-;-;-;-;-;-;-
Love Game
-;-;-;-;-;-;-
"No, you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me..."
[Kathryn]
Tiningnan ko ng masama si Mr. Padilla. Hindi kasi siya nagsasalita. Naiirita na ako sa bawat segundo na lumilipas. Ganito ba manligaw ang isang ito? Gusto niya daw ako pero lapit naman ng lapit sa ibang babae. Tiningnan ko ng mabuti ang babae.
Leche lang talaga. Ito pa yung babae na kasama niyang bumili ng suit para sa birthday ko. Di ako nagkakamali. Siya yung babaeng pinangalanan kong aswang sa utak ko. Nang-aasar ba ang isang ito? Eh kung bastedin ko na siya.
"Ano? Di ka magsasalita? Di mo sasagutin ang tanong ko?" tanong ko kay Mr. Padilla.
"H-Huh?" nauutal na ani niya.
"Sabi ko hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" ulit ko sa mga sinabi ko.
Nanigas siya sa kinatatayuan niya.
Inis na inis na nga ako, dumagdag pa yung walang humpay na sagot niya ulit sa tanong ko, "H-Huh?"
"Isa pang huh makakatikim ka na sa akin," pagbabanta ko.
Hindi ko alam kung anong sinabi kong maganda kasi biglang umaliwalas ang mukha niya.
Problema ng isang ito? Bipolar lang?
"Makakatikim ng ano?" tanong niya at biglang akbay sa akin. "Makakatikim ng isang malutong na kiss?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Makakatikim ng malutong na suntok. Umayos ka Mr. Padilla at sagutin mo ang tanong ko. May problema ba kayo ng aswang –" itinuro ko yung kausap niyang babae. " – este nitong babaeng ito."
"Wala kaming problema. Wag ka ng magselos oh," tugon niya sa akin. "Alam mo namang ikaw lang ang babae ko."
Suminghap naman yung aswang na kausap niya. Hindi ko alam kung may itataas pa yung kilay ko, pero ginawa ko.
"Hindi ako nagseselos," saad ko.
"Wag ka ng magsinungaling. DQ ka talaga," wika niya sabay tawa ng marahan.
"Anong DQ?" tanong ko sa kanya.
"Denial Queen!" sagot niya sa tanong ko. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko at tinaas-baba ang mga kilay niya. Feeling niya siguro cute siya. Excuse me, hindi ka cute!
"Hindi ako DQ, Mr. Padilla. Sadyang nagsasabi lang ng totoo," giit ko.
"Hindi ako naniniwala sa'yo," sambit niya. "At pwede ba, sabi ko tawagin mo kong Dj pag tayong dalawa lang at wala sa school."
Inirolyo ko ang mga mata ko at tumingin ulit sa aswang na kausap niya kanina. Nakangiti ito ng mapait habang nakatingin sa akin.
"So...Dj, hindi mo ba ako ipapakilala sa aswang – este dito sa magandang –" Nasusuka ako habang sinasabi ko ang maganda sa totoo lang, " – babae na ito?"
BINABASA MO ANG
Love Game (Song #1)
RomanceWhen delinquent student, Kathryn Bernardo found solace in her English teacher's arms, a dangerous love game begins.This is a story of two broken people living caged in their past with two mysteries to solve and a love that would save them both. For...