Starts in a Notebook (ONE SHOT)

281 4 3
                                    

Lina P.O.V

-Very Short Self Introduction-

Ako si Lina 17 years old gragraduate na ng highschool.

-Beginning of the story-

"Lina pabigay nito kay Mam Lee nasa canteen sya ngayon. Di ba pupuntang kang Library madadaanan mo naman si Mam" sabi ni Iris

"Geh" sabi ko

"Salamat <3" sagot nya sa akin

Normal highschool life nga naman ano. Yung iba pupunta lang sa library para magpalamig. Hindi ito refrigerator noh kundi silid aklatan. Ah si Mam.

"Mam pinabibigay po ni Iris ito" sabi ko.

"Sige salamat" sagot ni Mam sabay umalis

Asan na nga pala ako? Ah dun sa silid palamigan. Pumupunta akong library tuwing tanghali para mag aral at hindi magpalamig.

"Hi Mam" sagot ko sa Librarian

"Hi rin" sagot sa akin

Kahit di ako kilala nasagot pa rin. Asan nga pala dito ang Science books? Ah dun sa dulo nilipat na. Kilala ako sa klase ko bilang "library girl" dahil ako lang napunta sa library sa section ko.

Pero minsan na punta ako sa library para mag isip ng kung ano ano. Si Ron nga pala ang crush ko pero baliktad kami ng ugali. Kung ako matulingin, mabait at matalino edi sya ay... alam nyo na kabaliktaran nun.

Tumingin ako sa relo ko 12:55 pm na pala. Babalik na ako sa klassroom mga ilang minuto maglalalakad eh.

"Bye Mam" sabi ko ulit sa librarian

Pagbalik ko sa klase ayun di pa magsisimula tapos nakita ko si Ron ayun nakangiti <3. Pero napalingon ako at nakita ko si Eric nakatingin sa akin. Bakit kaya? Eric transferee, di ko alam kung matalino pero nakikita ko sya laging nag dradrawing. Dumating si Mam tapos nagturo.

-End of Classes-

Uh? Ba't nawawala ang importanteng notebook ko. Di pwede yun mawala, nandun lahat ang secreto ko. Pag may nakabasa nun. Naghanap ako sa canteen, library, classroom, hallway etc. pero di ko makita.

"Lina hinahanap mo ba to?" may boses na tumawag sa akin at hawak nya notebook ko at si Eric yun.

"Ba't nasa iyo yan?" tanong ko sa kanya

"Nakita ko sa library, naiwan mo yata" sabi ni Eric

"Kanina pa ba yung tanghali, dapat binalik mo agad agad" sagot ko

"Gusto ko pati malaman ang nilalaman ng notebook na to" sabi ni Eric

"Nabasa mo? ang nilalaman nan?" tanong ko

"Crush mo si... Ron" sabi ni Eric

"Wag mong sabihin please" sabi ko kay Eric

"Sasabihin ko kay Ron" sabi ni Eric

"Gagawain ko ang lahat basta wag lang nya malaman. Please" sabi ko kay Eric

"Sige, sa isang kundisyon na... Ikaw ang tutor ko sa pag aaral sa loob lang naman ng 6 days. Saka ko lang ibabalik notebook mo" sabi ni Eric

"Sige basta wag mong sabihin ah" sagot ko

"Magsisimula ka na bukas" sabi ni Eric

-1st Day-

Ito pala ang bahay ni Eric ang layo sa bahay namin. xDD

"Hoy pasok ka kanina ka pa dyan sa labas" sabi ni Eric

Starts in a Notebook (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon