Prologue

49 1 3
                                    

It was a rainy day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It was a rainy day. Medyo malakas ang ihip ng hangin sa labas kaya napahigpit lalo ang hawak ko sa jacket ko. Maagang natapos ang klase dahil sa pagsuspende nito.

What a weather to celebrate this day.

I sighed and packed my things. Rinig na rinig ang malalakas na kidlat sa labas.

Ang tagal ni Leo, uuwi na 'ko.

Biglang namatay ang mga ilaw na nagpatigil sakin. Unti-unti ding humina ang aircon. Hindi naman madilim dahil medyo maliwanag pa sa labas pero ganon na ba kalakas ang ulan para mapa-shut nito ang power ng university?

Ipinasok ko ang huling notebook ko sa bag. Nagmamadali na din ako dahil kanina pa nagte-text sakin si Mama. Mas mahirap sumakay ngayon panigurado dahil sa bagyo na 'to. Dapat kasi hindi na lang ako pumayag sa libre ni Leo eh.

"Chrizzel!"

I finally heard his voice. Kahit nakatalikod ako ay nakikilala ko sya. Napa-irap na lang ako kahit alam kong hindi nya 'yon nakikita.

"Well, Leo. uuwi na 'ko. Thank you na lang s–"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang may humampas sa mga kurtina. Sa gitna ng ingay ng bagyo ay rinig pa din ang pagkabasag ng mga bintana. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga bagay na ito na nagpaatras sakin.

A-APOY!

Fire balls.. Mabilis na kumalat ng apoy na dala ng mga ito sa kurtina. At sa kasunod pang kurtina. At sa kasunod pa. Lumaki na ang sakop nito. Lumakas lalo ang hangin sa labas na umapekto sa mga apoy na 'yon. Nagsisimula na 'kong manginig.

"Ah shit," napahawak ako bigla sa bandang bewang ko. Pakiramdam ko pinapaso ito. Sinubukan kong tignan ngunit nakaramdam ako ng biglaang panghihina. Para akong mahihimatay.

Narinig ko ang mga nagmamadaling yapak ni Leo papunta sakin. Bigla na lang nawala ang lakas ng mga binti ko at nawalan ng balanse.

Hindi ko na nagawang tumugon pa nang tawagin nya ang pangalan ko. Buti na lang nasalo ako ni Leo bago pa 'ko bumagsak. He was catching his breath too. Napahawak ako sa braso nya sa sobrang panghihina.

Ngunit natigilan ako, "L-leo..?"

Bago ako tuluyang kainin ng liwanag ay nakita kong nag-iba ang kulay ng mga mata nya.. Hindi ko alam na sa pag-dilat kong muli ng mga mata ko ay iba nang buhay ang madadatnan ko.

---

          This book's plot was actually planned already almost 4 years ago, 2015. Together with my gorgeous friend , I miss her so much. Names and abilities of the characters were her ideas. The story was inspired by EXO's Mama and their elemental powers. We were both cuties exo-l back then. Today, we're already college and busy. I'm just hoping to write this and give this story a chance. I am not promising to have a constant update but let's see :) See you on chapter 1.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Six Thrones: The Powerful InnocentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon