Gwylie's POV
LEE UNIVERSITY. Basa ko sa nakalagay sa harapan ng bagong school na papasukan ko.
Pangalan pa lang ng school halatang pangmayaman na, pano pa kaya yung mga nag-aaral dito.
Siguradong mayayaman din lang ang nakakapasok dito. Well mayaman din naman kami, may-ari kami ng kilalang clothing line sa buong Pilipinas at may isa na kaming brand sa Singapore kaya nakapasok ako dito.Grabe naman ngayong first day of school. Ang daming nagkalat na estudyante.
Ang hirap pa namang maghanap ng section, lalo na at transferee lang ako dito.Ang laki pa naman din nitong L.U. baka maligaw pa ko. Hmp.
Makapunta na nga sa registrar office, para malaman ko na kung ano kong section.
Ako nga pala si Gwylie Mourres. 19 yrs old. Third year college sa kursong Fashion Designer. I love fashion kaya yan kinuha kong course. Saka bagay yun sa business namin na clothing line.
Hays sa wakas, nalaman ko rin yung section ko. Sa room 130, section A. Mahanap na nga kung nasan yung section ko.
"Best!!! Gwylie!! Wait lang.!"
Parang may familiar na tumatawag sakin. Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses na yon. Then sa likod ko pala. Omg its my bestfriend.
"Oh, Cenelle!? Dito ka rin mag-aaral!?"
Sya nga pala ang aking bestfriend since highschool. Palagi ko syang kasama noon.
Kaya lang lumipat na kami dito sa Philippines kaya nagkahiwalay na kami.
Galing kasi ako sa America at siya ang nag-iisang pinay friend ko. Well, may lahi naman sya. Pero mas nangingibabaw pagiging pinay nya.
Parang ako lang, sa America nga ako lumaki pero mas feel ko magtagalog kasi nga puro pinay din mga kasama ko sa bahay.
Si mom mahilig magtagalog kapag nasa bahay lang kaya nasanay nako. Pati mga maid namin tagalog rin magsalita kaya mas feel ko magtagalog kaysa english.
Her name is Cenelle Carson. 19 yrs old too.
"Oo, ayaw mo ba best?"
"Syempre gusto ko. Ano ka ba?"
I hug her quickly sa sobrang saya ko. Namiss ko rin sya. Atleast may friend nako dito at hindi na ako loner."At saka namiss kita best! Ilang months din tayong di nagkita." I answered. Niyakap niya rin ako.
"I miss you too best. Grabe ka ha hindi ka man lang nagsabi na aalis ka na pala, nakakatampo tuloy"kunwaring nagtatampong sabi niya.
Natawa ko. Kumalas na kami sa yakapan namin.
"Wag ka nang magtampo best. Sige, mamaya kukwento ko kung bakit kami biglaang umalis. Ok na ba yun sayo?" sabi ko sa kanya.
"Ok, basta lahat ha. Hehe" she answered.
"Oo na. Pero samahan mo muna kong maghanap ng room and section para malaman ko kung san ako papasok. Teka lang best, ano kinuha mong course?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti muna siya bago sumagot.
"Fashion Designer." sagot niya. Nagulat ako kasi pareho kami ng course. Well, actually gusto na namin talaga ang fashion matagal na. Kaya nga kami magkasundo palagi.
"Omg best! Pareho tayo! Ano section mo?" excited na sabi ko.
"Section B room 131. Ikaw ba best, ano?" tanong niya.
"Section A room 130. Nakakasad naman hindi tayo magkablockmate. Pero okay na rin yon. Hindi na tayo mahihirapan maghanapan diba kasi magkatabi lang tayo ng room"
I said. Sayang akala ko pa naman magkaklase na kami."Oo nga. Tara nang maghanap." she said. Nagsimula na kaming maglakad-lakad sa hallway.
Mabilis naming nahanap kung nasaan yung room namin. Malapit lang siya sa Music room kaya di na kami maliligaw.
Nilibot muna namin yung buong campus. Grabe naman sa laki nitong campus na to, nakakapagod libutin saka ang laki ng gym at open field nila.
May escelator pa yung ibang building nila dito saka ang luwang ng cafeteria nila at naka aircon pa yun ha, sosyal.
Matapos naming libutin yung buong campus. Nandito kami ngayon sa cafeteria, nagmemerienda. Nakakapagod libutin tong buong campus.
"Oy best, kwento mo na dali." excited na sabi niya. Natawa ko sa itsura niya halata kasing excited syang malaman.
"Okay, okay. Ganito kasi yon.. " I inhaled deeply before I speak.
"Sinabi kasi ng parents ko na pupunta na raw kami ng pilipinas at dun na kami titira. Nung una nagreklamo ako pero wala rin namang nagagawa pagrereklamo ko kasi nakapagdesisyon na sila. Nireklamo ko pa na paano na yung mga friends ko dito saka ikaw maiiwan kitang bestfriend ko. Tinanong ko kung saan kami titira sa pilipinas, sinabi ni Mom na dito na daw sa Manila at dito na rin ako pag aaralin. Andito kasi talaga yung company namin kaya dito na kami titira sabi ni dad. Diba nga si dad once a week lang kung umuwi dun at kung minsan nga hindi. Kasi busy sya sa company namin. Kaya para hindi na pauwi-uwi si dad sa America dito na kami titira sa Manila. End of story. Namimiss ko na nga yung ibang friends ko dun eh. Ikaw naman bakit andito ka sa Pilipinas? Dito ka na rin ba titira?"tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Oo. Kaya lang ako lang ang pumunta dito. Yung parents ko naiwan don sa America saka sa tita ko muna ako nakikituloy ngayon hanggang di pa ko nakakayari sa pag-aaral." sagot niya. Napatango naman ako sa sinabi niya.
3:00 pm na pala di ko napansin yung oras. Masyadong napasarap yung pagkukwentuhan namin.
After naming mag-usap ng bestfriend ko. Nauna na siyang umalis dahil may gagawin pa daw siya sa kanila.
Buti na lang pag first day dito kapag nahanap mo na section mo pwede ka nang gumala, di tulad sa ibang school na may klase kaagad first day pa lang.
Habang naglalakad ako sa hallway na may hawak na iced tea, biglang tumunog ang phone ko.
Tinignan ko muna kung sino yung caller at dahil di ako nakatingin sa daan may nakabangga akong matigas na bagay at natapon doon ang iced tea ko.
Napaupo ako sa lakas ng pagtama ko, pag-angat ko nang tingin ko, isang lalaki pala nakabangga ko.
Napalunok ako sa sobrang sama ng tingin niya sakin, natapunan ko pala siya ng iced tea ko.
Lagot...
-------
BINABASA MO ANG
A Gangster's Slave
FanfictionWhat will you do if the Gangster ask you to be his slave?