[2] Hindi pa tayo tapos

30 4 5
                                    

LYKA'S POV

Isang linggo na din ang nakalipas. At isang linggo na din akong hindi nakapasok. Kung hindi kasi sana sinabi ni Angelique edi sana tahimik pa buhay ko. Kasalanan ko din naman eh bat ba ako nakisali? Tamaa si Gilbert eh sino ba ako sa buhay niya? Diba wala naman. Wala nga ako mukhang maiharap kay Denver ngayon eh. Tsk. Kainis lang.

"Lyka anak andito sina Angelique sa baba sunduin ka daw nila." Eto na talaga papasok na talaga ako. Bumaba na ako .

"Hay sa wakas bumaba ka na din. Alam mo bang kanina pa kami ni Trisha nag hihintay dito. Alam mo bang ang daming teacher na ang nag tanong kung bakit absent. Alam mo bang kami na lang lagi ang kinukulit ng teacher?" Eto nanaman tong bibig ni Angelique eh di nanaman matahimik.

"Pwede ba manahimik ka ang ingay mo eh." Nasungitan tuloy siya ni Trisha. Sabi sa inyo eh masungit.

"Tara na? Baka malate lang tayo." Tumayo na si Trisha at nag paalam na sa Mama ko.

Sumunod na kami kay Trisha. Agad namang sumakay si Trisha sa kotse niya. Kaya umupo na ako sa harap at sa likod si Angelique.

Nakarating naman kami agad. Bumaba na kaming tatlo at laking gulat ko na ang daming students ang naka tingin sa akin. Ayan na nga ba eh.

"Hoy kayo ano tinitingin tingin niyo diyan?!" Sigaw ni Angelique.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng mga babae na mas maganda kesa sa inyo?" Sabi ni Trisha in a cold way.

Buti na lang andiyan yung mga kaibigan ko nagagawa nila ako ipagtanggol. Kung kay Angelique lang kayang kaya niyang bungangaan yang mga yan eh samntalang si Trisha naman kaya niyang takutin yan para tumigil.

"Oh ano pa hinihintay niyo wala ba talaga kayong balak umalis?!" Ayan ayaw pa kasi umalis eh nasigawan tuloy sila ni Angelique. Umalis naman sila agad.

"Aalis din naman pala. Ano tara na?" Ngiting ngiti na lumingon sa akin si Angelique. Tumango naman ako. Kaya ayun hinila na kami ni Trisha papunta sa room.

"Ay Trisha oh may nag papabigay sayo." Napatingin naman si Trisha kay Angelique pero wala talaga akong nakikitang  expressions sa mukha niya eh.

"Ano gagawin ko diyan? Kanino ng galing yan?" Wala parin talagang expression eh.

  "Di ko alam eh basta may nag abot na lang sa akin." Pilit na binigay ni Angelique yung chocolate.

"Ayoko sa inyo na lang hindi ako masyado kumakain ng sweets." Ganyan talaga yan hindi basta basta tumatanggap ng mga pagkain o kahit ano pa man.

Sa totoo lang lahat talaga kami mga magaganda kaso takot nga lang mga lumapit. Kasi ako minsan nagagalit. Tapos pag kay Angelique nnman natatakot silang masigawan. Kapag kay Trisha naman natatakot silang masungitan.

Pumasok na kami sa room at ayun nga yung mga lalaki kong classmate ayun magulo nag haharutan nag babatuhan. Umiling na lang ako pumunta na kami sa likod kasi sa likod kami nakaupo. Agad namang umupo si Trisha sa upuan niya at nilabas ang phone niya at nag earphones. Ganyan talaga yan pag wala pang teacher laging naka earphones. Si Angelique naman ayan dinadaldal ako.

"Huy Lyka si Denver oh." Napa ayos ako ng upo ko at tinakpan ang mukha ko.

Sakto naman dumating na din yung teacher namin kaya lahat sila umayos na at nakinig sa kanya.

>>>>

Yes uwian na hahaha! Medyo okay na din kasi hindi ako masyado na pag iinitan andito kasi sina Trisha at Angelique.

"Guys anong balak niyong gawin malapit na birthday ni Jeff noh." Tanong bigla ni Angelique.

"Ewan ko ba may naisip ba kayo?" Tanong ko naman sa kanila.

"Wala pa." Ano ba tong si Trisha minsan na nga lang mag salita tapos ang tipid pa.

"Huy hindi ba sina Andrei yun." Turo ni Angelique kung saan naka park ang kotse ni Trisha. Aba nakasandal pa sa kotse niya si Gilbert.

Mabilis kaming nag lakad ni Angelique at iniwan si Trisha dun.

"Anong ginagawa niyo dito?" Mahinahong tanong ni Angelique.

"Bakit may problema ba kayo kung nandito kami?" Maangas na tanong ni Gilbert. Sasagot na sana ako kaso.

"Oo may problema ako kasi kotse ko yang sinasandalan niyo." Kaso naunahan ako ni Trisha eh.

"Ano naman pake ko kung kotse mo toh?" Isa pa tong si Andrei tsk. Nakakainis na siya ah.

"Hindi ko naman hinihingi pake mo eh. Kaya pwede get lost." Pag tataray ni Trisha.

"Hahaha tol mukhang nagagalit na toh. Eh balita ko kasi mga mabilis magalit tong mga toh." Sabi ni Gilbert.

"Eh ano naman kung nakakatakot sa kanila? Baka nga sila pa ang matakot eh." Ang angas talaga niya.

"Okay." Yan lang ang sinabi ni Trisha at tinulak si Gilbert para maka pasok na sa loob.

Sumunod na kami ni Angelique. Pumasok na din kami sa loob. Medyo lumayo sila kotse ni Trisha kaya pinaandar na niya ito.

"Hindi pa tayo tapos!"

°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°▪°

Hi guys! Chapter 2 na toh hahahaha. Sana po patuloy niyo pong suportahan ang I Love Everything About You pati din yung Endless Love.

Thank you ♡

Vote. Comment.

I Love Everything About You [On- Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon