The Frog Prince

37 14 4
                                    

Justine Ace's POV

"Oh! Pare, bakit ang bilis mo?" nagtatakang napabangon sa sofa si tito Felix.

Pabagsak naman ako naupo sa tabi niya at inilapag ang dalawang helmet. "Ang labo ni Aliz, Tito."

"Bakit?"

Sa halip na magkuwento ay inatupag ko na lamang ang sarili sa pagse-cellphone.

Nagbukas ako ng Facebook para pumunta sa timeline ni Aliz. Nag-flood likes ako sa lahat ng post niya at nag-comment din sa ilan. Nakita kong online siya kaya nag-message ako ng 'Hi' pero magkakalahating oras na ay wala pa rin siyang reply o pag-seen manlang.

Inbox zone.

Sunod akong pumunta sa photo album niya kung saan nakita ang mga luma niyang pictures. Napakasaya niya sa bawat larawan at napakaelegante ng mga lugar na napuntahan niya. Iyon nga lang, ikina-discourage ko ang mga picture niya sa kung saan-saang club kasama ang kung sino-sinong lalake.

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para tignan ang albums niya kaya hindi ko lubos akalain na daddy niya pala ang ninong ko. Unexpected din ang ilan sa mga nalaman ko...

"Malulupit sa diskarte 'yang mga Luna. Ingat ka!" sabat ni Tito at doon ko lang namalayan na kanina pa pala siya nakatingin sa screen ng cellphone kaya naman dali-dali ko iyong inilayo sa kan'ya. "Pamangkin, 'wag gan'yan. Napaghahalataan tayo, eh!"

"Magkaklase kayo, 'di ba?"

"Oo pero hindi kami close. Rich kid 'yan dati. Hindi nga ako nagkaroon ng pagkakataon na maka-groupings 'yan kasi puro ka-level n'ya lang ang mga sinasamahan n'ya. At saka nakapatalino n'yan. Kaso bully."

"Seryoso?"

"Ako ang dapat na magtanong n'yan," pasubali niya. "Seryoso ka na ba? Kasi kung ako sa 'yo, 'wag mo na seryosohin dahil mukha namang sinasakyan ka lang n'yan katulad nang ginawa noong huli mong jowa."

"Tingin mo ba pareho lang sila?"

"Bakit pare, seryoso ka na ba talaga?"

Napatigil ako sa tanong na 'yon at sinubukan kong pakiramdaman ang sarili. Sandaling nangibabaw ang katahimikan.

"Yari tayo! Mahirap nga 'yan!" komento na lamang ni Tito bagaman wala pa akong isinasagot. "Pamangkin, kung pipili ka, 'yong ibang mukha naman, ah? Nakauumay na kasi!"

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon