“Let’s sleep? Inaantok na ako.” ani Paige.
Tumango si Aidan.
Nahiga ang dalaga sa kama.
Nagsimula ang lahat sa isang pangako na hindi natupad ng kanyang kapatid.Ginampanan niya iyon.At mukhang hindi niya ginagawa iyon dahil sa kailangan kundi dahil sa gusto niya ang pagsilbihan si Paige.Naging abala siya sa planong mailayo ang loob nito kay Ethan.Dahilan iyon upang unti-unti ay mawala sa sistema niya ang dating kasintahan.Awa.Iyon na lang marahil ang natitirang emosyon niya para dito.
Pinagmasdan niya ang nakahigang dalaga sa sarado nitong mga mata.Ngayon pa lang nangamba na siya sa naging rekasyon nito ng kamuntikan niyang masabi ang tunay na pangalan ng dating nobya.Ngunit sa pagtatakip na iyon dinagdagan niya lang ay kasalanan dito.Patuloy siya sa pagsisinungaling ngunit sa parte niya’y iyon ang dapat upang huwag itong masaktan.Ngunit kailanma’y hindi magiging tama ang mali.At natatakot siya sa mga posibleng mangyari.
"Pasensya na ha.Hindi ko kasi nasuot ‘yong kwintas na binigay mo.Masyado kasi ‘yong importante sa’kin kaya tinago ko na agad pagkabigay mo.Nakalimutan ko tuloy dalhin." ani Paige.Pauwi na sila mula sa sandaling pananatili sa Sagada.
Napangiti ito na hindi naman naantala ang pagmamaneho.
"Mas mabuti ngang hindi mo na 'yon sinuot.Ayokong sabihin ng lola na wala akong orinigality sa pagbibigay sa'yo ng regalo dahil ginaya ko ang style ng kwintas ng pamilya namin.Masyado lang talagang spesyal sa’kin ang kwintas na ‘yon.I believe that it symbolize an everlasting love.Alam mo ba na wala pa sa pamilya namin ang nagkahiwalay dahil sa pamana na iyon? Gano’n kalakas ang power ng kwintas na iyon.And I’m sad dahil hindi iyon napunta sa’yo.”
“Okay lang.Kopya niya naman ang kwintas na regalo mo sa’kin.Parang gano’n na din iyon Aidan.It’s endless.” She explained. “Saan ka nga pala kumuha ng pera para maipambili no’n? Halata kasing mahal.”
Pagak itong ngumisi. “Don’t worry imitation lang ‘yon.Pero one hundred percent sure na hindi iyon kumukupas.Kaya ‘wag kang mag-alala sa presyo.Masarap ba ang tulog mo?"
"Siyempre naman.Katabi at kayakap ko ang taong mahal ko."
Bahagyang namula ito.
"Mabuti nalang at hindi ko nakalimutang ilocked ‘yung pinto."
Natawa silang pareho.Malamang na kung hindi ay napagalitan sila ng lola at lolo nito.Hinawakan nito ang kamay niya.
"Do you feel the warmth on my hands?"
Tumango siya.
"I’m fortunate to have this kind of feeling Paige.Thank you for bringing happiness into my life.”
“Thankful din ako Aidan dahil nakilala kita.Masayang masaya ako.Alam kong hindi ako nagkamali sa’yo.”
Pinisil nito ang kamay niya at hindi na nagsalita.Nagpaskil ito ng kuntentong ngiti.
“Bulaga!”
Natapal ni Paige ang kamay sa dibdib sa pagkabigla.Nakita niya ang ngingisi ngising si Blechie.Nakipagkita siya dito kinabukasan nang makauwi sila ni Aidan mula sa Sagada.Dala niya ang pasalubong para dito na galing pa mismo sa mga kamag-anak ni Aidan.
“Bruha ka talaga!” inabot niya ito ng hampas.
Nagpeace sign ito bago naupo sa kanyang tabi.Nasa isang parke sila malapit sa pinakabayan ng kanilang lugar.
Inabot niya dito ang plastik na may lamang lengua de gato at peanut brittle. “Oh yan, pasalubong ko sa’yo.Alam ko namang hobby mo ang pagkain.”
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...