Habang kumakain kami ng almusal, ramdam na ramdam ko pa rin yung sama ng loob sa akin ni Ashleen. Hindi niya ako kinikibo. Hindi niya ako kinakausap. Para lang akong hanging dumadaan daan sa kanya. Parang hindi niya ako nakikita.
Matapos naming kumain..
"Kayong dalawa... Mga anak. Maaga ako aalis at gabi na ako makakauwi. May pupuntahan pa kasi akong birthday mamaya. Pero mga alas nuwebe...nandito na rin ako. Kaya.. Sana kayo muna bahala sa bahay ah?"
"Opo Mama. Paparty party ka na ngayon ah? Si Mama.. Nagdadalaga na naman." Pabirong sabi ni Ashleen sa kanya.
"Ikaw talaga!" Sabay yakap ni Mama kay Ashleen.
Close na close sila nuh?
Napatingin sa akin si Mama. Parang napansin na ang tahimik ko...
"Oh. Halika nga rito, group hug nga!"
Nahihiya pa akong lumapit. Parang di naman kasi ako belong e. :( Niyakap ako ni Mama at naramdaman ko rin yung kamay ni Ashleen na dumampi sa likod ko. Ibigsabihin, yinakap niya rin ako.
"O siya... Senti na naman tayo e. Mabuti pa magsimula na kayong kumilos at gumawa ng mga gawaing bahay. Sinong sa kusina? Sino sa labas ng bahay? Sino sa salas? Sino sa taas?
"AKO sa KUSINA" sabay pa naming nasabi ni Ashleen, rason para magkatinginan kaming dalawa.
"Sige.. Ako nalang sa labas ng bahay at sa salas.." Sabi ko naman.
"Hindi na.. Ako na sa labas. Baka kasi hindi ka sanay----"
"E kahit naman saan hindi ako sanay e. Ako nalang sa labas.. Tutal.. Mas magaling ka namang magluto kesa sa akin. Mas sanay ka sa mga gawaing bahay."
"K.. Bahala na." Umiling iling siya tapos kinuha niya yung mga gamit na pinggan sa mesa para mahugasan.
Lumabas naman ako at kumuha ng tingting. Sinimulan ko nang magwalis pero parang nangangawit ako kaagad. Ano ba yan? -,-
Nang may biglang gumulat sa akin. Nabitawan ko yung walis at naitumba ko yung dustpan kaya nagkalat na naman uli yung mga winalis ko.
"HIMALA." Sabi niya.
Inirapan ko siya at dinampot ko uli yung tingting saka nagpatuloy sa pagwawalis.
"Ang aga aga... Nagsusungit ka na naman..." Dagdag pa niya.
Lumingon ako sa kanya.
"ALLEN. PLEASE."
"Bakit? Nakakashock lang naman e."
"San ba ang punta mo? Pupunta ka ba ng bakery para bumili ng pandesal? Pwede umalis ka na?"
"Eto talaga.. Kahit umaga, nagsusuplada."
"O binibisita mo si Ashleen? Nasa loob siya.. Marami siyang ginagawa kaya sa ibang araw ka nalang bumisita."
"Ay? Kaya pala hindi ko na siya nakikitang nagwawalis sa harapan ng bahay nila twing umaga... Andito na pala sila."
"Oo. Kaya umalis ka na."
"Ta mo to. Ganyan mo ba itrato yung mga napapadaan sa napakagandang mansion niyo?"
"Acienda."
"Okay. Acienda niyo?"
"BAKIT BA KE-AGA AGA NANGBABADTRIP KA? Ano bang problema mo?"
"Easy lang.. Nakakabigla lang kasi e. Ikaw? Naglilinis? Di nga? Di ba may mga katulong naman kayo?"
"Nagbakasyon nga kaya tantanan mo na ako. Umalis ka na."
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?