Nagmamadaling binabaan ni Paige ang taong kumakatok.Isang araw lang niyang hindi nakita si Aidan pero nananabik na siya dito.Kanina niya pa ito hinihintay dahil sasamahan niya ito sa pagpunta sa eskwelahan para kunin ang toga at iba pang gagamitin nito sa graduation.Hapon na ngunit hindi pa din ito dumadating.Sigurado siyang magpapaliwanag ito kaya ito nagtungo sa bahay nila.
Nilayuan siya ng galak nang mapagbuksan ang maaliwalas na bulto ni Ethan.Kagabi lang ay parang napakalaki ng problema nito.Ano’ng nangyari at parang naging maginhawa ang appearance nito?
"Nasaan si Aidan?" bungad niya.Hindi niya ito gustong makita.Si Aidan lang ang gusto niya.Wala ng iba!
"Tapos na ang lahat Paige.Wala ng dahilan pa para hanapin mo siya.Nandito na ako.Tutuparin ko na ang mga pangako ko sa'yo."
"A-ano ba'ng sinasabi mo?"
Hinawakan nito ang mga braso niya.”Kailangan mong malaman ang lahat.”
Nandidiring nilayo niya ang sarili mula dito. "Bitawan mo ako! Wala akong dapat na malaman Ethan.Tapos na tayo! Ayaw na kitang makita pa!"
Pinigil nito ang pinto ng akma niya iyong isasara.
"Si Aidan, inako ka niya para sa'kin."
Natigilan siya.
"Pinakiusapan ko siya na kung maaari gampanan niya ang pangako ko sa'yo.At iyon ay sa pamamagitan ng pagiging nobyo mo.Kapalit niyon ang pagharap ko sa responsibilidad ko kay Hannah."
"H-hannah?"
Nag-init ang sulok ng kanyang mata.Hindi niya alam bakit ganoon ang naging reaksyon ng niya.Hindi naman siya nakakasigurado sa sinabi nito.Malay niya ba kung sinisiraan lang nito sakanya si Aidan dahil ito na ang mahal niya ngayon.Hindi siya lolokohin ni Aidan dahil totoo ang pagmamahal na ipinakita nito sakanya.At naramdaman niya iyon.
"Siya ang nag-iisang babaeng minahal ni Aidan.Hindi ko sinasadya na----na may mangyari sa pagitan namin.”
“Mangyari?” may tuyang ulit niya. “Ano ang pakialam ko kung may nangyari man sa inyo ng babaeng iyon!” she hissed.
Sinasabi niya na nga ba at gumagawa ito ng kwento.Malinaw pa sakanyang memorya na Hannika ang pangalan ng nobya ni Aidan.
Muli nitong inabot ang mga bisig niya. "Magsisimula tayo Paige.Itatama ko ang mga mali ko.Magtiwala ka lang ulit sa'kin.Si Aidan, pumayag na siyang magkabalikan tayo at sigurado akong babalikan na din niya si Hannah."
Wala siyang pinakinggan isa man sa mga sinabi nito.Pinalagay niyang patay ang sarili ng mga oras na iyon.
"Tapos ka na ba sa kasinungalingan mo? Naging magaan ba ang pakiramdam mo dahil nasiraan mo si Aidan sa'kin? Napakagaling mong gumawa ng kwento Ethan.Isa ka talagang dakilang manloloko!" binalik niya sa ayos ang paghinga. "Pwede ka na sigurong umalis.Nasabi mo na naman ang lahat ng gusto mo, hindi ba?"
"Ganyan ba kalaki ang tiwala mo sakanya ha? Paige? Na hindi mo magawang mapakinggan ang mga sinasabi ko?"
"Oo Ethan.Malaki ang tiwala ko sakanya dahil nangako siya sa'kin na hindi niya ako sasaktan gaya ng ginawa mo sa’kin noon.At naramdaman ko iyon.Kaya kung gusto mo lang kaming magkalayo, sinasabi ko na sa'yo….hindi ka magtatagumpay!"
"Mahal mo na ba siya Paige?" nahirapan itong bigkasin iyon.
"Higit pa sa pagmamahal ko sa'yo noon Ethan."
Napasinghap ito.
"Pwes, nagsinungaling siya sa'yo.Hindi totoo ang lahat ng mga pinakita niya sa'yo!" nawala ang hinahon nito.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...