!" umiiyak parin ako.

"John please umalis kana!" Tinutukan ako ng baril nung lalake at pinaputukan ako.
Napapikit nlng ako dahil alam kong dito na ang huli.
Pero wala akong naramdamang sakit pero pagdilat ko.

"THEAAAA!" Niyakap ko ang duguang katawan ni thea.

"J-joh-hn, g-gina-wa k-ko l-lang a-ng dap-at k-kong gaw-win, m-mahal k-kita j-john, m-mahal na mahal." at pumikit siya. Hinde.

"Thea! wag ka namang sumuko oh! please lumaban ka! wag kang pumikit! please para saakin mabuhay ka! please lang thea! magsasama pa tayo diba?! kaya please lumaban ka!" Humahagulhol narin ako habang naaalala ang nga sinasabi niya noon.

"Tapusin natin ang pag-aaral natin ha? pangako! sayo lang ako."

"Alam mo john? diko na mahintay ang araw na maglalakad ako papunta sayo na naghihintay sa altar!"

"Magkakababy tayo ng kambal john ha?! hehe"

Thea? lahat nalang ba ng to ay hanggang pangako mo lang?

Nahuli nila ang lalaki pero naging mabilis ang pangyayari.

Nakatakas siya at nagpaputok.

Isa lang ang alam ko, nakahandusay na ako sa sahig habang duguan.
Hinawakan ko ang kamay ni thea at sinabing, "Magkikita pa tayo thea, pangako"

--end--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon