One shot story
U N K N O W N . N U M B E R ♥
Jessa's Point of View
"Eh girl, hanggang kaylan mo ba kasi ititigil yang pagnanasa mo kay Jude ha ? Ako naaawa sakanya eh, hanggang sa pagtulog yata hinahalay mo sya."
"Shattap ka na nga lang dyan at baka may makarinig pa sayo, walang basagan ng trip Ailah." Sabi ko sa bestfriend kong si Ailah at nagpatuloy na mag retouch at nagsuklay. Aba mahirap na at baka pakalat kalat ako sa campus na haggard at makita ako bigla ni Jude, dyahe yun.
Nandito kami sa CR, lumayo ako ng konti sa salamin para makita ko ang sarili ko ng whole body. Maporma? Not really. Simple lang ako. Im wearing Skinny jeans and 3/4 shirt na may design na mustache at nakaheels at shades. Well may pagka long-legged kasi ako kaya bumagay. Nasa nagdadala lang yan no.
Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na kami.
"Ouch!" Pagtingin ko, OMG! Akala ko sa stories and telenovelas lang to nagaganap, nabangga ko lang naman si Jude! At the heck! Pareho kami ng outfit! Speaking of tadhana?!
"Tss." He just rolled his eyes then go.
"Ahh Jude, I'm sorry!" Sigaw ko pero tuloy tuloy lang syang naglakad. Haaaaay.
"Oh girl, cheer up! Kakaretouch mo lang oh! Pumapangit ka agad!" Ngumiti lang ako ng peke sakanya.
Dismissal na pero nakatambay pa rin ako dito sa campus. Haay nadedepress ako. Ayoko pa umuwi, sa boring lalo ko lang maaalala yung pagsusungit ni Jude kanina, maiiyak na naman ako. Ang emo emo ko palagi, di pa ko nasanay sa kasungitan nya.
"Jessa!" Napalingon ako sa tumawag sakin, si Jaseth. At kasama nya si Jude! Yung kaemohan ko kanina eh biglang napalitan ng kalandian! OMG, NASABI KO NA BANG ANG GWAPO NYA?
"Uy!"
"A-ano?Ba-bakit?" SHET! KINAKABAHAN AKO! Si Jude as usual, nakapoker face na naman. Lagi naman yan nakabusangot.
"Ah, kasi pwede humingi ng favor?"
"Ha? Ano yun?" Nakakapag taka naman, he don't usually ask me for a favor pero dahil nandito si Jude syempre mabait tayo ghorl!
"Patext naman si Jude oh." Agad akong napatingin kay Jude na biglang tumingin kay Jaseth, nilakihan nya ng mata, tinignan ng masama, naningkit ang mata, umirap, at tumingin sa ibang direksyon. May sariling bibig na nagsasalita yung mga mata nya. Medyo nakakatakot but I still find it cute. Oo dinescribe ko lang naman yung expression nya, ganon ako kafocus sakanya!
"Ah, si-sige." Para akong nahypnotized na binigay ang phone ko kay Jaseth na nakangiting inabot naman nya sa nakabusangot na si Jude.
Nakatulala lang akong pinagmamasdan sya. Shet ang gwapo nya talaga! Ang cute nya pa rin kahit parang napilitan nga lang syang abutin yung phone ko.
Nakatitig pa rin ako sakanya nang mapansin kong biglang nanlaki yung mata nya at bahagyang namula. Di ko na napansin kasi tumingin sya sa ibang direksyon habang inabot nya pabalik sakin yung phone ko.
Naguguluhan akong kinuha yun at tinignan kung ano bang proble--AYY ANAK KA NG NANAY MONG MAGANDA KAYA SAKANYA KA NAGMANA KASO NGA LANG SHUNGA KA! ANG TANGA TANGA KO! Agad kong pinunta sa message since di ko na pwedeng palitan yung WALLPAPER KO! YES! SYA ANG WALLPAPER KO MGA KABABAYAN!
"Eto na." Nahihiya kong binigay sakanya. Halos mangatal ako sa kahihiyan! Pwede ba lupa kainin mo na ako! Di ko kinakaya yung kahihiyan!!!
After a few minutes binalik na nya sakin yung phone ko. Di ako makatingin sakanya! Nakakahiya ka talaga Jessa!!
BINABASA MO ANG
Unknown Number [One Shot]
Teen FictionTechnique ba para makuha ang number ng crush mo ? Read their story :)