"Kuya Alexander, naitext ko na sila mommy at daddy na nandito na tayo sa manila."
"Okay. Asikasuhin mo na yung pag-aayos ng kwarto niyo ni Alexa." Tumango nalang ako at dumeretso sa kwarto naming dalawa ni Alexa.
"Ateee. Ayusin po na natin po tong room po?" Tanong ng bunso kong kapatid na si Alexa. Puro po. Hahahahaha.
"Yes bunso. Aling bed yung want mo?"
"Yung left po na bed po." Sakanya yung nasa tabing bintana. Yamo naaaa.
"Okay. Ayusin na natin!"
At nag-umpisa na kaming mag-ayos ng kama. Pakilala naba ako? Hahahaha. Okay habang nag-aayos ako ng kwarto magpapakilala na ako.
Ehem. Okay. Ako si Alexisse. Alexisse Xianne V. Perez. 17 years old at 3rd year accountancy student. Sa bagiuo talaga kami nakatira pero pinadala ako ng school dito sa manila kasi ako daw yung napili sa buong school namin. So yung 3rd year hanggang maka-graduate ay dito ko tatapusin. Sinamahan ako ng dalawa kong kapatid dito. Si Kuya Alexander kaya ako sinamahan kasi next week na yung start niya mag-trabaho dito sa manila. Si Alexa naman ay dahil ayaw niyang mahiwalay sakin. 2years old palang siya at di pa nag-aaral kaya kay Tita Lian muna siya habang may klase ako at may trabaho si Kuya Alexander. Susunduin nalang namin siya para dito matulog. Pero dahil di pa start ang klase ko ay magkasama kami ni Alexaaaa. Yey!!
Apat kaming mag-kakapatid at pangatlo ako. Meron akong dalawang Kuya at itong baby sister namin ang bunso. Yung panganay ay 24 years old na at naiwan siya dun sa Bagiuo para may kasama sila mommy at daddy. Siya si Kuya Van at ang whole name niya ay Alexvan Xienn V. Perez. Next ay si Kuya Alexander na 21 years old na at ang whole name niya ay Alexander Zayne V. Perez. Sunod ay ako, Alexisse Xianne V. Perez. At ang bunso at si Alexa na ang whole name ay Alexa Yvenn V. Perez.
Kung napapansin niyo Alex and root word ng first names namin kasi ang pangalan ng father namin ay Alex Zandro Perez. At ang mother naman namin ay si Xandra Yvonne Victorina-Perez.
"Ate!!! Finish na ako po mag-put ng pillows po!!" Sigaw ni Alexa. Tinignan ko yung kama niya at may unan na nga.
"Good job baby Alexa." At kiniss ko siya. Unan lang naman nilagay niya pero ako nag-ayos ng buong higaan niya.
Unan nalang ang kulang nung sakin kaya nung pagkalagay ko. Tada!! Tapos naaaa. Kulay purple yung bed ko at pink yung kay Alexa. Our favorite colors. Napatingin ako sa bintana at gabi na pala. Inabot kami ng gabi sa pag-aayos ng kwarto. Pati kasi closets inayos ko. Gutom na ko.
"Baba na tayo bunso." Binuhat ko si Alexa at bumaba na kami.
Nakakapagod at medyo naninibago pa ako dito sa bahay namin ngayon. Maliit lang to at two storey. Sa taas ay dalawang rooms at isang cr. Sa baba naman ay nandun na yung sala at dining area na kasama na yung kitchen. So ito na nga nakababa na kami.
"Kuyaaaa. May pagkain baaaa?" Naupo na ko dito sa couch sa sala. Hoo kapagod.
"Tol, walang pagkain." Sabi ni Kuya. Pawis siya at mukhang nag-ayos din ng kwarto.
"Gutom na po ako po." Sabi ni Alexa na nasa kandungan ko.
"Gutom na pala ang bunso ko. Ano gusto mong food baby?"
"Burger po and mcflurry po." Nakangiting sagot ni bunso. Ka-cute!!
"Okay. Let's go to mcdo. Alam ko meron dun sa high-way." Napapalakpak kami ni Alexa at lumabas na kahit pawis pa kami. Yamo na di naman nila kami aamuyin! Hahahahaha.
****
"Yum yum!!" Sabi ni Alexa habang sinusubuan ko ng burger. Hinihiwa ko pa kasi di niya kayang kagatin kasi sasabog lang.
"Alexisse kumain kana muna ako na magpapakain kay Alexa." Yown makakakain na ko ng maayos. Hahahaha.
Sarap ng fries, burger at sundae. Yum yum!! Yung fries ipapalaman ko rin sa burger at isasawsaw ko naman yung ibang fries sa sundae. So yummeh!!
"Ayy. Ubos na yung fries ko." Nalungkot naman ako dun.
"Sige na Alexisse order kapang large fries mo." Nakangiting sabi ni Kuya.
"Abaaa. Galante ang kuya ko ah!!"
"Syempre. Alam kong gutom kayo dahil sa byahe. Lalo kana Alexisse. Wala kang kabusugan eh. Sige na order kana."
Tumayo na ko at dumeretsong counter. Hahahahaha. Tama si Kuya wala akong kabusugan pero di naman ako tumataba.
"Good evening miss! What's your order?" Nakangiting sabi nung crew.
"Large fries lang po." maya maya lang ay dumating na yung order ko.
I love frieeees *O*
"Makakuha na ng— WAAAAAAH!!! YUNG FRIES KO!!"
WAAAAAH!!! NATAPON YUNG FRIES KO SA SAHIG DAHIL SA LAPASTANGAN NA TUMUNGGO SAKIN!!
"HOY!!!" Sigaw ko. Aba tumatakas pa tong lapastangan na to!!
At talaga nga naman!! Di ako pinansin!! Hinabol ko siya at tumalon ako ng mataas na mataas para maabot ang ulo nitong damuho na to. Tangkad ah!
"What the fvck?!" Napaharap siya sakin. At sheeeeeems. Ang gwapo!!
"You grab my hair just to drool?!" Drool? Hindi naman ako nagdu-drool!!
"Halimaw! Natapon yung fries ko dahil sayo!!" Wag niya Kong bwisitin gantong gutom ako.
"Just a fries. Oh ayan bumili ka!" Sigaw niya at hinagisan ako ng 1000 peso bill. Woaaah. Kahit na nahihiya ako ay kinuha ko yun. Gutom na ko eh. Sinamaan ko nalang siya ng tingin tsaka ako umalis.
After kong makabili ay umupo na agad ako sa table namin. Naiinis parin ako -.-+
"Alexisse ano yung yung eksena mo dun?"
"Nakita mo Kuya?"
"Oo. Di lang kita mapuntahan kasi baka mawala si Alexa. Anong ginawa sayo nung matangkad na lalaki ha?"
Kinuwento ko lang yung nangyari at ito napala ko.
"HAHAHAHAHAHAHA!" Tinawanan ako ni Kuya.
"Kuya!! Bakit?!" Nakakainis naman eh!! T.T
"Loko ka talaga. Hahaha."
"Ate ang handsome po nung boy po." Sabi ni Alexa habang bumubungisngis.
"Ikaw na bata ka may alam kana diyan ha!" Sabi ko kay Alexa kaya lalo siyang natawa.
Oo totoo gwapo si Koya na matangkad. Mukha ring mayaman kaya siguro ang yabang!! Nako wag siya papakita sakin! Abangan ko siya sa kanto. Mwahahahaha!